3rd Confession: Papansin

52 1 0
  • Dedicated kay Joylady Orquina Ferrer
                                    

Confession of an NBSB (Author’s Diary) – Book One

Written By: KudouScarletNurarihyon/MWM

3rd CONFESSION: Papansin

……………………………………………………………………………………….

June 17, 2005

      Fourth day of high school ko but ito lang masasabi ko. “Daig nang malandi ang maganda”. Pero nakakahiyaaaaa….. Sira na nga pagpapapansin ko, sira pa ang beauty ko. *pout*

…...........................................................................................................................

[SCREENPLAY:]

“Kung gusto mo, sunggaban mo agad. Wag lalangya-langya, maunahan ka pa.” Wehh..expert te? Si Rosemarie nga pala nagsabi nun.

“okay. Suggest mo gagawin. Kaw marami alam eh”

“Simple. Yung tinatawag na ‘Papansin-effect’” dugtong niya.

“Ehhh.??? Ano ako? Flirt?” react ko agad. Kahit malandi ako, di naman ako flirt noh.

“Gaga. Sabi ko magpapapansin ka, di ko sinabing makipag-flirt ka.”

“Eh ganun narin yun noh. Malandi parin ang dating ng peg. Di ko keribells”

“Gie, sa tingin ko, tama naman yung sina-suggest ni rosemarie” Emarie.

“Di ba nga may kasabihang..’Daig ng malandi ang maganda’, kaya kung ako sayo, landiin mo na, nang mapasayo na”

Kami: O______O di maka-react ang peg. Na is-speechless sa quoted-phrase ni Flordilez. Ansavei?

“Ano ba yan, first year na first year pa lang, landi na agad? Di ba pdwedeng pakipot muna?” Banat naman ni Tata.

“Pano naman magpapakipot kung di pa naman pinapansin. Brains shang” Si Rosemarie yun. Shang yung tawag niya kay Tata.

“Eh sabi ko nga eh. Dapat ngang mag first move na yang bruhildang Dorot nayan. Ayaw makinig eih” Abah.ako pa ngayon?

“FINE!”

Napalingon naman sila sa akin sa biglang nasigaw ko.

“Well, if that’s what he’s needed for. Then I’ll give him my presence and I’ll take his attention” Mehehheheheh.. Ako ba talaga ‘to?

RECESS:

Well, may baon ako ngayong sandwich pero walang drinks. Makabili nga. Buti nalang at di na masyadong marami ang bumibili ngayon sa canteen. Well, don’t care about the unnecessary people. Ang hinahanap lang naman ng mga mata ko ngayon ay yung hinahanap nang puso ko. Eh sino nga ba yun? Mr. crush, mr. crush. Where are you na ba.

Sa treasurer’s office: wala

Registrar: wala

Sa ilalim ng hagdan: wala. Ano naman gagawin niya sa ilalim ng hagdan? Utak naman gie, utak.

Fountain: wala parin.

Napalingon naman ako sa quadrangle.

*Starry-starry eyes*

Sabi nga nila,. Pag ayaw magpakita sa mata, hanapin sa puso.

*BANG* Ayun oh!

Hagap na hagap ng vibes.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 29, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

CONFESSION OF AN NBSB (Author's Diary)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon