Chäptër 11

106 48 12
                                    

"Subo mo na kasi yan!" sabi ko kay Darrel habang nanguya ng pagkain.

"Ew! kadiri naman itey! bakit may hairlalu pa itey ew!" sabi ni Darrel, habang direng dire siya sa kinakain niya.

"Bilis na! isubo mo na masarap ito!" pangungulit na pagkakasabi ko sa kanya.

"Yak! ayoko! tumutulo pa ang sabaw oh."

"Haha! ang liit naman ng bird mo!" tuwang tuwa ng pagkakasabi ko sa kanya.

"Oy ah! ang laki kaya ng bird ko." pagalit na pagkakasabi sakin ni Darrel. Inirapan niya ako at biglang umiwas sakin ng tingin.

"Ah! yung balot kasi tinutukoy ko. Hahaha!" sabay turo dun sa balot na binabalatan ni Darrel.

"Eh first time ko lang kasi itey matitikman eh.."

"Oh eh ano naman? try mo lang kasi! wala namang mawawala sayo eh." sabi ko sa kanya habang hinahawakan yung balot na hawak niya papunta sa bibig niya.

"Pakshh---!" inis na pagkasabi sakin ni Darrel habang nilalayo yung balot sa bibig niya.

"Oh? mukhang magmumura ka ata?"

"Hindi ah! sasabihin ko sana pakshiw!"

"Alam mo ilang araw na tayong magkasama, ngayon ko lang narealize na hindi ka pa pala kumakain ng balot." I said to him habang paubos na yung kinakain kong balot.

"Oo na! kakainin ko na." darrel said habang tinititigan niya lang yung hawak niyang balot.

"Oh? ano na?" nakatitig lang ako sa kanya at sa kanyang balot habang nakaupo kami dito sa may bench ng playground na malapit lang sa University namin.

Tanaw na tanaw dito sa kinauupan namin ang mga bituin sa langit. Pagkatapos namin mag klase sa eskwelahan ay dumeretso kami dito at ito na nga ang nanyari. Bumili lang ako saglit ng makakain sana namin kay kuyang naglalako ng balot tapos hindi ko akalain na pagbalik ko sa kinauupan namin, biglang nandiri si Darrel dahil nakita niyang balot itong  hawak ko.

"Eto na talaga, hays.." napabuntong hininga siya habang tinititigan niya ang bukas na balot.

"Oh? pagbilang ko ng tatlo at hindi mo pa kinakain yan, iiwanan kita dito." pananakot ko sa kanya. Actually hindi ko naman talaga siya kayang iwan dito ng mag isa eh. Baka mareyp pa ito ng mga chicks, hindi pwede yun.

 Nakatingin lang talaga siya sa balot na hawak niya habang nakakunot ang kanyang mga kilay. Aminado ako at lumamig na yung balot na hawak niya sa kakatitig niya.

"Oy Darrel, ano na? hindi na mabubuhay yang sisiw na nasa loob nan kung tititigan mo lang." pangaasar ko sa kanya.

Hindi pa din siya naimik sakin at tinititigan lang niya talaga yung balot na hawak niya.

"Alam mo? naaawa ako dito Jade." malungkot na pagkakasabi niya sakin. Para siyang namatayan habang tinititigan niya yung balot.

"Bakit naman?" pagtataka kong pagkakasabi sa kanya.

"Eh kasi, bata pa lang itong sisiw na itey tapos ganto na ang kagigitnantaan niya."

"Alam mo Darrel, may purpose ang lahat ng ito. Kung bakit nanjan yang sisiw na yan at patay na. Siyempre, walang mangyayari dun kay kuyang naglalako ng balot kung hindi niya ibebenta yang mga balot niya. Kaya think positive na lang."

Can we be a perfect two?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon