Prologue

55 8 9
                                    

There's this girl whose heart is so kind and loving. A girl who wants to be loved. . . and wishes to love someone who truly loves her back. . .

"Aubrey Nicoleigh de Guzman?" Bigla akong napabalikwas ng aking marinig ang isang hindi pamilyar ngunit matipunong tinig mula sa pintuan ng aming silid-aralan.

Naputol tuloy ako sa aking ginagawang assignment. Absent kasi ako kahapon sa first day of school kaya ngayon ko lang nalaman na may ipapasa pala ngayon na All About Myself. 

"Ano yun? Sino kaya yung naghahanap sayo?" Tanong ng bestfriend kong walang kahilig hilig sa buhay ng iba. Uu wala. Wala talaga. sana. . . Konting kibot lang puro tanong na agad. Sya ang bestfriend kong si Reese. Mula Kinder hindi na kami naghiwalay lagi kaming magkaklase. (Teacher kasi ang nanay ko sa aming paaralan kaya ayun! hahaha)

Actually wala talaga kong idea kung kanino ba galing yung tinig na yun. Hindi din naman namin sya makita kasi dito kami nakaupo sa likod na bahagi ng classroom (masaya kasi dito, ikaw yung laging uutusan ng teacher mo kasi ikaw yung malapit sa kanya. So ayun, isasabay na ang gala). Nagkakagulo ang mga kaklase ko sa harapan. Haist palengke talaga ang klase kapag wala pa ang guro.

"Ewan ko, Reese. Siguro may inutusan nanaman si mama para ipa--- "  Hindi pa ako tapos makapagsalita nang naputol na ang aking sinasabi dahil sa malakas na tiling binitawan ni Reese.

"Yiiieeeee!!!" Sigaw ng kinikilig na si Reese.

Si mama kasi sa laki ng aming paaralan, kapag may importanteng ipapagawa o ibibilin sa akin ay nakikisuyo sa mga estudyanteng makakasalubong nya na bakante ang klase. Bawal kasi talaga kami magdala ng kahit anong gadgets sa loob ng classroom. Kaya hindi ako matatawagan or text ni mama.

"Aubs, hinahanap ka." Utas ng bestfriend kong ubod ng taas ng support sa lovelife ko. Yung lahat nalang ata gusto ireto sakin. masyadong nagmamadali at gustung gusto na ata ako mag asawa nito (Mauna na sya hahaha).

Sinilip ko kung sino ba yun at bakit nagkakagulo na ang mga kaklase ko. Bakit parang biglang mga nagkabulate sa tyan dahil sa sobrang aarte magsikilos at galaw. Akala mo naman may artista. Well anyways kahit na at kung artista man yan, hindi pa din ako interesado. 

Binulungan ko si Reese. "Reese Ellyse Samonte" Utas ko sa inis. Tinatawag ko sya sa buo nyang pangalan kapag naiinis ako sakanya.

Aba't titig na titig sya dun sa pintuan at di manlang ako nilingon. "Huy! Reese Ellyse Samonte!" Sabay tusok sa tagiliran nya.

"Ano!?" gulat at nakanguso nyang lingon sakin. Nasaktan ata sa ginawa ko.

"Sino kasi sya?" Infairness ang pogi pero di ko muna sinabi kay Reese or else baka bigla itong mapatulog sa bahay para lang pagusapan ang lalaking ito. Kung weekends kasi lagi kami nagoovernight sa bahay-- projects, groupings, advance lessons, yan ang mga ginagawa namin isama mo pa ang popcorn sa magdamag na moviethon, kwentuhan at pag sstalk sa fb :)

Nanlalaki ang mga mata ni Reese sa tanong ko at lumingon sakin sabay sabing "Sya si Shayden Luis Arguella. Yung transferee sa Grade 12 Section Diamond."

"Ah. ." Maiksi kong tugon. Di ko sya kilala kasi nga absent ako kahapon sa first day of school. Siguro nagkita kita na sila kahapon or nagkasalubong. Sa school pa naman kapag transferee ka sikat ka kasi ikaw ang bagong attraction ng mga taong mahilig sa sight seeing :)

 "Oh diba speechless ka sa kagwapuhan nya?" Utas ni Reese.

