Chapter 1

11 1 0
                                    

Lauren's Pov

“Vince may gusto sana akong sabihin sayo.” eto na Lauren, eto na ang chance mo para aminin kay Vince ang nadarama mo.

“Ano yun?”

“V-vince...m-mahal kita.”

Kinabahan ako dun pero mas kinakabahan ako sa magiging reaksyon niya. Baka kasi hindi ko makayanan yung isasagot niya.

“Mahal mo ko?” tanong niya na may halong pagakakalito

“O-oo mahal kita higit pa sa pagiging best friend.”

Yumuko ako at naramdaman ko ang pagtulo ng luha ko siguro nga hanggang best friends lang kami.

Bigla naman niya iniangat ang ulo ko at tinignan.

“Mahal din kita.”

Ano? Mahal niya rin ako?

“M-mahal mo din ako?”

“Oo higit pa sa best friend.”

Sa sinabi niyang yung para bang nagtatalo sa tuwa yung puso ko na mahal niya rin ako!

Unti-unting lumalapit yung mukha niya sa akin. This is it! Eto na yung dream ko na siya ang first kiss.

Omo! Eto na waah!!!

--

“Hoy! Gumising ka na nga dyan nanaginip ka na naman nakanguso ka pa.”

“Aish! Ano ba Vince naninira ka ng panaginip! Magki-kiss na sana tayo eh...” napatakip ako bigla ng bibig nako Lauren ang daldal mo kasi!

“Anong sabi mo?”

“Ah wala sabi ko magkikiskis na ako ng mukha ko.” palusot ko

“Magkikiskis hindi ba masakit sa mukha yun?”

When Love is like a BattlefieldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon