Chapter Fifty Four *Deep Secrets*

102 11 0
                                    

Hazel Akisha Lee POV

Saan kaya nagpunta yung babae na yun kanina pa namin hinahanap. Naman oh! Nahiwalay kasi samin bigla nung nakita si Gray. Tapos kung may anong sinabi at nagtatakbo na..

Pati nga yun di rin namin alam kung saan din nagpunta. Hinahanap din siya ng fiance niya.

"Maloloka na ko sa bestfriend natin Andie at Andrea hindi ko alam kung saang lupalok ng earth natin yun natatagpuan"

"Wait tanungin kaya natin yung boyfriend ni ate baka may alam yun?" -Andrea

"Oo nga pala. Teka baka naman magkasama na naman sila ng bestfriend mo"

"Hanapin na lang natin" -Andie

Nagiging serious na naman si Andie pagdating kay Sharmaine. Sayang lang talaga yung feelings ng bestfriend ko mauuwi na lang yata sa wala.

So ayun inikot namin yung campus. Sa dami ba naman ng iikutan namin sa rooftop namin sila makikita at magkasama nga sila talaga. Sana naman hindi niya niloloko si Sharmaine nakakahalata na ko talaga.

"Ate tama ka nga magkasama sila" -Andrea

"Oh! Guys bakit ano ginagawa niyo dito?"

"Pede ba munang magtanong kung bakit kasama mo si Nicolette?"

Shit lang ewan ko kung bakit parang kumukulo yung dugo ko kapag nakikita silang magkasama. Im expecting na si Sharmaine lang ang dapat na babae sa buhay niya. Ayoko lang na talagang masaktan yung pinsan ko.

"Hazel Calm, si Sharmaine muna" -Andie

Mukhang nararamdaman ni Andie na asar ako sa nakikita namin.

"Look Andrea mukhang kailangan mo kunin yung attensyon ng bestfriend mo"

Bulong ko kay Andrea. Nakahalata naman siya.

"Mallow, oo nga pala may gusto ko sabihin sayo tara mag-usap muna tayo ang tagal nating di nagkausap" -Andrea

Hinila ni Andrea si Nicolette paalis ng rooftop nagpahila lang naman to. Buti naman at sumakay.

"Michael alam mo ba kung na saan si Sharmaine at Gray?" -Cindy

Magsasalita na sana ko pero mukhang si Cindy talaga rin yung super na nag-aalala kung na saan sila. Paano ba naman kasi pareho silang nawawala pedeng magkasama yung dalawa at alam naman niya na may past yung dalawa.

"Ang huli kong kita sa kanya bigla siyang hinila ni Gray nung hinalikan ko siya. Hahabulin ko nga sana dapat pero hinila ko ni Nicolette. Teka nawawala ba yung girlfriend ko?"

"Oo Mister! Kasi naman mas inuna mo pang samahan si Nicolette kesa sa girlfriend mo. Nakita ko kayo na kanina pang magkasama"

"Sorry Hazel. Wag ka mag-isip ng iba samin, magkaibigan lang kami. Gusto ko na tumulong sa inyong hanapin si Sharmaine saka yung kapatid ko"

Ows di nga? Ang sweet niyo nga. Nagdududa talaga ko. Malakas din ako makiramdam.

"Dapat lang!"

"Hazel" -Andie

"Magtanong tanong tayo baka may nakakita sa kanila. Sikat naman sila sa Campus for sure kilala nila si Gray at Sharmaine" -Cindy

Yun nga ang ginawa namin nagtanong tanong kami hangang sa nakahanap kami ng clue.

"Nakita ko sila buhat pa nga ni Gray si Sharmaine at nagtatakbo siya papunta yata sa lumang storage room." -Schoolmate namin

"Fuck" -Michael

Bigla siya napamura nakaramdam yata ng selos =_=

Si Cindy naman nanlaki yung mata siguro iba na rin ang kutob nito.

"Break Someone Like a Promise" (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon