Reese Ellyse

26 3 2
                                    

"Ok. Smile!" Sabay sabay kaming nagpost at ngumiti ng Vixen sa aming napakagandang photographer-- si Reese.

Bigla kong naalala kung paano ba kami nagsimula ng bestfriend kong ito.

Sa totoo lang, hindi pa kmi nabubuo sa mundong ito eh magkaibigang matalik na din talaga ang mga mudra namin dahil sa iisang subdivision lang sila lumaki ng magkasabay at magkasama. Parehong may kaya ang mga pamilyang pinagmulan namin. Since elementary ay magclassmates na din sila. Maging sa college ay sa isang unibersidad lang sila pumasok at nag-aral ngunit magkaiba ng kursong kinuha. Si mama ay naging isang guro at ang mama naman ni Reese ay isang Nurse.

Si mama at papa ay nagkakilala lang din sa kanilang University nung college pa sila. At si Tita Reena (mama ni Elysse) ay second family (mistress) lang ng dating counselor ng aming distrito na ngayon ay senator na. (Ganyan daw talaga ang pag-ibig, walang pinipili.) Dahil nga second family lang sila, nagdesisyon si tita Reena na magbitiw sa trabaho at mag handle nalang ng isang negosyo na pinagtulungan nila ni papa na itaguyod. 

Isang restaurant ang kanilang business na ngayon ay marami ng branches sa manila at isa sa Korea. Si papa ang nagma manage ng branch sa Korea habang sya ay nagtratrabaho dun.

Patravel travel nalang ang mga magulang ni Reese sa iba't-ibang bansa lalo kapag weekends kaya kadalasan ay sa amin na sya halos makatira-tira.

Isang anak lang si Reese at nung mga bata pa kami ay lagi silang mag-ina sa bahay namin. Lalo kapag bakasyon. Sinasama kami ni tita sa mga tour nila ni Reese sa loob ng bansa dahil hindi naman pwedeng makita ang mga magulang nya na magkasama sa bansang ito. It's a big big bawal kung ayaw nyo ng eskandalo.

Nasa isang sikat na paaralan kami dito sa aming siyudad. Dito nagaaral ang mga anak ng kung sinu-sinong mayayamang tagapagmana at ang iba ay mga anak ng mga artista na ayaw ipaalam sa media na may anak na sila. (Kaya madaming pogi dito hahaha)

Higit na yumaman na sila Reese keysa amin kaya dito sya nagaaral. At ako?? Dahil nga isa sa mga respetadong guro dito si mama, nakapasok ako dito through scholarship grant.

Ako ang honor pupil ng klase at hindi din papahuli si Reese. Sya lagi ang number 2 sa amin. Hmmm. . . Naalala ko tuloy yung unang araw namin sa grade 1.

--------------------

Napakaingay sa pintuan. May batang kulot na iyak ng iyak at takot atang pumasok sa klase.

Lumapit ako upang tignan kung sino ang kawawang batang iyakin.

"REESE!" Tawag ko sa kanya habang tumatakbo ako palapit sa kanya nang mapagtanto kong si Reese pala ang umiiyak. Tinatahan sya ng kanyang yaya. Hahaha napakaiyaking bata mo talaga.

"Aubrey!" Utas nya matapos akong yakaping bigla. Nanginginig sya. "Natatakot ako. Ang daming tao sa paligid."

"Ano naman?" Tugon ko. Hindi kasi sya sanay na makisalamuha sa mga tao noon. Ako lang ang kaibigan nya at kalaro lagi noon dahil nga hindi sya pwede na makilala ng iba at baka pagtsismisan sila. Hindi tulad ko na kapag walang magbabantay sa akin sa bahay, ay isinasama ako ni mama dito sa paaralan.  at a ay nambubully dto ng mga bata.

Hinila ko sya at pinunasan ko ang kanyang mga luha sa mata.

"Huwag ka ngang iyakin. HIndi naman nila tayo aawayin." Utas ko sa iyaking si Reese. Napakaduwag nya talaga at mahiyain. Buti nalang ngayon at nagbago na talaga sya. Isa na syang matapang at palaban na dalaga.

"Salamat Aubrey." Tugon nya. At mula noon ay kaming dalawa lang ang laging magkatabi at magkasama sa school. Lagi kaming magkapartner sa mga activities at magkasabay kumain. Magkakampi din kami sa lahat ng bagay. Sobrang bestfriends talaga kami.

Minsan, naalala ko nang tumakas kami sa aming tutorial class. Naglakad kami pauwi at dumiretso sa playground ng aming subdivision. May umaway sa amin na mga batang babae na kaklase din naman namin. Naglalaro kami ni Reese sa merry-go-round nang may bumato sa amin. Inasar pa kami  nang mga kaklase naming ito na SIGURADO AKONG INSECURE lang naman sa aming ganda. Uu!! Insecure lang sila sa ganda namin kasi wala naman kaming ginawang masama laban sa kanila eh. Bakit nila kmi binato? Siguro gusto nila kaming magkasugat para pumangit.

Dahil hindi marunong lumaban si Reese ay agad syang umiyak ng pagkalakas lakas. Ano ba yan Reese?? (Lalo lang nila tayong aasarin sa kakaiyak mo!)

"Tigilan nyo na nga kami kung ayaw nyong isum--" Hindi pa ko tapos magsalita ay bigla akong sinunggaban ng mga insecure na ito! Pinagtulungan nila ako! Grrrrr!! Ang makinis kong balat!! Huhuhu buset!

"Ouchieee! Maaaaaamaaaaa!" Sigaw ko nang maramdaman kong may mga humihila sa buhok ko at napahiga na ako sa lupa. Uu kaines! Sa lupang basa basa pa ako pinagtulungan ng mga kaklase naming yun! In short sa potek! HUhUhuhu

"Hey! Stop it!" Isang batang inglesero ang narinig kong umawat sa mga babaeng to at infairness agad nila kong tinantanan at nagtakbuhan pauwi sa mga bahay bahay nila.

 Lumapit sa akin ang batang lalaki at agad akong itinayo at pinunasan ang aking mga binti na naputikan. Si Reese naman ay lumapit sa akin at agad din akong inayusan ng buhok.

"Are you ok now?" Tanong ng batang lalaki sa akin.

Haleeeer? Do you think im ok?? Grrrr kagigil. . .

Tinapunan ko lang sya ng isang malamig na ngiti!

"Thank you for saving my bestfriend." Utas ni Reese na napakabait. "Ako nga pala si Reese." Aba! Nagpakilala pa si Reese??

"You're welcome." Sagot ng batang lalaki. "Nice meeting you, Reese." Dugtong pa niya pero sa akin pa din ata nakatingin. "I am Briel." Naalala ko bigla yung cute na itsura ni Briel nung mga bata pa kami :) "What's your bestfriend's name?" Tanong ni Briel kay Reese na titig na titig pa din sa akin. Yan ang unang pagkikita namin ni Briel.

"She's Aubrey." Sagot ni Reese. Agad kong hinila si Reese at tumakbo na kami pauwi. Nilingon ko si Briel at saka ko lang napansin na may kasama pa pala syang isang batang lalaki. Kasing edad nya siguro pero mas maappeal kesa sa kanya ang itsura nito. Pero hindi ko na yun inintindi. Dahil ang nasa isip ko ay  lagot ako kay mama kapag nakita niyang ganito ako kadumi.

-----------------

Nagsisimula ang klase namin ng 7:00 ng umaga at natatapos ng 2:00 ng hapon. Tuwing uwian namin, nagsstay pa kami ni Reese sa Library upang turuan ng aming tutor na si Ms. Fonte. Matatapos kami ng alas-4 ng hapon at saka palang kami susunduin ng sasakyan nila Reese upang ihatid pauwi. Kapag weekends, sa bahay na ang diretso ni Reese.

Laging ganyan ang set-up namin. Ngayong grade 11 na kami, wala na kaming tutor dahil ang oras namin pagkatapos ng klase ay napupunta na sa mga extra curricular activities: ako ay sa pagbabanda sa Glee Club na nagsimula pa noong grade 7 kami at si Reese naman ay busy sa pagiging SSG Vice President at sa Arts club na may category na photography at sketching na syang hilig na hilig gawin ni Reese. Actually magaling talaga si Reese sa Arts (coloring, sketching) kaya magaling din sya mag make-up sa amin.

Pareho kaming mahilig sa music, pero hindi sya hilig ng music. At pareho kaming mahilig sa Arts and photography ngunit duon sya lumamang sa akin.

Ganyan kami lagi ni Reese. Mas mahaba pa ang oras naming magkasama kesa ang magkahiwalay kaya sobrang close namin. Lagi na nga kaming napagkakamalang magkapatid. Minsan pa ay kambal kung ituring dahil halos pareho ang mga hilig at suot namin.

------------------

"I promise to be your bestfriend forever Aubrey." Utas ni Reese nang kami ay naglalaro noon ng mga  barbie doll namin sa bahay. 

Wala syang ibang kapatid o kaibigan kaya ako lang ang tangi nyang gustong kasama. Meron siyang mga naging kalaro dati ngunit pinalayo siya ni Tita Reena sa mga batang iyon dahil lagi syang inaasar na wala daw syang papa. Kaya mula noon, hindi na sya nakikipag kaibigan sa iba. Casual nalang ang turing nya sa kanila. 

"Me too, Reese." Sabi ko sa kanya. "I am your bestfriend forever." Sabay ngiti sa kanya. 

"We're twin sisters now Aubrey." Masayang sabi ni Reese at nagpaunahan na kaming pumunta sa kusina upang kumain ng meryenda. 

Ayan si Reese Ellyse. :)

--------------------

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 30, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

AubRey NicoLeighTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon