Memory 4: Heart Beat

22 1 0
                                    

Cupid's P.O.V

Naka higa ako ngayon sa kama habang naka tingin sa ceiling, ano ba tong nanyayari sa akin? Kanina pa malakas ang tibok nang puso ko. Nag simula toh nung hinawakan ko kamay ni destiny, teka! Paano kong may sakit pala siya tapos nahawaan niya ako! Napabalikwas ako nang bangon nung naisip ko yan pero di ko napansin na nasa dulo pala ako ng kama kaya ang ending nahulog ako -_-

*thump*

"CUPID BUMABA KA NGA DITO MAY IUUTOS AKO SAYO!" sigaw ng ate kong buntis

" PAPUNTA NA PO!"

umayos na ako ng tayo at bumaba na ng hagdan

" ano po yun ate?" saad ko nang nakababa na ako sa hagdan

"Bili ka nga ng mangga dun cupid pleaseeeee" tila nagpapacute pang saad nito

"Ate tinatamad ako"

"BIBILI KA O IKAW ANG BABALATAN KO!...ayaw mo naman sigurong magutom yung pamangkin mo dibaaaaa" napangiwi na lang ako sa pa bago bagong ugali ni ate

"Pleaseeeeeeee pwetty pwetty pleaseeee" saad ulit nito

"Tumigil ka nga sa kakababy talk mo ate kadiri ka!"

"Aba't" kinuha ni ate yung tsinelas niya at akmang babatuhin sana ako nang tumakbo ako sa may likod nang ref para hindi niya ako mabato

"Oo na ate bibili na!" sigaw ko. Agad naman nitong binaba ang tsinelas na hawak niya at sinuot ulit. Ang amazona talaga ng ate ko*face palm*

"Yeyyyyy gusto ko manggang hindi hinog ha? Tapos bili ka na din ng ketsup ^-^"

"Ha? Para saan naman yung ketsup ate?"

"Doon ko isasawsaw yung mangga" napangiwi naman ako sa sinabi ni ate...jusko anong lasa non

"Ate ano namang lasa nun? Lalasunin mo ba si baby?" pagkasabi ko non nag iba nanaman yung awra niya kaya nagtago ulit ako sa likod nang ref

"WALA KANG PAKE DUN! YUN NGA YUNG GUSTO KO EH! BUMILI KA NA NGA NG MANGGA!" saad nito kaya agad akong tumakbo patungo sa pinto sabay sabing

"Opo!" pero napatigil ako sa pagtakbo nang may naalala ako at agad bumalik sa kusina

"Andito kana agad? Akin na yung mangga ko akin na akin na ^_^"

Kinamot ko na lang yung ulo ko "Hehehe ate yung pera po?"

"PERA MO NA ANG GASTUSIN MO! ANG KURIPOT MO TALAGANG BATA KA!"napatakbo na lang ulit ako

"Sutil talaga!" pahabol pang sigaw nito. Umiiling na lang ako sa kakulitan ng ate ko

"Mas kuripot ka naman ate" bulong ko at nag simula nang maglakad papuntang palengke kasi malapit lang naman dito yun.

*FAST FORWARD*

"Ate magkano po isang kilo ng mangga?' tanong ko sa nagtitinda ng mangga

"80 isang kilo lang iho mura na yan kumpara sa ibang nagbebenta dito"

"Matamis ho ba?"

"Aba oo iho madami nga din bumibili niyan dito"

"Sige ho ate pahingi isang kilong luto tsaka isang kilong hilaw"

"Mamili ka na lang dyan iho"

"Ay sige po salamat" nag simula na akong mamili nang mga mangga na magaganda ang balat ng may nakita akong isang mangga na hilaw na maganda ang hugis hmmm bagong pitas pa siguro yun" saad ko sa aking isip. kukunin ko na sana yung mangga nang may kamay na kumuha nito

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 26, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Cupid's DestinyWhere stories live. Discover now