Memory 1: The Meeting

97 8 2
                                    

Cupid's P.O.V

We met accidentally and parted because of that accident.

___________________________________________________________________

Nasa McDo ako ngayon dahil nagpa-pabili ang ate kong buntis ng Mcfloat.

Pagka bili ko ng Mcfloat ay agad akong umalis dahil alam kong 'pag mabagal ako batok ang abot ko sa amazona kong ate.

Habang tumatakbo ako para makadating agad nang mabilis sa parking lot may hindi akong sinasadyang nabangga

"Hala, sorry miss 'di ko sinasadya nagmamadali kasi ako eh."

"Hindi ok lang ano kaba atsaka Sanay naman na ako sa ganitong aksidente."

"Ganito na lang miss bigyan na lang kita ng pera pambili mo ng damit" agad itong umiling at ngumiti

"Ok lang talaga ako, atsaka may dala naman akong extra eh, so no worries"

"Sure ka ba miss?"

"Oo umalis ka na mukhang nagmamadali ka." pagkasabi niya 'nun, bigla kong naalala si ate at yung Mcfloat. Sh*t natapon ko yung float paano na to?

"Sige miss alis na ako sorry ulit." saad ko at agad na tumakbo papasok  ng McDo para bumili ulit ng Mcfloat kaya lang pagka-pasok ko sa McDo mahaba na naman ang pila. Bigla akong nan lumo.

"patay ako sa ate ko nito baka batuhin pa ako ng kawali." saad ko sa aking isip

  bigla kong na-imagine ang sarili kong pumasok ng dahan-dahan sa bahay habang maingat na naglalakad; nang bigla akong binato ni ate ng tsinelas habang nanli-lisik ang mata. Agad akong napalunok sa imagination ko.

Destiny's P.O.V

Naglalakad ako papuntang McDo dahil sabi ni Rain na doon kami magki-kita bago mag enroll sa school na bago naming papasukan ng may nakabangga ako at natapon niya sa akin ang dala niyang Mcfloat. Agad akong tumingala para makita ang mukha ng taong nakabangga ko. Tumingin ako at lalaki ito, may katangkadan din, siguro 5'10 ang height, may pagka missy hairstyle ang buhok niya, maputi, at yung mata niyang hazel brown. "Ang cute!" saad ko sa aking isipan.

"Hala, sorry miss, 'di ko sinasadya nagmamadali kasi ako eh." agad akong nakabalik sa katinuan nang mag salita siya.

"Hindi, ok lang ano ka ba atsaka Sanay naman na ako sa ganitong aksidente." totoo naman eh. Lagi na lang may nang yayaring aksidente sa akin, but thank God dahil 'di ko pa naranasan ang mabangga ng 10 wheeler truck. Hindi naman malala ang mga aksidente na naranasan ko, katulad nang malaglag sa man's hole, matulak sa kanal na may kiti-kiti, mabuhusan ng tubig, maka basag ng baso, nalasing at natulog sa tabing kalsada, at iba pa.

"Ganito na lang miss bigyan na lang kita ng pera pambili mo ng damit." agad akong umiling at ngumiti sa kanya.

"Ok lang talaga ako atsaka may dala naman akong extra so no worries."

"Sure ka miss?" pahabol niyang saad

"Oo, umalis ka na mukhang nagmamadali ka." pagkasabi ko nun biglang nag-iba ang mukha niya. Para siyang natatae na ewan.

"Sige miss, alis na ako sorry ulit." tumakbo siya papasok ng McDo.

Na-pahinga na lang ako ng malalim at pumasok din ng McDo. Nakita ko pa siyang balisa doon *Sigh* kailangang kailangan na siguro niya yung Mcfloat. Nagsimula na akong mag lakad papuntang restroom para makapag bihis at makapag ayos na din. Pagkapasok ko sa isa sa mga cubicle, ay agad akong nagbihis ng damit at pagkalabas ko, tumingin muna ako sa salamin at nagsuklay, tinali ko na din ang mahaba ngunit kulot-kulot kong buhok nagpulbos na din ako para naman 'di ako mag mukhang haggard.

Pag ka labas ko ng restroom, nakita ko si Rain na nagbabasa nanaman ng libro

"Uy sorry ah." tawag ko sa kanya. Agad naman itong humarap sa akin at ngumiti

"Ok lang, alam ko namang makupad kang gumalaw. Kaya nagdala na lang ako ng pwedeng pag libangan habang nag hihintay sayo." sabay pakita ng librong binabasa niya kanina "Ay oo nga, pala nag order na din ako para sayo" sabay turo sa pagkain na nakahanda sa lamesa

"Ikaw? Kumain ka na ba?"

"Oo, kanina pa habang naghihintay sayo." I feel guilty, kaya naman nag-sorry ulit ako but instead of getting angry, she just smiled and said "ok lang."

Uupo na sana ako sa bakanteng upuan nang may napansin ako.

"Sa akin din ba 'to?" sabay turo nung float na 'di pa nagagalaw,

"Oo, alam ko kasing favorite mo yan kaya inorder ko na din." ang swerte ko talaga kay Rain, bukod sa mabait na maalahanin pa.

"Ganon ba, saglit lang Rain, may pupuntahan lang ako." sabi ko at biglang kinuha yung float at pumunta sa pilahan para hanapin siya, ng Makita ko siya agad akong lumapit sa kanya

"Umm kuya." tawag ko sa kanya

Agad naman itong lumingon at ngumiti. Napatulala ako saglit sa ngiti niyang inosente, maha-halata mo sa ngiti niya na mabait siyang tao.

"Oh! ikaw pala miss, anong kailangan mo?"

Napa-iwas na lang ako ng tingin dahil sa kahihiyan na ginawa ko.

"Umm Destiny na lang po itawag niyo sa akin,ito po, sa inyo na," sabay abot ko sa kanya ng float "mukha po kasing kailangang kailangan niyo yan."

Biglang nagliwanag ang mukha niya at agad kinuha ang hawak kong float

"Salamat Destiny, Cupid nga pala" saad niya.

Nginitian ko sya at tumango.

"Nice meeting you Cupid, sige alis na ako hinihintay pa ako ng kaibigan ko eh"

"Sige, see you when I see you"

Agad na akong umalis at bumalik sa pwesto namin ni Rain kanina.

"Oh tapos ka na ba?"

"Oo salamat" at nagsimula na akong kumain

"Bat ganyan ngiti mo?"

"Wala lang, masama bang ngumiti?"

"Hindi naman pero kakaiba yung ngiti mo, parang ewan na 'di ko maintindihan" tumawa na lang ako sa sinabi ni Rain at napangiti na lang ulit

"Nice meeting you cupid" saad ko sa aking isip 

Cupid's DestinyWhere stories live. Discover now