Part 29: KAIBIGAN (Tribute to Nicole)

10 0 0
                                    

Kaibigan
(a Spoken Poetry of Thyrone Castillo)

Bes, Pards, Brader, Sister, Boss Badde-
Ilan lang yan sa mga  sikat na tawagan
ng mga magkakaibigan.

Naalala ko pa , noong mga JH students pa tayo,
nagaasaran, nakiki uso-
at nagsumpaang magiging tapat sa lahat ng oras.

sa tuwing may problema , sabay natin itong nalalagpasan;
sabay rin tayo kung mapagalitan sa tuwinang
gagawa ng kalokohan sa ibang estudyante.

Nang minsan akong lumubog sa mga problema,
nagawan mo parin ng paraan upang ako'y iyong
muling iaho't ibangon.

Sabi nga nila, para tayong aso't pusa kung magrambulan;
Tanda mo pa ba yon? Marahil hindi na.
Hindi na, dahil sa nawala ka na
na parang bula

Mahigit isang dekada na tayong magkaibigan,
pamula sa pagiging paslit na palaging nagbubungisngis sa
bintana hanggang sa pagiging SH student.

Ngunit , bakit dagli kang nawala?
Nawala na nagmistulang bula,
May nasabi ba ako? May nagawa na di mo naibigan?

Ngunit magkaganon man-
tandaan mo , bukas parin ang aking pintuan;
at ika'y aking paglilingkura't tatanggapin.

Maari mo paring gamitin ang aking panilong
para maging daan ito ng iyong pagsilong
sa adlaw ng mapaminsalang bagyo ng problema.

Naririto lang ako kaibigan,
Ingat ka sa mga daan o landas na
tila yata iyong tinahak at inibigan na ng husto.

Memories from the Past (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon