"Hi I'm Aubrey, I know it's alredy short, but you can still call me Aubs to make it shorter. I'm already 16 years old. When I finished my High School years, I really do wanted to be an accountant and of course a major band vocalist. Actually, acoustic soloist will do pero syempre mas masaya kung banda." Pagpapakilala ko sa klase at sa bago naming guro para sa S.Y na ito. Ganito naman lagi sa mga schools diba?? Kapag first week of school medyo less pa ang gawain. Getting to know each other lang muna.
Tahimik na nkikinig sa akin ang mga kaklase ko. And what?! Ano?? First time ko lang ba ito ginawa at parang amazed na amazed sila sakin ngayong nakatayo ako dito sa harap ng buong klase? Sampalin ko kaya kayo! Buset! Taon- taon na nga lang tayo nagpapakilala sa harap dba?? Mga baliw talaga hahaha.
"Hmmm. . ." Pero naiilang ako sa totoo lang at gusto ko nalang lumubog dito sa kinatatayuan ko, hindi dahil sa kanila. . kundi dahil sa isang taong dumaan sa aming classroom at nahagip ng aking paningin-- si Luis. Alam kong nagtama ang aming mga tingin.
"Since you're not around yesterday, you have all the time to tell us more about yourself." Pag-agaw ng aking magandang guro sa atensyon kong ngayon ay talagang nawiwindang na! Namental block kasi ako sa pag iisip na uu nagtama ang aming mga paningin. OH MY GASH!
"Hmmm. . ." Pagpapatuloy ko sabay lingon muli sa bintana, hoping to see him again ngunit hindi ko na sya nakita. Hey what?? Hoping to see him again?? Bakit???Grrrr
"My mom is a teacher here but 3 months from now, she'll be leaving the school kasi her application to Korea has been accepted." Ayyyy. . . bigla akong nalungkot. Nakakalungkot kasi talaga kapag naiisip kong iiwan ako ni mama. Buong buhay ko sa paaralang ito, mula elementarya hanggang sekondarya ay lagi ko syang nakikita at kasama. Ni walang nagtangkang mambully sakin dito (kahit na mga bullies talaga ang mga nag aaral dito) dahil anak ako ng isang respetadong guro sa aming paaralan. . .Wala. . . Wala talaga. . As in wala naman dapat talaga maliban kay Briel na ubod ng cuuute. . .Ay mali!! Ubod ng kuleeeet talaga yang sasabhn ko eh hahaha.
"Ah ikaw pala ang anak ni Mrs. de Guzman ano? Sya diba ang ating Head Teacher sa Department of Math." Utas ni Ms. Hernandez. Nung summer lang kasi sya na hire dito sa school kaya hindi pa nya masyadong kilala ang mga bibong-bibong pasaway na anak ng teachers, I mean mababait na anak ng mga teachers na syempre tulad ko. (Wew i hope so, Aubs)
Hay Ma'am, uu sya nga ang Head dun kaya gusto ko maging accountant kasi Math head teacher si mama at si papa naman ay accountant sa isang sikat na kompanya sa Korea. Namana ko yata ang pagmamahal ng aking mga magulang sa mga labo-labong numero habang ang ate ko naman ay kinahiligan ang pagka career sa modelling at pag eextra sa mga commercials and TV shows. (Time will come she'll be a great actress of her generation)
"Your mom is a good teacher, indeed." Pagpapatuloy ni Ms .Hernandez. "Sayang at pupunta na sya ng Korea. But dont be sad Aubrey, kasi for sure gagawin yan ni mama mo para mas mapaayos ang pamilya nyo." Sabay ngiti ng matamis ni Ma'am.
"Yes, Ma'am. And besides my dad has been working there for almost 8 years now. Siguro po it's already time na magkasama po ulit dun sila mama at papa for a longer time." Tugon ko kay Ma'am. Pabaka bakasyon lang kasi doon si mama kapag vacant sya ng summer. Pero si papa hindi na umuwi dito mula noon. Hmmm. . .How I really miss my dad. . .
Haist. Uu magkakasama nga sila don ni mama at papa. Pero ako?? Paano ako?? Maiiwan ako dito sa bahay kasama ang ate kong busy sa pag aartista at ang dalawa naming mga kasama sa bahay na mula pa pagkabata namin ay nag alaga na sa amin ni ate-- sila manang Rose at manang Adeng.
Huh?? Wait!! Bigla akong napangiti sa huli kong naisip. Kami lang ni ate sa bahay?? Ibig sabihin makakagala na ako?? Magkakaroon na din ako ng night life?? "Sa wakas!!" Malakas kong bulalas. At bigla akong nakarinig ng malalakas na tawanan. (Ooopppsss)
BINABASA MO ANG
AubRey NicoLeigh
RomanceThis story is about a girl who turned out being a lady after a very heart broken relationship. She thought of love as something na easy to handle ng isang simpleng tao na tulad nya. Pero napakaraming pagsubok pala ang pagdadaanan nya sa kanyang buha...