Ako nga pala si Azumi Tan . Kung titignan pangmayaman yung pangalan ko , pati nga apeliydo pang mayaman . Ewan ko ba sa nanay ko at ganto ang pinangalan sakin Bakit Hindi nalang MARIE , ANNA , NINA . Bakit AZUMI pa . Nabubully tuloy ako sa mga kaklase ko . Pati nga sa school Wala akong akong kaibigan tanging si Amy lang yung Bestfriend ko . SIya lang yung nakakaintindi sa sitwasyong meron ako . May kaya sa buhay sina Amy , Bussiness Man ang tatay at Teacher naman ang nanay niya . Samantalang ako , sa palayan lang si nanay yung tatay ko naman Ewan ko kung nasaang lupalop ng mundo siya nag tatago. Mayaman dapat kami , kwento kasi ni nanay sakin . Nag asawa daw siya ng Japanese pero ayun iniwan din siya . Ni pangalan nga ng tatay ko hindi ko alam .
Meron nga pala akong kakambal na kung makapag chixx Kala mo ang yaman na . Oo chixx ang nasa utak ng kapatid ko Pero alam ko naman na nag aaral yon ng mabuti. Oo nga pala pangalan nga pala ng kapatid ko ay Akihiro. O diba ? Pak yung pangalan namin . Letcheng tatay ko kasi buntisin ba naman ang nanay ko tapos hindi bubuhayin . Sarap putulin ng ano niya . Arghhh
4th year high school palang kami ng kapatid ko , Yes graduating na kami . Scholar kasi kami ng kapitan dito sa barangay namin kaya nakakapag aral kami . Meron kaming pwesto dito sa May bangketa nagtitinda kami ng damit at tsinelas. Minsan Hindi kumikita Minsan Okay lang yung kita Pero kulang parin para sa pang gastos sa araw araw.
Sa University of Asumption kami nag aaral . Oo private yon , scholar lang kami kaya nakapasok kami don. Hindi man kami biniyayaan ng yaman , biniyayaan naman kami sa katalinuhan. Valedictorian ako simula ng elementary till now. Yung kapatid ko naman top 3 Minsan nag totop 2 siya . Yun nga lang minsan nalalaglag ako sa pagka Valedictorian ko , syempre mayaman yung mga nag aaral dito kaya nilang bilhin yung mga grades nila . Samantalang ako , hindi. Pero hindi ko pinangarap yung ganon , yung pera para sa unang marka. Yung mga sutil na guro naman maka tanggap lang ng pera Kala mo Hindi na susweldo next month ano yon ? Ginipit? Mga buraot. Pati mga matatalinong totoo niloloko nila . Kaya sanay nako na Minsan maalis ako sa Top 1 Pero alam ko naman sa sarili ko na Nasa top 1 ako , yung ibang teacher nga nag tataka kapag natatanggal ako sa Top 1 .
Sobrang dami ko ng experience sa UA (UNIVERSITY OF ASUMPTION) , lalo na nung nakita ko don yung Love of my life ko huhuhuh ! Oh my gulay , feel ko talaga asawa ko na siya . Ang gwapo gwapo niya . Tapos the way ng tignan niya ko para akong yelo na natutunaw . Sobrang init ng tingin niya hihihih. Pero syempre joke Lang yon , di niya nga ata alam na nag eexist ako sa UA e kahit na classmate ko siya . Ang famous niya , sino ba namang hindi ? E anak siya ng may ari ng UA tapos ang gwapo pa , perfect kung baga . Sa sobrang famous niya Hindi ko na siya maabot. Babaero din yon. Syempre alam ko crush ko kaya siya simula ng first year high school hahahahah.
XANDER KIEL VELARDE , 4th year high school . Classmate ko siya , minsan nga kunwari matitisod ako sa harap niya para lang mapansin ako Pero ayon Wala parin kahit siguro mag hubad ako sa harap niya hindi niya ako papansin. Swimmer siya , palagi siyang nilalaban sa iba't ibang school. Proud naman yung coach niya dahil palagi siyang nasa first place , Minsan na din siyang nag palarong pambansa kaso maging 3rd place lang siya Pero Okay na yon . Kapag nga May practice siya Panay ang nuod ko sakanya hihihih. Syempre yung abs niya tapos yung biceps pa , material talaga . Naiinis nga Minsan si Amy sakin dahil sa kakadada ko kapag kasama ko siya dahil puro Xander Kiel lang ang bukang bibig ko . Sabi pa nga niya Bakit daw Hindi ko tigilan si Xander Kiel e Wala naman akong mapapala sakanya , ni Hindi man daw ako kilala. O diba supportive Bestfriend talaga hahahah .
Paano kaya kung maging kami ni Xander Kiel , Magbabago kaya siya ? Siguro ang saya saya namin . Tapos kapag yayakapin niya ko hindi na siya aalis sa tabi ko . Kapag kaya nahawakan ko yung katawan niya mahihimatay siguro ako . Wahhhh! Papa Xander Kiel Ko ! Bakit ba ang Hirap mong kunin. Dami mo pang fangirls. Sana balang araw mapansin moko , sana bakang araw ako na yung girlfriend mo. Tapos hahawakan ni Xander Kiel yung pisngi ko tapos bigla niya kong hahalik——
"ARAY NAMAN NAY" napakamot ako sa batok ko dahil masakit mabatukan . Ano ba problema ng nanay ko at binatukan ako .
"Nahiya yun mamimili sayo Zumi , kanina kapa Tulala dyan at kulang nalang tumulo yang laway mo" Sabi Amy sakin, tinutulungan kami ni Amy magtinda kapag Wala siyang ginagawa sakanila . Ewan ko ba sa babaing to kayaman yaman sanay sa ganto ng lugar at hindi maarte. Mas gusto pa daw niya dito samin kesa sakanila.
"UMAYOS KA ZUMI! Kundi babatukan ulit kita. Sabado ngayon kaya magtinda ka hindi yung ano ano pumapasok dyan sa utak mo" suway ni nanay sakin. Napa Sobra na pala ako sa kakaisip kay Xander Kiel. Ano ba naman kasing lalaking yon .
"Pasensya na po nay" sabi ko kay nanay , ayaw na ayaw kong nagagalit nanay ko dahil dambuhala kung magalit e . Nakakatakot pa sa mukha ni Tekla HAHAHAHA.
"Oh Zumi Saan na naman pumunta yung kakambal mo?" Tanong sakin ni nanay. Oo nga nasan na yung lalaking yon. Wag niyong sabihing nasa kanto na naman siya , nakikipag usap sa mga babae. Ang lakas ng karisma ng kapatid ko .
"Aba Ewan nay , baka nasa kanto nag chichixx" sabi ko Hahaha lagot ka ngayon Akihiro.
"Yang batang yan talaga. Oh uuwi muna ako para mag luto. Mag tindi muna kayo dyan . Aalis nako Zumi , kapag nalugi yan ibebenta kita . Kita mo" sabi ni nanay sakin . Diba ? Mahal talaga ako ng nanay ko , bebenta talaga ako . Hayyy kay nanay talaga nag mana si Akihiro. Palaging nanakot hahaha.
"Lab you too nay!" Kumaway pako HAHAHAHA
Bumalik nakami sa pagtitinda ni Amy.
YOU ARE READING
Two Different World
Teen FictionKami yung tipo ng pamilya na kung Hindi kakayod Hindi makakakain kung baga isang kahig isang tuka. Oo ganon kami kahirap kaya lahat nalang nilalait kami . Pero nagbago ang buhay ko ng dumating siya . Ng dumating ang isang tao? Tao nga ba siya ? Bast...