Cupid's P.O.V.
Darkness cannot be beaten. Wickedness cannot be stopped. You of all people know this. It always live inside people like you.
______________________________________________________________________________
Destiny's P.O.V.
Nandito kami sa canteen ngayon, lunch time na namin, at mamayang 1:45 p.m. pa yung susunod kong klase, kaya tambay lang kami dito hahaha.
"Rain kamusta morning mo?" paninimula ko
"Ok lang naman, bakit mo na tanong?" gusto kong sabihin na hindi maayos araw ko dahil sa malanding lalaki na 'yon na masarap sapatusin pero 'di ko na lang tinuloy kasi alam ko naman na madami din siyang problema kahit 'di niya sabihin sa akin.
"Wala lang trip ko lang hehehehe" she just roll her eyes,
"'di ka na naman ba nakainom ng gamot mo?"
"Oo eh. 'di mo kasi ako pinainom." natawa na lang kami sa kabaliwan namin.
Tuloy lang ang pag kwe-kwentuhan naming nang bigla akong may nakitang pamilyar na mukha na palinga-linga sa paligid, naghahanap ng pwesto na maaring upuan dahil puno na ang canteen. Itataas ko na sana yung kamay ko para tawagin siya, nang biglang may tumawag sa kanya.
"Baby Cupid!" sabi ng isang matinis na boses.
"Here ka na lang umupo oh, it's so siksikan na kasi eh." dagdag pa nito.
Tumingin ako sa babaeng nagsalita non at muntikan na akong matawa nang makita ko ang pagmumukha nito. Para siyang walking crayon hahaha. Oo, crayon talaga as in krayola, wala kasing shape ang katawan niya parang kawayan at yung mukha niya punong puno pa ng make up. Grabe ako makalait noh? But no! I'm just stating the fact. Napakamot na lang ng ulo si Cupid at luminga-linga ulit, ngunit 'di na ako nag abala na tawagin pa siya, dahil may yumaya na sa kanya atsaka 'di naman kami close diba?
Susubo ulit sana ako ng may tumapik ng napaka lakas sa likod ko kaya ang ending nabuga ko kay Rain yung nginunguya ko at yung nasa kutsara ko. Waahhh nakakahiya naman oh!
"Hala sorry Rain." paumanhin ko.
"Destiny!" sigaw niya pero parang hindi siya sumigaw sa sobrang hinhin ng boses niya. Wow amazing hehehe, nag-peace sign na lang ako kay Rain at agad na humarap sa likod ko para Makita kong sinong punsyo pilato ang gumawa non sa akin.
"Cupid! Ano nanaman ba ang kailangan mo?" kanina pa kasi niya ako kinukulit sa klase ni kesyo wala daw siyang ballpen at papel ang sarap kaya niyang batukan kung wala lang kami sa klase non eh tsk.
"Sorry Destiny, pero pwede bang dito na lang ako umupo?"
"Ano? Pero 'di ba may nagyaya na sayo?" saad ko sabay tingin sa babaeng nagyaya sa kanya kanina pero pag ka lingon ko sa kanila ang sama ng tingin nila sa akin. Ano na naman ba ginawa ko?
"Uy Destiny!" bumalik ako sa aking katinuan nung mag salita ito
"Bakit?"
"Sabi ko kung pwede bang maki-upo?"
"Umm, kung payag siya." sabay turo kay Rain na masama pa din ang tingin sa akin. Nag peace sign na lang ulit ako sa kanya
"Miss pwedeng pa upo?"
"Pag sinabi ko bang hindi, hindi ka uupo?" na ka simangot na sabi nito. Lagot galit na siya. Napakamot na lang ng ulo si cupid sabay sabing
"Uupo pa din hehehe." napa facepalm na lang kami ni Rain sa sinabi nito.
YOU ARE READING
Cupid's Destiny
Short Storydestiny is not a matter of chance but a matter of choice.. it isn't a thing to be waited but a thing to be achieve my name is cupid and this is my destiny