LDR

96 0 0
                                    


Sino ba satin ang unang magtatapos nito?
Sino nga ba ang unang susuko?
Sino nga ba ang magtitiis ng ganito kalayo?
Sino nga ba ang unang lalayo?

Mga tanong na dapat sagutin nating dalawa
Kasi kung ako lang,Hindi ko kaya
Dalawa tayo ang nasa relasyon
Dalawa dapat tayo ang magdesisyon

Lumalabo na ba ang ating samahan?
Di na ba madalas magkaintindihan?
Lagi na lang nahahantong sa awayan?
Simpleng away agad ay hiwalayan?

Nung una di ka dating ganyan,
Pero habang tayo'y tumatagal
Mas nararamdaman kong ika'y lumilisan
Dati'y pinapakita mo kung gaano mo ko kamahal

Nakakamiss ang mga araw na alaala na lang talaga
Nakakamiss isipin kung gaano ka kasaya
Nung dalawa tayong magkasama
Lahat ng yun namimiss ko na

SPOKEN WORD POETRY-TAGALOGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon