Vowed to let the last child sleep quietly

21 2 0
                                    


"Gusto ko ang pangala'ng naisip mo para sa sakanya." Tumulo ang luha niya habang ikinagagalak niya'ng marinig ang aking sinabi. Hinawakan ko ang mga kamay niya na parang ngayon ko lang ito mahahawakan ulit. 

"Paano mo siya gustong lumaki?" Tanong ko sakanya. Ngumiti siya  at sabay naming liningonan ang natutulog naming baby sa Crib. "Gusto ko'ng lumaki siya katulad mo, isang mabuting tao."

"Talaga? Sasabihin ko rin sana'ng gusto ko rin siyang lumaki katulad mo, isang mabuting tao." Natutuwa ko'ng sabi sakanya. Inilatag niya ang kanyang ulo sa aking balikat. Dahan-dahan kong inikot ng pa-alternatibo ang dalawa kong kamay sa kanya at pagkatapos ay niyakap ko siya ng mahigpit.

Ang araw na ito ang hindi ko inaasahan sa buo kong buhay. Hindi ko akalaing mapunta ako sa isang silid na puro puti at kapag ikaw ay tumingala ay makikita mo ang mga nagniningning na bituin na nakapikit sa kisame. Ang amoy ng iyong laging naa-amoy ay mapapalitan ng amoy ng isang bagong silang na sanggol. At ang simoy ng hangin dito ay naiiba sa lahat ng lugar na aking napupuntahan. 

Tapos, sa kabila ng simoy ng hangin na aking pinagsasabi ay naramdaman ko ang mainit na hininha'ng dumaloy sa aking tainga.

"Ibigay natin ang buo nating pagmamahal sa kanya. Ipangako mo saakin, na kahit anong mangyari, kahit anong problemang madadaanan niya ay mararamdaman niya parin ang pagmamahal galing saatin, ang pagmamahal galing sa kanyang magulang." Bulong ni Jade sa akin. Kahit anong mangyari lumalambot ang puso ko sa mga salita niya.

"Pangako ko mahal ko, mamahalin natin ng buo'ng-buo ang nag-iisa nating anak." Sabi ko sakanya sabay tingin ko sa mga mata niya'ng nagtutubig. Pagkatapos ay sabay ulit naming tiningnan ang natutulog naming anak.

"Welcome to the world... Aiden."

                                                               LITTLE DID SHE KNOW|FIST CLUB

LITTLE DID SHE KNOW | FIST CLUBWhere stories live. Discover now