Alam niyo na ba yong feeling na lahat ng gusto mo iniiwan ka?
Na lahat ng naiimagine mo pag nagkasama kayo ay hindi nagkakatotoo...
ako naranasan ko na iyon!....
At ang feeling? hmmm......ANG SAKIT! ( _ _ )
.
.
.
.
.
.
.
.
.
PROLOGUE
Naalala ko na naman ang nakaraan na ayaw ko na talagang balikan. Nakakabwiset nga eh, kasi kahit ano ang gawin kong paglimot, pilit pa rin itong dumadating sa isipan ko. Kung pwede lang sanang magpalit ng utak at saka puso, ginawa ko na matigil lang ang kahibangan kong ito.
Tama ang narinig niyo, kahibangan ngang matatawag ang nangyayari ngayon sa akin. Mahigit tatlong taon na naman ang lumipas diba? Bakit, palaging I find it hard to forget him pa rin?! Oh ayan, nag-ienglish na ako ha! Kahiya! (^^)
.
.
.
.
.
.
.
Chapter 1
( Shanyeha's POV)
Yepz! (^_^)
Yown oh! Pasukan na naman. Hihihi... Saya ko talaga...bwahahaha!
.
.
Huwag kayong magtaka ha kung bakit super active ko ngayon. Hihihi, natural lang talaga kasi pasukan na nga! Yepz, you heard it right! Pasukan na...kyaaaa! (><)
.
.
Bago nga pala ako madala sa mga emotions ko ngayon, let me first introduce myself. By the way world, let me help welcome myself, Shanyeha Yu. Wala po akong lahing Chinese or so whatever, naging Yu lang po ang family name ko dahil inampon ako ng mga butihin tao na ngayon nga ay magulang ko na. Swerte ko no?! Bwahaha (^^)
.
.
Pero hindi ko sinasabing hindi ko din namimiss ang mga true parents ko ha! It's just I'm contented and very thankful na naging magulang ko sina Daddy Bryan, isang Filipino-Chinese na businessman at si Mommy Shena, pure Filipino,at kagaya ni Dad, inclined in business rin.
.
.
Since childhood hindi ko na talaga nakita true parents ko eh. Sabi kasi Mommy and Daddy sa akin, napulot lang daw nila ako sa may labas ng gate nila na nakabalot sa lampin at nakalagay sa isang malaking basket. Parang pagkain lang picnic ha! (><)
Pero kahit ganun, nagpapasalamat pa rin ako sa mga magulang ko kasi kahit iniwanan nila ako at ipinamigay sa iba, eh sa mga tao namang talagang mahal ako at siguradong hindi ako pababayaan. Plus, naging blessing in disguise daw ako sa kanilang mag-asawa dahil kahit daw hindi sila nabiyayaan ng sarili nilang anak eh meron naman daw silang instant Shanyeha baby na matuturing nilang anak. Nyaaks! Mahal ko talaga ang parents kong ito, hahaha (><)
.
.
At heto nga, dahil masyado nila akong mahal, kahit busying-busy sila sa kani-kanilang trabaho, gusto pa rin nila akong ihatid ng sabay sa school. Hihihi...sweet talaga ng parents ko.