Chapter 6

2 1 0
                                    

Cassie's Pov

Sa wakas at tapos na rin ang klase makakapaggala kami ngayon!

“Hoy Cassie alam mo ba si Vince at si Caelyn parang nagkakamabutihan.” eto na naman ang pagiging tsismosa ni Rona uma-activate!

“Talaga? Eh paano na niyan si Lauren?” sabi naman ni Javelyn

“Hay alam niyo guys naawa ako kay Lauren kasi biruin mo ba naman lagi na lang nilang kasama si Caelyn para bang chaperon ang peg niya.” sabi ko

“Kaya nga eh buti nga natitiis niyang sumama.” sabi ni Rona

Kaming tatlo lang ang nag-uusap habang itong si Reyven parang wala lang. Alam mo nakakapagtaka nga kung bakit naging ganyan siya eh dati naman hindi.

Ring...ring...

Sino kaya ang tumatawag?

“Hello?”

Wala namang sumasagot eh.

“Hello?”

Pero wala pa ring sumsagot.

“Hello? Kung sino man to please stop pranking me! Its not funny at all.” sa sobrang inis ko ay ibinaba ko na yung phone. Napatingin naman sila sa akin.

“Oh whats wrong?” tanong ni Javelyn

“Prank call.”

Napa-ahh na lang sila at nagtuluy-tuloy na lang kami sa paglalakad.

Nakarating na rin kami sa mall habang naglalakad may napansin kami.

“Uy guys! Hindi ba't si Caelyn at si Daniel yun?” sabi sa amin ni Rona

Tinignan namin at confirmed si Caelyn at Daniel nga pero sa pagkakaalam ko new student si Caelyn at alam ko rin na hindi sila close ni Daniel? O baka nagkataon lang na nagkita sila dito?

When Love is like a BattlefieldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon