**KJ'S POV**
Papunta nako sa aming classroom ng di ko suka't akalain na late nako.
My gash! 7:15 am na, ang pasok ko pa naman ay 7:00 am. 15 minutes nakong late!
Sobrang trapik kasi kanina sa daanan. May parada ata ng mga chicks kaya yung mga driver ang tagal umabante ng mga sasakyan o baka naman siguro dahil nakita nila ako kaya laglag brief nila at tinigisan.
Dali-dali akong pumunta sa classroom namin para makaupo na agad ako sa aking upuan at hindi mahalata ng teacher naming magaling magbigay ng assignment pero hindi naman masyado nagtuturo, aba'y matinde.
"Chelle, chinekan na ba yung assignment natin?" pagkakasabi ko dun sa katabi ko habang nakaupo na sa upuan malapit sa pinto, kinakalkal ko yung lintik na 7 pages naming assignment sa aking bag, project na ata ito eh?
Nakita ko yung teacher namin na nakatayo habang nakatalikod na nagsusulat sa black board. Pero hindi ko parin sigurado kung si Chelle yung katabi ko kasi pakiramdam ko namang siya yun eh. Hinahanap ko parin yung assignment ko sa aking malabodegang bag. Sa sobrang gulo, may nakita pakong balat ng saging sa bag ko. Tinalo ko pa yung bag ni Dora the eksplorer, hindi ko kasi naayos kagabi.
"Ha?" sabi sakin ni Chelle habang hindi parin ako nakatingin sa kanya. Ba't parang nag-iba ata yung boses ni Chelle?
"Kung chinekan na ba yung assignment natin?" inulit ko ulit yung pagkakasabi ko sa kanya. Parang bingi lang itong si Chelle eh.
"Anong assignment miss?" sambit sakin ni Chelle habang hawak ko na ang 7 pages naming assignment.
Pero, bakit miss yung tawag sakin ni Chelle?
Agad naman akong napalingon sa katabi ko nung sinabi niya sakin na Miss?
Shemay!
Hindi pala si Chelle itong kausap ko!
Napalingon ako sa mga estudyante na nasa harapan ko, halos lahat sila nakatingin sakin. Yung mga titig nila sakin ay parang takang-taka sila kung bakit nandito ako sa classroom nila.
Hanggang sa ilang sandali, narealize ko na taga ibang planeta pala ako. Hindi pala sila yung mga kaklase ko at lalong lalo na nagkamali din ako classroom na napasukan.
"Miss? estudyante ba kita?" sabi ng gwapong teacher sakin habang napatigil siya sa pag susulat ng lectures.
"Ahm.. hindi po. Naki-upo lang po ako saglit, aalis na po ako." sabi ko sa teacher ko habang inaayos ko yung magulong bag ko. Shete naman oh! astig talaga yung palusot ko na 'nakiupo lang ako saglit.'
Habang inaayos ko yung bag ko, naririnig ko yung mga halakhak at mga pinagsasabi ng estudyante sakin.
"Sir, baka naman naligaw lang ng classroom? Hahaha!'
"O baka naman nawala yung mapa niya kaya naligaw? Hahaha!"
"Baka nakitambay lang saglit? Haha!"
"Sir nagkamali ng room! sayang yung ganda niya, pashunga-shunga! hahaha!"
"Ganda problems yan eh! Hahaha!"
Agad naman akong lumisan sa classroom na yun, naririnig ko parin yung mga tawanan at bulungan ng nagmumula sa classroom na yun habang ako ay papunta sa tamang classroom. My gash! sana naman tama na yung classroom na papasukan ko.
Habang hinahanap ko yung classroom, naririnig ko parin yung mga boses na nagmumula sa mga estudyante. Nag-pupump parin sa tenga ko yung mga pangaasar nila sakin. Ba't pa kasi nagkaroon ng ganda problems eh.
"Class dismissed. See you next meeting." pagkakasabi ng matipunong teacher na narinig ko sa isang classroom. Pagtingin ko sa loob ng classroom na yun, nakita ko na nagsisi-alisan na pala yung mga estudyante.
Pamilyar ang mga mukha ng mga estudyanteng nakikita kong lumalabas. As usual, mukhang mga unggoy na tuwang tuwa sa pagkakadismissed ng maaga. Pero teka, nakita ko si Chelle sa loob ng classroom na ito.
Tama! hindi nako nawawalan ng landas. Tama na ang napasukan kong classroom. Ngunit, subalit, datapwat hindi maaari ito! Pinadismissed agad sila ng hindi ko pa napapasa itong lintik na assignment.
Dali-dali kong pumunta sa loob ng classroom at napansin kong wala na pala yung teacher namin. No way!
"KJ ba't ngayon ka lang?" Chelle said habang nagliligpit ng gamit.
"Pinasa na ba yung homework?!" tarantang pagkakasabi ko sa kanya.
"Wuta kalma! Hahaha. Next week na daw ipapasa."
"What?!"
"Nalinis mo ba yang tenga mo? o kailangan ko pang dilaan yan? Ang sabi ko, next week na daw ipapasa."
"Pakidilaan nga yung luga ko! pinagpuyatan ko yun kagabi eh tapos next week pa pala ipapasa." iritang pagkakasabi ko kay Chelle.
"Hahaha! oh teka nga pala, uuwi muna ako ng bahay. Maya pa naman yung klase natin eh, mga bandang 1 pm pa."
"So ano? iiwanan mo ko dito sa campus?"
"Hahaha kita kits na lang! may pupuntahan pa kasi kami ni Kuya sa may City Hall for Laws of Avidavit. Nawala kasi I.D niya, kaya sasamahan ko lang. Alam mo naman yun, shushunga shunga. Hahaha!"
"Pwede sama na lang ako?" I smirk her. Ayaw ko nga na maiwan dito sa campus ng wala naman kasama. Ano to? 5 hours lang ako nakatambay dito sa campus? buti sana kung may mga imaginary friends ako dito para hindi ako nagiisa.
"Hindi pwede, rampa mo muna yung kagandahan mo sa buong campus. O di kaya magpagulong-gulong ka jan habang wala kang ginagawa. Sige bye!" pagkakasabi ni Chelle sakin sabay alis.
Ang hard naman nun, magpagulong gulong daw ako dito sa loob ng Bluefields University para lang may magawa ako? eh kung siya kaya ipagulong ko dito sa loob ng University para naman may magawa ako.
Hindi ko na siya pinigilan umalis at naghanap ng mapaglilibangan. Speaking of paglilibangan, naisipan kong pumunta sa tahimik na lugar na kung saan maari akong tumae este magaral para sa susunod na subject.
Papunta sana ako sa library ng bigla kong nakita si Darrel malapit sa Cafeteria.
"Bye mga beks!" sabi ni Darrel dun sa mga kasama niyang bakla.
"Bye Darrel. See yah later alligator!" sabi naman nung mga bakla sa kanya. Sabay nakipag besuhan siya sa mga ito.
Kinurap kurap ko ang aking mga mata at hinawak hawakan ang mga ito. Sinampal sampal ko pa ang aking mga pisngi sa inaakalang nananaginip lang ako.
Ngunit hindi!
Hindi maaari ito!
Confirmed!
Confirmed nga na bakla itong crush ko.
Pero bakit? I can't believe in my own eyes na nakipag besuhan pa talaga siya dun sa mga iyon. Maaaring may dahilan kung bakit siya naging bakla. Inborn man o hindi, I need to know.
I need to know the reason why He becomes a gay.
Sa hindi kalayuan, nakita ko siya na papunta ng Basketball court. Maglalaro ata ng basketball o hahanap ng boys dun sa loob?
Sa hindi malaman na dahilan, sinundan ko siya papunta sa loob ng court. Total wala naman akong ginagawa, pwede nako maging ultimate stalker nito. Kumbaga kahit na ultimong brand ng brief niya ay kailangan kong malaman.
Pero friends na rin naman kami ni Darrel eh, kaya bakit pako mahihiyang kausapin siya.
--------------
xxalicejadexx: Comment or vote, I will appreciate it. Thank you :**
BINABASA MO ANG
Can we be a perfect two?
Humor"How do I know if a guy is a gay? and if He is gay, How can I make him to become a real man again? How can we be a perfect two if I am girl and He just want boys?" All Rights Reserved©2014