Uu aaminin ko gwapo sya. Tamang pangangatawan at matangkad. Mapuputi at makinis na balat. Mabibilog na medyo singkit na mga mata na sinamahan pa ng mahahabang pilik mata. OMG! sabayan mo pa ng makakapal na KILAY! Matatangos na ilong at labing mapupula. Pantay pantay na ngipin (nakita ko lng nung ngumiti sya sa mga classmates ko. Wew! nakita ko talaga lahat ng features nya sa mabilis kong paglingon sa kanya. Ako pa! Di din naman ako papahuli sa usapang ganyan. :) 

Wait wait wait. . Ano daw?? Ako?? Speechless?? UU pero hindi dahil sa itsura ng lalaking iyon. Speechless ako dahil sa itsura ni Reese. Natatawa ako sa kanya. Parang baliw. Ano Bes?? Love at first sight ang peg?? (i dont believe it though)

Agad akong tumayo para lapitan yung Luis na yun at nang bumalik sa wisyo ang mga tao sa room pero bago ako lumakad ay aking tinapik ng panyo si Reese sa mukha.

"Reese?! Yung laway mo oh!" Sabay kaming natawa at tinalikuran ko na sya.

Bakit biglang nag-iba ang ekspresyon ng mukha nya ng makaharap ako?

"Ikaw ba si Aubrey?" Malamig na tanong sa akin ng Luis na ito.

 Napakunot ang noo ko ng ako ay tumango lang bilang tugon. Wala lang. Dahil siguro I feel so irritated with my classmates. Mga pa cute eh.

Inabot nya ang isang papel sa akin at sabay sabing "Pinapabigay ni Briel" At sabay talikod na nya sa akin. Woooah! akala ko may ibibilin nanaman sakin si mama.

"Yiee! Aubrey magkakilala kayo? Ui ano FB account nya?? IG? Twitter??" Sabay sabay na tanong ng mga kakalase kong babae at bakla. Uu pati mga beki ayaw talaga paawat. 

"Haleeer! Mga beshiwaps baka ngayon ko lang sya nakita??" Pabiro kong tugon sa kanila at sabay sabay silang tumingin sa  hawak kong papel na inabot sa akin ni Luis kanina. 

Gets ko naman talaga sila eh. "Galing to kay Briel. Ok na??" At sabay kaway sa kanila para bumalik na sila sa kanilang mga upuan dahil parating na si Ma'am.

Bumalik na ako sa aking upuan habang ang papel na ibinigay sa akin ni Luis ay isinuot ko na sa aking bulsa. 

"Aubs, basahin na natin?" Utas ni Reese habang pakilig kilig at pangiti ngiti pa.

"Iiiihh. .mamaya na." Pagiiwas ko. Sa school kasi naming ito uso ang pagbibigay ng mga sulat sa mga estudyante kung may gusto kang sabihin na kahit ano. Syempre wag lang yung mga pambubully at pagmumura. High School days and life yan :)

Excited naman talaga ako basahin yung nasa papel kasi si Luis yung nag abot syempre curious din ako sa kanya. But knowing na kay Briel galing yung letter, wag nalang. Arte lang eh noh?? :)

Sumimangot si Reese sa pagtataray ko at hindi pagpapabasa sa kanya. Lagi kasi kami nagbabasahan ng mga sulat samin. Ewan ko pero wala talaga kong gana ngayon at aaminin ko nacurious talaga ang isip ko ngayon sa Luis na yon. 

"Kwentuhan mo nalang kaya ako tungkol kay Shayden Luis na yun. Sa tingin ko kasi sya ang magiging bagong heartthrob ng school natin," Paglalambing ko sa bestfriend kong napaka sensitive pero supeer love ko noh.

 Biglang pumungay at nagningning ang mga mata ni Reese. At naaninag ko din ang malalalim nyang dimple sa pisngi. Hahah buti nalang at bestfriend kita Reese, kundi baka nabatukan na kita sa arte at landi mo hahaha.

AubRey NicoLeighTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon