Chapter 2

807 25 6
                                    

“Rachel, ‘wag mo akong iiwan ah.”

“Oo naman. Dinala-dala kita dito eh.”

Love Fellowship namin ngayon sa church. Taon-taon ‘tong ginaganap pero ngayon lang ako nakapunta. Noon ko pa sana binabalak kaso wala namang sumasama sa akin. Kailangan daw kasing may isama kami tuwing fellowship. Ayoko namang pumunta do’n ng walang kasama kasi baka isipin nila na loner ako, walang friend, walang boyfriend.

Pinaupo kami once na nagsimula na ‘yung program. May preaching muna na ginawa, syempre tungkol sa love. Pagkatapos, sinimulan na ‘yung activity. At ang pinakasimula? Introduction ng sarili.

Name, age, other details, civil status—‘Yan ‘yung format. Halos lahat ng nauna sa akin single. Mayro’n namang in a relationship na pero mabibilang mo lang sila gamit ‘yung mga daliri mo sa kamay.

Siniko ako ni Marielle. Ako na pala.

“Hi,” sambit ko pagkatayo ko. “My name is Rachel. I’m 16 years old, incoming freshie student sa DLSU, AB International Studies major in European Languages. Status?” I paused. “Still single.”

Umupo na ako pero sa kaniya pa rin ako nakatingin. ‘Di ko alam kung bakit pero basta na lang napadpad ‘yung mata ko sa kaniya at ‘di na naalis pa. Kahit siya, nakikipagtitigan na rin sa akin.

Nasa kabilang side siya ng covered area na ginagamit namin ngayon para sa fellowship. Matagal-tagal pa bago siya magpakilala. Habang wala pa, magtititigan muna kaming dalawa.

Nagulat ako nung bigla niyang iniwas ‘yung mga mata niya. Siya na pala ‘yung magpapakilala. Sa wakas, siya na.

“Hi,” bati niya. “My name is Nathaniel Cruz. You can call me Nathan or Nathaniel. I’m 17 years old, incoming freshmen sa MAPUA, BS Computer Science. Status?” tumingin sa akin at ngumisi, “Single.”

‘Di ko alam kung bakit ako nakikipag-flirt staring sa isang random stranger na ngayon ko lang nakita. Para kasing kilala ko na siya by heart, not by eyes, kaya nagawa kong makipagtitigan sa kaniya ng matagal.

Pagkatapos mag-introduce ng lahat, sinimulan na talaga ng maayos ‘yung activity. Pinasulat sa amin sa isang maliit na papel ‘yung mga pangalan namin, blue ‘yung papel ng lalaki at pink naman sa babae, pinapasa at nilagay sa dalawang magkaibang bowl.

Bunutan daw ‘yung partnering namin. ‘Di pa sinasabi kung bakit kailangan magkapartner at kung bakit kailangan na lalaki-babae ‘yung partnering.

“Rachel.”

Siniko ako ni Marielle ng ilang ulit. Bigla tuloy akong kinabahan. Sino kayang makakapartner ko?

“Nathaniel.”

Sa loob-loob ko, tumatalon-talon na ako. Mukhang narinig yata ‘yung panalangin ko.

Pagkatapos mabunot lahat-lahat, pinapunta na kami sa mga kapartner namin. Nung hinahanap ko siya, para lang akong nasa movie. Mas matatangkad ‘yung mga tao sa akin kaya ‘di ko siya makita. Tinutulak-tulak ko sila para makita ko kung sa’n ako pupunta, para makita ko kung nasa’n siya. Maya-maya, pagkaalis ng isang nakaharang sa akin, lumiwanag ang lahat. Nakita ko siya, nakatingin sa akin, hinihintay ako.

Ang awkward rin pala kung nagtititigan kayong dalawa kanina tapos bigla-bigla kayong mag-uusap ng personal. Ano kayang sasabihin ko kapag tinanong niya ako kung bakit? Pero sinagot niya rin naman kasi ‘yung bawat tingin ko eh. Isa pa, siya naman ‘tong naunang tumingin.

“Rachel,” pangunguna ko sa kaniya.

“Simon.”

Napakunot ako ng noo. “‘Di ba Nathan ‘yung ta—“

“Second name ko ‘yung Simon,” nakangiti niyang sabi.

Napatango na lang ako, kahit na ‘di ko naman get’s kung bakit ‘yun ‘yung gusto niyang itawag ko sa kaniya. Pero sabi niya kanina na Nathan or Nathaniel lang ‘yung itawag sa kaniya. Gulo.

Pinaupo na kami maya-maya kasama ‘yung mga kapartner namin. Kaya pala boy-girl ‘yung partnering kasi gagawa kami ng skit tungkol sa love. Kahit anong love, family, friends, kay God, etc.

‘Yung love sa kaibigan ‘yung ginawa namin. Kaso nung nagpe-present na kami, parang nag-iba siya ng flow. From friends, bilang naging sila sa dulo. Bigla-bigla kasing lumuhod si Simon at niligawan ako. Buti na lang at spontaneous ako. Hanggang uwian tuloy, tinutukso-tukso kaming dalawa.

---

‘Di ko talaga makakalimutan ‘yung araw na ‘yun. Dahil sa fellowship nakilala ko siya, naging ka-close pa siya. Dalawang buwan na ang lumipas pagkatapos no’n, naging matalik kaming magkaibigan. Magka-text gabi-gabi, magka-chat sa Facebook gabi-gabi. Minsan nga, tumatawag pa siya para lang mangamusta o makipag-usap lalo na kapag tinatamad siyang mag-type.

Akala ko nga matutulad kami sa skit na ginawa namin eh, pero ‘di ako umasa. Pakiramdam ko wala naman siyang gusto sa akin eh.

He snapped. “Spacing out.”

“Sorry.” Kinuha ko na ‘yung ilang mga papel-papel sa kaniya.

Bago kami magkahiwalay ng landas, tiningnan niya muna ‘yung t-shirt na suot ko. Siguro naalala niya rin ‘yung araw na una kaming nagkita. Sinadya ko talaga ‘tong isuot para maalala niya ulit ‘yung araw na ‘yun.

Give Your Heart A BreakTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon