-Fifty Seven-

2.6K 16 3
                                    

Author’s Message:

OA na po ba ang pag-skip? Hehehe. Sorry pero ganun po talaga kasi ITO NA ANG SIMULA! Enjoy.

Chapter 57

September 28, Friday

Nathalie’s Point of View

“Ganito kasi iyan, tandaan mo yung SOHCAHTOA at CHOSHACAO para hindi ka malito.”

Hay. Naintindihan kaya niya itong mga pinagsasasabi ko? Kasi... feeling ko hindi. Paano ba naman... ang aming posisyon ay... hindi katanggap-tanggap. Nakasandal ako sa kanya tapos siya naman ay parang bata na nakakapit. Nagpapaturo siya sa akin ng lesson namin pero hindi ko alam kung bakit kailangan pa niya eh na-perfect naman niya yung quiz namin kanina. Whoo. Di ko talaga maintindihan. Hayaan na nga lang.

(JUST IMAGINE. Kasi naman... hindi ako magaling mag-explain. Haha. Sensya.)

“Vene, na-gets mo ba?”

Walang sumasagot. Tiningnan ko kung ano nangyari at ayun... nakatulog na siya. Ang bilis naman. Parang kanina lang eh sumasagot pa siya sa mga tanong ko. Ano ba gagawin ko dito? Tinapik ko siya ng bahagya at mukhang nagising siya. Sorry.

“Ano, umayos ka nalang ng higa. Sasandal nalang ako dun sa may puno.”

“Okay lang?”

Sabi niya habang kinukusot ng konti yung mata niya. Ang cute! Parang bata! Wee.

“Oo. Kawawa ka naman dyan.”

“Okay.”

Tumayo ako at sumunod naman siya. Sumandal ako at humiga naman siya dun sa lap ko at pumikit. Malamang ay tulog na ito maya-maya. Ang bilis eh. Hinaplos ko yung buhok niya. Ang lambot. Hindi pa siya isa sa mga lalaki na adik maglagay ng kung ano sa buhok? Ito kasi parang ang puro ng buhok. Walang bahid. Joke. Natural lang siya.

Habang hinihimas ko yung buhok niya, nagulat ako nang bigla niyang hawakan yung kamay ko. Gah. Gulat ako dun. Naramdaman ko nalang bigla yung labi niya sa kamay ko. Hinalikan niya yung kamay ko. Wah. Gising pala siya. Ay, hindi. Tulog siya. Tulog. Teka. Bakit ko binabara ang sarili ko? Naman eh.

“I love you...”

Namula naman daw ako. Bigla-bigla naman kasi eh.

“I love you too.”

Eh. Nahihiya ako. Tumayo siya at tinabihan ako. Humiga siya doon sa balikat ko. Hawak pa rin niya yung kamay ko. Teka. Nakakahalata na ako. Masyado ata siyang makakapit ngayon. Anong meron? Sinalat ko yung noo niya with my free hand. Normal naman.

“Vene, may problema ba?”

Dumilat siya at tumingin sa akin ng deretso. Ang ganda ng mata niya.

“Wala naman. Bakit?”

“Ah, eh kasi hehehe.”

Ano ba yan?! Parang baliw naman ako. Pshh. Mga ilang minuto rin kaming tahimik nang makarinig kami bigla nang sigawan. May... sumabog ba? May narinig ako eh. Pareho kaming napatayo. Nagkatinginan kami. Alam ko kung ano ang ibig sabihin ng tingin niya. Pareho lang kami ng iniisip: Anong nangyayari?

Hinawakan niya ng mahigpit yung kamay ko at naglakad kami ng mabilis papunta doon sa may front gate. Ang dami nang tao ang nandun at nakita namin si Sandy at Dina. Nakatingin sila sa kung saan. Lumapit kami sa kanila at nakita ko kung saan sila nakatingin... sunog. Nasusunog yung isa sa gym namin. Pa-paano nangyari iyon?

Always Have, Always Will: In the deep night, I would always think of YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon