Chapter 3

3 1 0
                                    

Lauren's Pov

 

Natapos na ang 3 subjects namin at oras na para kumain. Yay!

 

“Lauren anong gusto mong kainin?” tanong niya sa akin habang nakapila pa kami.

 

“Umm fish fillet na lang tapos softdrinks.” sagot ko

 

“Oh sige ganun na lang din ako.”

 

Nakarating na rin kami sa unahan at inorder na namin yung pagkain namin.

 

“Vince saan tayo uupo mukhang wala ata tayong mauupuan.” sabi ko

 

“O sige humanap tayo sa bandang kaliwa baka meron.” sabi niya at naghanap na kami ng mauupuan.

 

“Vince!” napalingon naman kami at nag-iba na ang pakiramdam ko nung nalaman ko na si Caelyn pala yun. Nakita ko naman na napangiti si Vince kaya hindi ko maiwasan na mapaisip na baka may gusto si Vince kay Caelyn.

 

Naunang naglakad si Vince kaya sumunod na ako.

 

“Dito na lang kayo tutal wala naman akong kasamang kumain.” sabi ni Caelyn

 

“Salamat Caelyn.” sabi naman ni Vince

 

Alam mo ba yung feeling na nagtitigan sila tapos parang hindi nila napapansin na may tao dito which is ako!

 

“Ehem!” umubo ako yung para tawagin yung pansin nila na nandito ako.

 

“Umm upo na kayo.” sabi ni Caelyn kaya umupo na kami.

 

Tahimik lang kaming kumain ang awkward nga eh! Hindi ko naman makausap si Vince dahil andito si Caelyn. Pero nabasag na rin ang katahimikan ng nagsalita na si Vince.

 

“Umm Caelyn...”

 

“Yes?”

 

“Bakit ka pala lumipat dito sa Clementine?” tanong ni Vince

 

“Umm dahil kasi lumipat na kami dito sa Manila at eto kasi yung malapit na school sa bagong bahay namin.” sagot ni Caelyn

 

“Ahh...”

 

“Eh ikaw? Sabi daw na new student ka rin daw dito.”

 

“Dream school namin kasi to ni Lauren.” sagot ni Vince

 

“Matagal na kayo magkakilala?! I thought ngayon lang kayo nagkilala.” sabi ni Caelyn, para naman akong na-offend pero don't get me wrong ha? Basta pagnakikita ko si Caelyn or kahit kausap nag-iiba ang pakiramdam ko para bang naiinis?

When Love is like a BattlefieldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon