Chapter 7

520 23 3
                                    

Pagkalabas ko sa bahay-ampunan isang araw, mukha agad ni Isabel ‘yung sumalubong sa akin. Pakiramdam ko tuloy sinakluban ako ng isang tumpok ng tae sa kamalasan. Sa dinami-rami ng tao sa mundo, si Isabel pa talaga.

“Want to see a show?”

Napakunot ako ng noo. Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa lumampas na siya sa akin, hanggang sa makarating siya kay Simon. At hinalikan niya si Simon sa labi.

“Wow.”

‘Yan lang ‘yung nasabi ni Simon pagkatapos nilang maghalikan sa harap ko, sa harap ni Marielle at sa harap ng mga bata sa kalsada na napatigil dahil sa nangyari. Parang buong mundao ‘yung tumigil para lang makita silang naghahalikan.

Nung nakita ako ni Simon, bigla siyang bumalik sa wisyo niya.

“Rachel.” Lumapit siya sa amin ni Marielle. “Si Isabel nga pala, girlfriend ko.” Nginitian ko lang si Isabel. “Si Marielle naman ‘tong katabi niya,” turo niya kay Marielle.

“Hi,” bati ni Isabel kay Marielle. At nagkamay pa talaga sila. Germs.

“Best friend ko nga pala si Rachel,” sabi ni Simon kay Isabel.

‘Best friend-zoned,’ Isabel mouthed the words. Napailing na lang ako. Kung ‘di ka ba naman maimbyerna sa babaeng ‘to.

---

“Akala ko ba walang girlfriend si Simon?” tanong ni Marielle sa akin pagkasakay namin ng jeep pauwi.

Talagang nakitawag na rin siya ng ‘Simon’. Sabagay, mas okay na ‘to para matanggal na sa isip ko na special ako para sa kaniya kasi ako lang ‘yung tumatawag sa kaniya ng gano’n.

“Wala naman talaga,” irita kong sagot. “Sadyang binalikan lang siya nitong nakaraang linggo nung babaeng nang-iwan sa kaniya.”

“Bitter?” asar niya.

Umiling ako. “Galit.”

Nagseryoso siya. “Anong balak mong gawin?”

Nagkibit-balikat ako. “‘Di ko alam. Gusto kong sabihin sa kaniya ‘yung totoo kaso ayoko naman siyang masaktan. Ang saya-saya niya kapag kasama niya si Isabel. Ayoko namang agawin pa sa kaniya niya ‘yung kasiyahan na ‘yun.”

“Chel,” inakbayan niya ako, “ito lang ang mapapayo ko sa’yo.”

“Ano?”

“Gawin mo ang sa tingin mo’y tama.”

---

Gawin ang sa tingin ko’y tama.

Madali lang naman ‘yan eh. Ang dali lang naman gawin ng isang bagay na sa tingin mo ay tama. Pero pa’no kung sa iba, ‘di naman ‘yun tama? Pa’no kung may masasaktan ka? Tama pa rin ba ‘yun? Oo, ‘di naman maiiwasan ang sakit, kaso pa’no mo masasabi kung tama ba talaga ‘yun o mali? Kapag mas ‘di sila masasaktan o kapag mas ‘di ka masasaktan?

Ang gulo. Bakit ba kasi nakipagbalikan pa ‘tong si Isabel eh. Madali na lang sana ang lahat kung ‘di na lang siya pumasok pa sa kwento namin ni Simon. Masaya na kaming dalawa ng wala siya.

Kaso kahit naman pala malaman ni Simon ang totoong dahilan, wala pa ring kasiguraduhan na magugustuhan niya ako, na magiging kami ring dalawa sa dulo.

Give Your Heart A BreakTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon