Chapter 6

24 1 0
                                    

JOEY'S

"Joey ano ba dahan dahan!"

"Teka nga, wag kang mag-overtake mababangga tayo"

"Nakuu may kasalubong ayan na ayan naaaa!"

Sino yan? Si mommy lang naman. Super oa na mababangga kami -.- kung alam lang n'ya.

Natetense tuloy ako sa pagdadrive. Wala kasi s'yang driver at ako ang nakita kaya ako ang magiging driver n'ya for today.

"Joey halika dito, ano ba maganda? Ito ba?"

"Ito ba? Bagay sa akin?"

"Itong isa ba?"

"Mommy mukha ka jang masungit sa mga pinipili mo"

Nandito kami ngayon sa isang eyewear shop sa mall para magpareading glass si mommy.

Halos 30 minutes na yata siyang pumipili ng frame.

"Diba sabi mo sa akin sumasakit ang mata kapag nagbabasa ka? Magpacheck ka na"

"Opo, tsaka pag nagcocomputer din ako baka kailangan ko na nga din ng reading glass"

"Doc pacheck up na din nga po tong anak ko"

Habang papunta ako sa room na ichecheck ako ...

"Malabo na talaga ang mata" nasabi ko sa sarili ko

Pero hindi dahil habang papalapit ako ng papalapit mas lalo kong kinukumbinsi ang sarili ko na hindi SIYA talaga yun.

Sa dami naman ng pagkakataon bakit ngayon pa?

Umiling-iling ako "Joey paano naman siya mapupunta dito? Nasa amerika nga siya diba? Tama! Tama!"

Pinaupo na ako at pinasilip sa isang apparatus at doon nga sinabi nung doktor na may grado na ang mata ko.

"Maam, may grado na po"

"Ang hilig mo kasing magbasa sa dilim ayan tuloy dinaig mo pa ko" ang sabi sakin ni mommy na hanggang ngayon pumipili ng frame ng salamin nya

Pumunta ulit ako sa check up room para magsukat ng lenses at basahin ang mga letters at doon ko narealize na ang labo na talaga ng mata ko.

"Sige nga lumabas ka tingnan mo kung mahihilo ka kapag suot mo yan" sabi ni doc kaya lumabas na ko sa madilim na room at pumunta sa labas

Mas malinaw kong nakita na SIYA talaga yon. Ghaad anong ginagawa n'ya dito?

Hindi na ko tumingin sa direksyon na kung nasaan SIYA dahil ayokong maniwala na siya yun.

Habang pumipili na ako ng frame...

"Bigyan mo ng 30% discount si maam" sabi nung doktor sa nag-aassist na tumingin sakin at kakwentuhan n'ya SI SI SI ahhhh!!!!! at nagtatawanan pa sila?

Nagturo nalang ako ng kahit ano dun sa istante at mabilis na umalis dun sa shop sinabi ko nalang kay mommy na naiihi ako.

1 message received

Brave

-----

Gian's POV

"Boss ano po bang maipaglilingkod ko sa inyo?"

"Ano ba magandang remedyo jan?"

sabay turo doon sa gasgas ng kotse ni Joey naipangako ko kasing gagawan ko ng paraan kaya ako nandito para ipaayos

"Repaint sir"

"Ah wag yun halatain"

pagnakita ng mommy n'ya 'yun siguradong lahat kami malilintikan

Postponed ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon