Chapter Two

16 0 0
                                        


Nagpaalam na ako kay Amy na uuwi na dahil tapos na yung mass , inaaya niya nga ako na mag stay sakanila Pero Sabi ko tutulungan kopa si nanay sa mga gawain. Tuwing Linggo kasi nag lilinis kami ng bahay kahit maliit lang bahay namin malinis naman ito sa loob. Meron din tatlong kwarto na maliit tig isa isa kaming kwarto .

Pagka uwi ko sa bahay humiga ako sa Kama ko . Nakapagpalit narin ako ng damit ko . Kinuha ko ang bag ko at magbabasa ako ng libro dahil baka mag pa special long quiz si Professor Antonio , matatandang binata kasi siya kaya napaka workaholic niya. Laging kaming nag oovertime sakanya , Minsan nga kahit uwian na gusto niya magtuturo parin. Ganon ba talaga kapag hindi nakapag asawa ? Ilulublob yung sarili sa trabaho? Biglang tumunog ang cellphone ko . Oo may Samsung J7 ako , pano ko nabili? Nag trabaho Lang naman ako sa palengke at nag summer job den para makuha yung pambili ko ng phone . Ayokong humingi kay nanay . Binili kotong phone hindi para makipag text kung kani-kanino kundi gamit ko para sa mga research na ginagawa namin.

Bes Amy sent you a message

Ano na naman ang kaylangan ng Bestfriend ko at kakikita ko lang kanina sakanya. Ganon naba niya ako ka miss? HAHAHAHA binuksan ko yung message at napa bungtong hininga nalang ako sa nabasa ko

Bes Amy:
Bes May tune up sina Kiel ngayon sa school nuod tayo?

Ako:
Araw ng linggo ngayon Amy , tapos May tune up? Diba every weekdays lang yung mga tune up's na yan?

Bes Amy:
Oo bes , walang May alam sa magaganap na laban. Even the principal and their coach didn't know this game . Kaya Tara nuod tayo . Masaya to.

Ako:
Amy listen , bawal yung ganyan. Ayoko . Iba ang pakiramdam ko dyan Amy . Ayokong sumama.

Bes Amy:
Minsan Lang ako mag aya hindi mo pako sasamahan . Kill joy mo kahit kaylan Azumi.

Ako:
Sige mag tampo kapa , babatukan talaga kita kapag nakita kita. Ano bang oras yang laban Nina Kiel?

Bes Amy:
Mamayang 11:00 pm . Pero Baka mag start yon ng 1:00 am ng madali ng araw. Alam na malayo yung kalaban.

Nabigla ako sa nabasa ko. 1:00 am lalaban lang ng swimming ? Anong klasing pustahan ba yon ? Ganon ba kalaki yung pusta para lumaban ng ganong oras ? Inisip ko si Kiel. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko . May mali kinakabahan ako , parang May mali talaga. Ayaw na ayaw kong nakakaramdam ng gantong pakiramdam. Feeling ko May mangyayaring masama. Natatakot ako .

Ako:
Bes Ikaw na pumunta hindi maganda ang pakiramdam ko. Balitaan mo nalang ako kung sinong mananalo.

Hindi na nag reply si Amy sa text ko. Kinalma ko ang sarili ko .
'Zumi walang mangyayaring masama , magiging ayos lang ang laban. Mananalo si Kiel' Sabi ko sa sarili ko .

"Zumi , labas kana dyan kakain na tayo" Pag aya ni Aki sakin.

Sinipat ko ang oras sa wall ng kwarto ko. 12:10 pm na pala . Hindi talaga maalis sa isip ko yung magaganap na laban mamaya.

"Zumi , Sayang ang pagkain kung pinag lalaruan mo lang" sermon ni nanay sakin. Tinignan ko ang kinakain ko parang na torture ko yung baboy na ikami namin.

"Nay mamaya na po ako kakain. Busog pa po ako. Paki tawag nalang ako sa kwarto ko Nay kapag tapos na po kayong kumain ako na pong mag huhugas ng pinagkainan" Sabi ko nalang. Ngayon palang akong nawalan ng gana tuwing kumakain. Yung tibok ng puso ko sobrang bilis . Ewan ko Bakit . Tinawag ako ni nanay para mag hugas ng pinggan. Agad ko naman itong tinapos at nahiga sa Kama at matulog na muna.

Nagising ako dahil tumunog na naman ang phone ko . As usual si Amy na naman to.

Bes Amy sent you a message

Bes Amy:
Hindi ka ba talaga sasama ?

Ako:
Mas mabuti pang matulog nalang ako kesa sa sumama dyan . Baka ano pang mangyari hayy naku .

Bes Amy:
Naiinis talaga ako sayo. Minsan Lang to . Kill joy ka talaga. :(

May nalalaman pa talagang pa sad emoji ang babaeng ito. Loka Loka talaga.

Sinipat ko ang wall clock sa May kwarto ko . 7:00pm na pala . Lumabas ako ng kwarto ko . Ng makita ko sina nanay at Aki na kumakain. Iba talaga hindi man lang ako inaaya ko ginising man lang .

"Oh Zumi gising kana pala Kala ko hindi ka na magigising 7 hours kang tulog ahh" Si Aki ang unang nag salita . Kahit kaylan talaga yung kapatid ko kulang nalang patayin ako Ewan ko ba , kakambal ko ba talaga siya ? Hahahahaha

"Hindi Aki tulog pa si Zumi , picture ko lang to promise" pambara ko sakanya at inirapan ko siya . Umupo ako sa harap ni Aki . Nababad trip tuloy ako .

"Kung mag aaway lang kayo , lumayas kayo sa harap ng Pag kain at duon kayo sa labas kahit mag patayan kayo Di ko kayo pipigilan" mainahon na sabi ni nanay samin. Si nanay talaga Love niya talaga kami . Hindi man lang kami aawatin kung mag aaway kami . Nung last na nag away Kami ni Aki . Galit na galit si nanay dahil nag sisigawan kami . Kaya ayun pinalabas kami at hinayaang mag away . Heto kasing Aki na 'to ayaw pa tumigil , kapag alam niyang Tama siya iPag lalaban niya syempre Pero kapag alam ko mali siya talagang babangayan ko siya.

"Love you too Nay!" Sabay naming sabi ni Aki .

"Kambal talaga kayo" napailing nalang kami ni Aki kay nanay at nag patuloy ng kumain . Nang matapos kami , as usual ako mag huhugas ng plato. Tamad kaya yang si Aki sa Gawaing bahay. Sa Pag titinda lang siya masipag kasi daw May libring miryenda . Kapatid ko ba talaga siya ? Ahhahahaha

Pumasok nako ng kwarto ko . Mag aalas nuebe na pala . Tatlong oras nalang mag sisimula na ang laban Nina Kiel . Ano kaya ang magiging resulta ng laban .

Kinuha ko ang phone ko at tinignan ang inbox kung May message si Amy . Pero Wala . Tawagan ko kaya siya.

C a l l I n g B e s A m y ..................

[Hello Zumi] May naririnig akong ingay mula sa kabilang Linya.

[Zumi mamaya na ma ingay na dito . Di na kita marinig . Sasabihin ko nalang yung resulta sayo.]

[Bye Zumi na kill joy! Labyou. Mwah!]

At pinatay na niya ang tawag ko. Ganon ba karaming tao don ? Ano ba ang pustahan nila ? Inaantok na ko . Siguro ikukwento nalang ni Amy yung nangyari.

Two Different World Where stories live. Discover now