Cupid's P.O.V.
Meeting you was fate,becoming your friend was my choice but being in love with you was my destiny.
______________________________________________________________________________
Destiny's P.O.V.
Nasa harapan ako ng school na bago kong papasukan habang hinihintay si Rain na dumating.
*sigh* bakit kasi ang kupad niyang gumalaw? Mag kaibigan nga talaga kami.
Naghintay din ako ng ilang minuto bago ko siya makitang nagla-lakad palapit dito sa puwesto ko.
"Sorry destiny may ginawa pa kasi ako bago pumunta dito."
"Ayos lang halika na bilisan na natin baka ma-late pa tayo." pag kasabi ko non, bigla namang tumunog ang bell kaya Nagkatinginan kami ni Rain at agad tumakbo bago pa kami ma-late sa klase namin. Nag hiwalay na kami ng daan ni Rain dahil iba ang kurso namin, she's taking HRM while I'm in nursing. Habang tumatakbo ako bigla akong may nabangga "ano ba yan! Bat ngayon pa? Jusko mala-late na ako" mahinang saad ko. Agad akong tumingala upang mag sorry sa nakabangga ko ngunit napahinto ako nang makita ko ang mukha nito.
"Cupid?"
"Uy Destiny ikaw pala yan." tila gulat niyang saad.
"Anong ginagawa mo dito?"
"Dito ako nag-aaral. Eh ikaw anong ginagawa mo dito?"
"Dito ako mag-aaral"
"Wow Destiny nga naman" pabiro niyang saad. Ngumiti na lang ako at tumango sabay sabing
"Oo Destiny nga hahaha." magsasalita na sana sya ng tumunog ulit ang bell hudyat na nag simula na ang klase.
"Um Cupid alis na ako late na ako eh."
"Ay sige, nice meeting you again Destiny." umiling ako sa sinabi niya.
"Nope, nice bumping into you again Cupid." sabay kaming natawa nang maalala namin yung una naming pagki-kita.
"Sige kailangan ko na talagang umalis." paalam ko sakanya sabay takbo. Narinig ko pa syang nag sabi ng "bye" bago ako umalis, pero 'di na ako nakapag salita pa dahil late na talaga ako.
Pagka dating ko sa harap ng classroom bubuksan ko na sana yung pinto ng bigla itong bumukas at lumabas ang lalaking may hikaw sa tenga at malaki ang pangangatawan. Nagkatinginan kami ngunit agad kong iniwas ang tingin ko sa kanya
"Pwede po bang pa daan?" paninimula ko. Tumango lang ito at mas niluwagan ang siwang sa pinto upang makapasok ako sa loob. Agad akong pumasok at sumunod naman siya ngunit 'di ko na lang pinansin at tinuon ko na lang sa teacher na nagpa-pakilala sa harap ang aking atensyon
"Are you Miss Felicity?" sabi ng teacher nung napansin niya akong nakatayo sa gilid. Nakita kong napatingin sa akin yung lalaki kanina pero I just ignored.
"Opo." magalang kong saad
"Come here in front, and introduce yourself." nagsimula na akong maglakad sa harap at nagpakilala.
"Hi my name is Destiny D. Felicity, and I hope we all will get along each other this school year."
"Ok destiny you may sit on one of the vacant chairs."
Tumango na lang ako at nagsimulang maglakad sa upuan na malapit sa bintana. Pag ka upo ko ay nag simula nang mag sabi ang teacher ng do's and dont's sa classroom, pati na din ang rule ng school na to. Kinuha ko na lang yung notebook at ballpen ko at nag start mag doodle nang may narinig akong nag salita sa harapan ko
"Miss beautiful anong number mo?" 'di ko na lang pinansin yung nag salita kasi hindi naman beautiful ang name ko, at baka hindi ako yun. Mapag sabihan pa akong assuming.
"Pst miss beautiful." sabi na naman nung taong nasa harap ko pero 'di ko na lang ulit pinansin
"Miss beautiful *poke*." napatingin ako sakanya at nagulat ako nung makita ko yung lalaki kanina
"Bakit anong kailangan mo?" saad ko
"Pwede ko bang makuha number mo?" napangiwi na lang ako sa kalandian ng lalaking nasa harapan ko "tss, kala-laking tao, ang landi." I mumbled
"Ha anong sabi mo?"
"Ah wala, wala."
"Pero miss beautiful ano nga number mo?"
"Una sa lahat hindi beautiful ang pangalan ko pangalawa zero yung number ko eh ikaw 35 ba number mo?' mataray kong saad at bumalik ulit sa pag dodoodle
"Si miss beautiful naman ang sungit."
"Hindi nga kasi beauti-" 'di ko natuloy yung sasabihin ko kasi napansin kong nakatingin sa aming dalawa ang lahat ng tao sa room maliban sa teacher na salita lang ng salita sa harap. Humingi ako ng pasensya sa kanila at agad bumaling sa bwesit na lalaki sa harapan ko
"Pwede ba tumigil ka na." mahinang saad ko
"Hindi ako titigil hanggat di ko nakukuha number mo." bulong niya pabalik. I sigh in frustration
"Ok fine 09*********. Oh ok na ba?"
"Oo salamat." saad nito at ngumiti ng nakakaloko bago bumalik sa totoo niyang upuan. Napangisi na lang ako dahil naisahan ko siya, yung number kasi nung kaibigan kong bakla na tambay sa tindahan malapit sa bahay yung ibinigay kong number hahahahaha .
*KRINGGGGGGG* the bell ring hudyat na tapos na ang klase kaya umalis na ako sa classroom na yun at dumeretso sa isa ko pang klase.
pagdating ko sa classroom ay nagpapakilala ulit ako at pinaupo doon sa dulo.
Nag simula na namang mag bigay ng rules ang teacher kaya nag doodle ulit ako "Thank God hindi ko kasama sa klase yung malanding lalaki na yun" saad ko sa aking isipan.
"Ang ganda naman niyan." sabi ng taong nasa harap ko. Agad akong napatingin sa taong nag salita ng makita kong si cupid ito
"Uy ikaw pala." natatawa kong sabi
"Oo nga eh. I didn't expect na magsasama tayo sa isang klase."
"Ano ba ang kursong kukunin mo?"
"Business management, Ako na kasi yung mag hahandle ng business namin pag naka graduate na ako."
"Ay buti ka pa pagka graduate mo may trabaho kana agad, samantalang ako mahihirapan pang mag hanap atsaka idagdag mo pa na lagi akong minamalas." I smiled bitterly and looked down.
"Hey cheer up! Hindi ka malas, sadyang clumsy ka lang talaga. Atsaka kong ako yung tatanungin mo, gusto kong magka trabaho na pinag hirapan ko talaga, pero no choice ako." napatingin ako sa kanya dahil sa sinabi niya.
"You can have a choice if you want too, and besides we choose our own destiny not them." he smiled and nodded at me
"I know but my fate is already sealed since the day I was born."
"But we can change that fate." saad ko at tumingin ulit sa baba.
"You know you're right, tayo ang may hawak ng tadhana natin." we both smiled at our conversation about fate. It's funny that our destiny is already sealed since we were born but we can change it. tayo ang may hawak ng daan na ating tutunguhin. Sa pag kwe-kwentuhan namin 'di na namin namalayan na tapos na pala ang klase.
"Bye destiny see you next time."
"See you." saad ko at nag simula nang mag lakad sa ibang direksyon
_____________________________________________________________________________
Cupid's P.O.V.
I don't know that we will really walk in different directions,we take our destiny separately.
YOU ARE READING
Cupid's Destiny
Short Storydestiny is not a matter of chance but a matter of choice.. it isn't a thing to be waited but a thing to be achieve my name is cupid and this is my destiny