Epilogue

246 10 2
                                    

Natapos ng payapa ‘yung summer program namin sa bahay-ampunan. Umiwas rin naman sa akin si Simon kaya naging madali ang lahat para sa akin. Pakiramdam ko naintindihan niya naman na kailangan ko talaga ng space para sa maka-move on at makapag-let go ako.

Isa pa, ‘di niya na naman ako kailangan eh. Nandyan naman si Isabel para pasayahin siya, para buuin ‘yung araw niya.

I’ll never be that person. Minahal niya lang ako. ‘Di ako ang mahal niya.

But I just want to give his heart a break though. But he didn’t give me a chance. Mas gusto niya pa yata na masaktan siya’t magpakatanga sa isang taong iniwan na siya noon kaysa naman magmahal ng bago.

Takot pala ha.

“So, this is good bye?”

Binatukan ko nga siya. “Sira ka ba?” natatawa kong sabi. “Baka magka-school tayo.”

Tumawa siya. “Sorry naman, bes.”

Ito talagang si Marielle, oo. Pero buti na lang nandito siya para pasayahin ako. Kahit na nalungkot siya para sa amin ni Simon, tagapagpasaya ko pa rin siya. ‘Di ko nga alam kung sa’n niya ba nakukuha ‘yang lakas niya eh. Sana makakuha ako ng ganyan sa tiangge o sa ukay-ukay.

“Ate!”

“Oh, Terrence?” lumuhod ako para maging kapantay ko siya.

“Mami-miss kita,” he hugged me.

I aww-ed. “Mami-miss rin kita, Terrence.”

“Buti pa siya mami-miss mo.”

Great.

Bumitiw na ako sa yakap namin. “Pakabait ka ha?” Tumango siya.

Tumayo na ako, ginulo ‘yung buhok niya, at naglakad papalayo na parang wala akong narinig. Si Marielle, nakatingin lang, stoned, ‘di alam kung anong gagawin.

“Rachel.” Hinawakan niya ‘yung isang kamay ko.

“Akala ko ba gusto mo akong mag-move on?” sambit ko ng hindi tumitingin sa kaniya. “Pa’no ako makaka-move on nito ng maayos kung magpapakita ka rin naman pala sa akin, kung lalapit-lapitan mo rin naman pala ako. Kailangan ko ng space para makalimutan ‘yung feelings ko para sa’yo, para makalimutan ka Simon.”

“‘Di mo man lang ba ako papakinggan?”

Nilingon ko na siya. “Bakit?”

“Nagbago na isip ko.”

Give Your Heart A BreakTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon