Another Cliche Love Story (One-shot)

114 6 0
                                    

Another Cliche Love Story

(One-Shot)

“Cha, ano na naman ba yan?” narinig kong sambit ng isa sa aking mga kaibigan. Nilingon ko lamang siya at ngumiti.

“Nako, Charity, tigilan mo na nga yang kaka-Wattpad. Nababaliw ka na eh.” Wika naman ni Elle, isa rin sa mga kaibigan ko.

Ako nga pala si Charity, isang certified Wattpad Addict. Actually, hindi naman talaga ako mahihilig sa pagbabasa sa Wattpad kung hindi rin dahil sa isang kabarkada namin eh, si Jaslene. Si Jaslene ang unang nakadiskubre ng site na kinaka-adikan ko ngayon, Ang Wattpad. But unlike her, isa lang akong hopeless romantic reader na nakakakita ng happy ever after sa mga kwentong nababasa ko sa site na ito.

“Hayaan niyo na nga siya, Elle! Eh sa masaya siya diyan eh.” Tanggol naman sa akin ng Jaslene. See? She’s my savior. Such a true friend. Haha!

“Tse! Kaya lumalala yan kasi tino-tolerate mo eh.” Ganting sabi naman ni Elle. Seriously, ang hilig magbangayan ng dalawang to. Buti na lang eh hindi nila sineseryoso kung hindi edi matagal ng wasak yung barkadahan namin.

“Palibhasa kasi pareho kayong dalawang addict sa site na yan.” Singit naman ni Jen, si Jaslene naman ay nagkibit-balikat lang at isinuot ulit ang headset para ituloy ang pakikinig ng mga music sa cellphone niya.

Ibinalik ko na rin ang atensiyon ko sa binabasa ko. May update na kasi ang pinakapaborito kong author sa Wattpad. Si ErsatzDisguise. Sobrang ang laki ng paghanga ko sa kanya, maliban pa sa fact na isa siyang lalaki, masyado siyang bihasa sa paggamit ng wikang English at nabibigyan niya ng justice ang bawat point of view ng kanyang mga characters, mapa-lalaki man ito o babae.

“Oh my God!” napasinghap na lamang ako sa nabasa ko. Isa ring impit na tili ang aking nailabas kaya naman nasita kami ng librarian. Sa library kami laging tumatambay magbabarkada dahil bukod na rin sa airconditioned dito, wala ring password ang wifi unlike sa mga ibang buildings ng campus.

Sabay-sabay namang napatingin sa akin sina Elle, Jen at Jaslene. Eyebrows raising, eyes narrowing, kung nakakamatay siguro ang tingin ng tatlong to malamang kanina pa ako nakabulagta sa sahig. Nang hindi pa rin ako umiimik ay pinandilatan na ako ng mata ni Elle. Seriously, ang taray ng babaeng ito. Abot-langit pa rin ang ngiti ko habang napapabuntong-hininga. Kailangan ko munang kumalma para mapigilan ang sarili kong mapatili.

“Nakita ko na siya.” Ang sabi ko habang patuloy pa ring nakangiti na parang baliw. Hay. “Is this love?” tanong ng isang bahagi ng utak ko. “Tange! Love agad? Ang landi-landi mo, Charity.” Sigaw naman ng kalahating utak ko. Bahala nga silang mag-away diyan.The good and the evil brain. Haha! Kung anu-ano na talaga ang naiisip ko.

“Sino?” halos na magkakasabay nilang tanong. Iisa ba ang tinatakbo ng utak nila? Hahaha!

“C’mon, Charity! SPILL!” si Jen. Siya yung pinakamainipin sa aming apat. Ayaw na ayaw niyang pinaghihintay. Ayaw niyang pinag-iisip.

“Si Jeph!” bakas naman sa mga mukha nila ang pagtataka marahil ay hindi nila kilala kung sino ang tinutukoy ko.

“Jeph? As in ErsatzDisguise?” tanong naman ni Jaslene. Oh my god, I so love her na talaga. Haha!

“Yep.” Walang-alinlangan kong sagot. Eh kasi naman isa ako sa mga dakilang stalker este admirer pala ni Jeph. Isang malaking achievement sa akin ang makita ang real facebook account niya. I sighed dreamily, this must be la-love. Love talaga agad eh no? But, I must admit ang pogi niya pala. Bakit pa niya itinatago yung mukha niya if ganito naman siya kapogi diba?

One shots and Poems (Compilation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon