Chapter 4

678 23 13
                                    

“Ano sa’yo?” tanong niya nung nagtititingin na kami ng putahe sa karinderia.

Since para sa mga bata lang talaga ‘yung mga pagkain do’n sa bahay-ampunan, sariling gastos kami para sa pagkain namin.

Natawa naman siya kasi kunot-noo akong nakatingin sa kaniya. “Libre na kita.”

“‘Wag na ano,” tanggi ko.

“‘To naman oh,” sumbat niya. “Minsan na nga lang akong sumpungin eh.”

“Oo na, sige na.” Natawa na lang ako sa kaniya. Talagang pinipilit niya na ilibre ako ha. “Kahit ano na lang.”

“Kahit na—“

“Basta ‘wag maanghang at amplaya,” inunahan ko na siya.

“Ayaw mo sa amplaya?” Umiling ako. “Bitter?”

“Sira,” natatawa akong sagot. “Napapaitan lang ako sa lasa pero ‘di ako bitter. NBSB ako, ‘toy.”

He let out a little laugh, nang-aasar.

Iniwan ko na siya do’n para um-order at naghanap na ako ng mauupuan namin. Buti na lang pala at tapos na ‘yung lunch break ng mga construction worker sa katabing gusali, ‘di na puno masyado ‘yung karinderia.

“Nagka-girlfriend ka na ba?” simula ko ng topic.

Tumango siya. “Bakit?”

“Kayo pa?”

Umiling siya. “Bakit?” tanong niya ulit.

“Kaya pala nag-ampalaya ka.” Pinanliitan niya ko ng mata. “Bitter,” asar ko sa kaniya.

Tinawanan niya lang ako.

Napairap na lang ako. Ang korni niya naman. Ni hindi man lang siya magsimula ng topic na bago kung ayaw niyang pag-usapan ‘yung past niya.

“Naka-move on ka na ba?” simula ko ulit.

Natigilan siya sa pagkain at tumingin sa akin. Tumitig sa akin.

He sighed. “Bakit mo naman natanong?”

“Curious lang,” dahilan ko. Pinanliitan niya lang ako ng mata, begging for more explanation. I mentally sighed.

“Ang weird kasi, okay.” Huminga muna ako ng malalim. “Kung break na kayo, at single ka na ngayon, bakit wala ka pang bago? Ga’no na ba katagal ‘yung break-up niyo?”

“Magi-isang taon na.”

“See?” sumbat ko. “Ang tagal na ng isang taon. At para sa isang lalaking gwapo na tulad mo, dapat ilang buwan pa lang meron ka ng bago. ‘Di naman mahirap na makahanap ka ulit eh. Not unless,” tumingin ako sa kaniya, “‘di ka pa nakaka-move on.”

“‘Di ba pwedeng ayoko lang muna?” Napasinghal niya. “Na kahit naka-move on ako, ‘di ko pa rin siya kayang magmahal ulit kasi natatakot akong masaktan ulit? ‘Di ba pwedeng pinagpapahinga ko lang muna ‘yung puso ko kasi napagod ‘to eh,” dinuro niya ‘yung puso niya. “Napagod ‘to nung hinabol ko siya kahit iniwan niya na ako, napagod ‘to nung pinagpilitan niya pa rin ‘yung sarili niya sa isang taong iniwan na siya, napagod ‘to kasi nagmahal siya ng lubos-lubos, pero ‘di naman siya minahal pabalik ng buong-buo.”

Napailing na lang ako. Mali pala na pinag-usapan namin ‘to.

Give Your Heart A BreakTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon