Chapter Three

15 1 0
                                        


'Ano ba yan! Sarap ng tulog ko tunog ng tunog yung phone ko! Bwisit papatayin ko yung nag iistorbo sa tulog ko'

Dinampot ko ang phone ko sa gilid ng Kama ko .

*100 messages*

*200 missed calls*

*Bes Amy*

Bigla akong nakaramdam ng kaba . Tinignan ko ang oras , mas lalo akong kinabahan alas Dos na ng madaling araw , Ibig sabihin tapos na ang laban. Nag bukas ako ng messages ni Amy .

'Zumi!'

'Si Kiel !"

Ewan ko Pero dumadagdag ang kaba ko lalo ng mabasa ko ang pangalang KIEL .

"May nangyaring aksidente dito Zumi! . Gumising ka dyan !!!"

"Zumi , call my mom please !"

"Zumi , May dugooo!"

"Zumi , nagkakagulo na!"

"KIEL!"

"Zumi , si Kiel!"

"Hindi ko alam ang gagawin ko Zumi!"

"Zumi , punta ka dito natatakot ako!"

"Zumi naman , mag reply ka !!"

Tinigilan ko ang pag babasa sa mga messages ni Amy dahil nabitawan ko yung phone ko. Puro Kiel ang nababasa ko . Kiel Kiel Kiel . XANDER KIEL VELARDE , sana hindi Tama ang iniisip ko . Kiel malakas ka , ma galing ka when it comes to swimming. Kiel wag .

Kumuha ako ng jacket sa cabinet ko at nag pajama . Pupunta ako sa school . Si Amy . Si Kiel . Anong ngayayari ? Pag labas ko ng kwarto ko nakita ko si Aki sa sala na nakayuko. Hindi ko siya pinansin Pero nag salita siya .

"Subukan mong umalis Zumi , mapapahamak ka" nangilabot ako dahil sa malamig na boses ni Aki . Minsan ko lang marinig ang ganong boses niya lalo na kapag seryoso siya .

"Aki Alam kong alam mo ang nangyayari sa school. Andito si Amy ! Aki Bestfriend ko yon!" Napalakas ng konti ang boses ko .

"Hindi ka din nila papapasukin Zumi. Ipagpa bukas mo na yan. Matulog kana at papasok pa tayo bukas" tumayo siya at nilock ang pinto. Siguro nga bukas nako makikibalita. Pero iba pakiramdam ko . Tawagan ko nalang si Amy.

C a l l i n g B e s A m y...........

C a l l i n g B e s A m y...........

C a l l i n g B e s A m y...........

C a l l i n g B e s A m y...........

C a l l i n g B e s A m y...........

C a l l i n g B e s A m y...........

Naka ilang missed calls nako Pero hindi niya parin ako sinasagot. 'Ano ba Amy sumagot ka!' Kausap ko sa sarili ko . Habang patuloy ang pag tawag ko sakanya . Hindi ko namalayan na naluluha nako . Bakit ganto nag aalala ako kay Amy Pero mas nag aalala ako kung anong nagyari kay Kiel . Oo Hindi ako Kilala ni Kiel Pero kahit puro Pag stalk lang ang ginagawa ko nakikilala ko siya.

*kinabukasan*

Nagising ako dahil nag alarm ang phone ko . 4:00 am na . Kaylangan ko ng maligo dahil may pasok pa . Bigla kong naalala ang nagyari kagabi . Nanaginip lang siguro ako dahil sa kaka alala bago ako makatulog . Siguro Okay lang ang lahat . Nanalo kaya sina Kiel ? Chineck ko yung phone ko ng May nag pop up sa inbox ko .

Bes Amy :
Bes , come to school early :'( I have to tell you something .

Nag 'Okay' ako sakanya. Kinakabahan na naman ako . Please Amy tell me na walang nangyaring masama . Please . Sana okay lang lahat .


Minadali ko ang pag ligo ko at ka agad akong mag bihis. Hindi na din ako kumain dahil sa sobrang kaba ko . Nag paalam ako kay nanay at pinasabi kay Aki na mauna nako dahil kung hihintayin ko pa siya malamang mamamatay ako sa kaba dito . Agad kong pinara ang jeep ata sumakay. Nanginginig ang kamay ko at tuhod ko . May masama talaga akong nararamdaman. May mali talaga .

Pag dating ko sa School , tumakbo ako ng ma bilis Pero hindi ako dumiretcho sa room kundi sa Swmming pool area. Madaming estudyante sa swimming pool area pinilit kong isiksik ang sarili ko para maka lusot at nakalusot ako . Binuksan ko ang pinto at nabigla ako dahil May nakakalat na mga banners sa sahig , May mga police din na parang nag iimbestiga. Ang mas kinagulat ko May dugo na hinahaluan ng tubig sa pool. Dugo? Hindi ko maiintindihan ang nga nangyayari . Asan si Amy . Umalis ulit ako. At tumakbo patungong room. Nakita ko si Amy sa May gilid , nakaupo , nakayuko. Bakit umiiyak siya ? Hindi siya si aAmy na kilala kong iyakin. Na aout of place ako sa mga nangyayari.

"Bes!" Tawag ko sakanya , ma bilis akong lumapit at niyakap siya. Iyak siya ng iyak sa balikat ko. Na luha din ako .

"Bes anong nangyari ? Wag ka namang umiyak ng ganyan" naiiyak na din ako .

"Bes Si Kiel" humagulgol na naman siya . Anong meron kay Kiel ?!

"Napano si Kiel? Amy ? Sumagot ka!" Napalakas ang boses ko dahil sa kaba at Wala sa sarili Si Amy.

"Bes si Kiel wala na . Bes yung aksidente na sinasabi ko kagabi sayo siya yung napuruhan. Kung pumunta kang Swimming pool area , kung nakita ko yung dugo na nag kalat . Bes kay Kiel yung dugong yon. Bes kitang kita ko kung pano siya nanghihina." Patuloy parin ang pag iyak niya. Nawala ako sa sarili ko. Parang maging blanko lahat ng nasa paligid ko . Hindi panaginip lang to. Si Kiel mamamatay? Masamang damo yon.

Lumabas ako ng room , nakita ko yung mga estudyante. May umiiyak . Yung iba Wala sa sarili Pero karamihan tulala. May dumating na prof at pinapasok kami . Tinabihan ko si Amy at niyakap ko siya . Hindi parin siya tumutigil sa pag iyak .

"For those student who involved in that game are suspended for 1 month And for those students who watch the game are suspended for 1 week. Alam kong alam niyo ang nangyari specially kay Mr. Velarde. Kung May puso pa kayo iPag dasal niyo siya" sabi ng prof at umalis na siya .

Humarap ako kay Amy.

"Amy look , ano bang nangyari? Pano nangyari kay Kiel yon?"

Humarap si Amy sakin at umayos.

Two Different World Where stories live. Discover now