Maaga palang ginigising nakami ni nanay dahil May kanya kanya kaming gawain. Pero dahil Sunday ngayon magsisimba muna kami bago gawin lahat ng gawain. 4:00 am yung mass dito kaya agad kaming bumanon. Turo kasi ni nanay samin na kahit gaano daw kami kahirap hinding hindi kami papabayaan ng Panginoon yon ang tumatak sa utak ko simula ng bata pa ako. Nag tungo ako sa CR para maligo ng marinig ko ang boses ni nanay.
"Ano ba naman yan Aki ! Alas kwatro na hindi kaba magsisimba?!" Pag gising ni nanay Kay Aki. Kahit kaylan talaga tulog mantika yang Kambal ko buti na nga lang Hindi ko namana yung Pag tulog mantika niya hahahahaa. Palagi kasi silang nag aaway ni nanay kapag Sunday dahil ang hirap gisingin ni Aki. Hayy kahit ganon sila mahal ko silang dalawa.
"Nay mayamaya na naliligo pa si Zumi e" Mukhang inaantok pa si Aki dahil sa tunog ng boses nya . Hinayaan ko nalang sila at naligo nako .
"Hoy Aki! Maligo kana Baka buhusan kapa ng tubig ni nanay dyan" sinigawan ko siya baka si nanay na tumawag sakanya . Dati din kasi dahil ayaw gumising ni Aki bunuhusan ng malamig ng tubig ni nanay para lang gumising kaya inuunahan ko na si nanay para Wala ng gulo .
Bumangon si Aki mula sa higaan at nag tungo sa CR ng naka sibangot. Ayaw na ayaw niya kasi yung ginigising siya . Nakapag bihis nakami at nag kape na . Pupunta nakami sa simbahan ng mahagilap ng mata ko si Amy.
"Bes" tawag ko sakanya . Agad niya naman nakilala ang boses ko
"Oh bes ano ginagawa nyo dito ?" Tanong niya sakin .
"Bes nasa simbahan ata kami . Syempre mag sisimba kami" sarkastiko kong sabi. 'Tong babaeng to matalino nga Pero bobo minsan pasalamat siya mahal ko siya hahaha .
"Oo bes Pero hindi dito yung simbahan na pinag sisimbahan niyo ahh? Diba sa Metropolitan Cathedral Church kayo nag sisimba?" Oo nga pala hindi dito ang lugar na pinag sisimbahan namin. Lagi lagi kasi Sa Metropolitan Cathedral Church kami nag sisimba Pero ngayon nag simba kami sa Holy Rosary Parish Church. Maitanong nga mamaya kay nanay kung bakit dito kami nag simba.
"Diko alam e bes , Tanong ko kay nanay mamaya . Tara pasok na tayo mag sisimula na yung mass" sabay kaming pumasok ni Amy sa Church . Kasama ni Amy yung Family niya May kapatid si Amy kaso nasa States doon nag aaral na meet ko na din siya si Kuya Aeryll . Sabi ni Amy sakin hindi daw sila mag kasundo kaya pina dala sa States si kuya Aeryll .
Nag simula na ang mass ng mahagilap din ng mata ko si Xander Kiel. What?! Dito din siya nag sisimba? Yes siya , siya lang Wala siyang kasama nakita ko kasi mag isa lang siyang pumasok ng Church . Banal din pala kahit papano tong Chixxboy na 'to o Baka nag babawas ng kasalanan . Kinalabit ko si Amy para ituro si Kiel sakanya.
"Ano ba Azumi Tan nasa simbahan tayo , Tama na muna yan makinig muna tayo" pabulong ni Amy sakin.
"Si Kiel kasi nandito siya" Sabi ko ulit.
"Alam ko" maikli niyang sagot sakin . Alam niya ?
"Bat mo alam?" Nacurious talaga ako
"Palagi yang nag sisimba dito Pag Sunday lagi ko siyang nakikita , ngayon nga lang na late yan sa mass e . Minsan nakikita ko siya nasa pinaka unahan. Ang nakakapagtaka pa Bakit siya lang mag isa . Diba ?" Kwento sakin ni Amy . Gusto ko tuloy malaman kung bakit siya lang mag isa .
Mag sasalita pa sana ako ng tignan ako ng nanay ko siguro nakita niya kaming nag uusap ni Amy. Ayaw kasi ni nanay ng nag kukwentuhan sa loob ng simbahan. Tiyak pagkatapos ng mass taatnungin niya ko kung ano ang napulot ko sa homily this Sunday . Lagi niya kasing tinanong samin ni Aki yon kung talagang nakikinig kami sa pari. Buti nalang at Huminto nakaming mag kwentuhan ni Amy ng mag homily si father
"Ang pamilya na binubuo ng ama, ina at mga anak. Dito nakapaloob ang kasiyahan na makabilang sa isang masayang tahanan. Mararamdaman mo na ikaw ay kumpleto bilang isang indibidwal. Maaari pa ngang sobra sobra kung kasama mo ang ibang miyembro kagaya ng mga lolo at lola, tito at tita at mga pinsan. Nag uumapaw na kaligayahan ang mananahan sa inyong tahanan. Sa panahon ngayon, may ibang konsepto na ng pamilya ang nabubuo. Hindi na kasing kumpleto ng dati ngunit kung nandoon ang pagmamahal, hindi mawawala ang halaga ng isang pamilya. Huwag hayaang masira ang isang pamilya ng dahil sa isang tukso o kung anong bagay na makakasama sa iyong pamilya . Pahalagahan at ingatan ang kapit sa pamilya dahil yan ang nagsisilbing lakas sa lahat ng oras. Sila ang ibinigay ng Diyos sa ating buhay para maging malakas sa lahat ng bagay"
Napatingin ako sa gawi Ni Kiel Hindi ko alam Bakit tinignan ko siya , Pero na bigla ako ng nakita ko siyang nag punas ng luha niya ng marinig ang homilya ng pari. Hindi ko namalayan na May tumutulo na palang luha sa mata ko . Katulad din ba ni Kiel yung buhay ko ? Sana hindi , alam ko hindi dahil sa mukha niya na laging kong nakikita parang wala siyang problema na iniinda . Pinunasan ko ang luha ko at nakinig muli ako sa pari at hindi na tinignan si Kiel .
Author's Note :
YUNG MGA CHURCH NA NASA STORY KO REAL CHURCH PO SILA . YUNG METROPOLITAN CATHEDRAL OF SAN FERNANDO AROUND PAMPANGA SIYA YUNG HOLY ROSARY PARISH CHURCH NAMAN AROUND PAMPANGA DIN SA STO. ROSARIO ANGELES. KAHIT I SEARCH NIYO KAY MANONG GOOGLE MAKIKITA NIYO . MAGANDA YUNG MGA CHURCH NA YAN. DI KO PA NAPUNTAHAN PERO ISA SA MGA LIST NG CHURCH NA GUSTO KO MALAY NIYO SOON DYAN AKO MAG PAPAKASAL CHOSS MALAY NIYO DYAN NIYO MAKIKITA FOREVER NIYO KAHIT WALANG FOREVER.
Enjoy reading guysss! Love lots mwah!
YOU ARE READING
Two Different World
Ficção AdolescenteKami yung tipo ng pamilya na kung Hindi kakayod Hindi makakakain kung baga isang kahig isang tuka. Oo ganon kami kahirap kaya lahat nalang nilalait kami . Pero nagbago ang buhay ko ng dumating siya . Ng dumating ang isang tao? Tao nga ba siya ? Bast...
