AIDEN
"Ako lang ang natira, lahat nag back-out."
Wika ng isang grade 9 student ng Morfield High. Isa siya sa mga sumali para sa mga bagong recruit ng Devil's Club. Ito na ang huling pagsubok para sa kanilang initiation. Pero mukhang hindi maganda ang nangyari. Inatasan ko sila na maglinis sa likod ng Morfield High. Simple lang diba, pero hindi ganon ka daling tapusin. Pinadala ko ang aking mga personal na tauhan upang bugbugin sila at kung sino man ang manatili sa clash; at kaya pang maglinis pagkatapos ng rumble ay siyang magiging opisyal na miyembro ng Devil's club. Pero, bago ko pa pinadala ang aking mga tauhan ay may umatake na sa mga recruits.
"Walang awa nila kaming pinagtulungan. Napakarami nila. Napakalakas. Huli nang dumating ang mga tauhan ni Aiden. Nakatakas silang lahat, walang nagawa ang mga tauhan ni Aiden! Para kaming mga ulul na pinasabak sa agad sa giyera ng dalawang grupo!"
Napasigaw siya sa habang kwinento niya ang pangyayari. Punong puno siya ng dugo at pasa sa katawan. Punit na punit ang kanyang damit at pantalon. Pero pinili niyang manatili at alam kong hindi siya titigil hanggang makaka-ganti siya sa mga taong bumugbug sa kanya at sa kasama niya.
"Dalhin mo siya sa ospital. Siguraduhin mong magamot agad lahat ng sugat niya. Ayokong ilang araw siyang absent dahil dito." Utos ko kay Luis. Agad namang inalayan ni Luis ang bagong kasapi.
Guilty ako sa pangyayari and at the same time, napuno ang katawan ko ng galit. Marami na kaming na engkwentrong grupo pero ito pa ang unang pagkakataon na mayroong naglakas loob guluhin ang Devil's Club.
"Nasaan ba si Aiden..? Dapat niya 'tong malaman..." Nauutal na sabi ng bagong recruit. Tumigil sila sa paglalakad at tiningnan niya ako na parang hinihintay niya ang aking sagot.
"Erhm, Luis ano nga ulit ang panglan ng batang 'to?"
Napatingin sa akin si Luis na parang hindi siya sang ayon sa susunod kong sasabihin.
"Red..." Pero wala siyang magawa at sinagot niya ang tanong ko.
Nilapitan ko sila at tinapik ko ang ulo ni Red ang bagong reruit.
"In here, you will know me as your leader. You will see me as your boss. At hindi mo ako kikilanin katulad ng pagkakilala mo saakin sa loob ng Morfield High School. Dito, kikilanin mo ako bilang si Aiden--at hindi si Jason."
Nanlaki ang kanyang mga mata at hindi nakasalita. Punong-puno ng katanungan ang kanyang mga pagtingin sa akin. Hindi na pinatagal ni Luis at pinalakad na niya si Red.
Bago sila makalabas sa kwarto Tinawag ko si Red. "Keep it a secret, Red. Welcome to the family tough guy." At binigyan siya ng mainit na pagtanggap.
Jason.. si Jason ay isa lamang ilusyon sa mundo ng Morfield High School. Isa itong ilusyon upang tulungang itago ang tunay na identity ng tunay na Aiden. Marami nang nakakilala at nakaalam tungkol sa grupong tinatawag kong Devil's club. Kaya marami na rin kaming mga kasangka sa iba't-ibang grupo sa iba't-ibang eskwelahan at lalong-lalo na sa mga underground groups. Ginawa ko ang grupong to para lumikha ng kakaibang brotherhood na ang nakakapasok lamang ay ang committed at malalakas. Ang biglang pagsikat ng Devil's club ay bigla ring kumalat ang pangalan ko bilang isang lider ng napakalakas na grupo. Naging hunted ang pangalang Aiden sa mga malalaking organisasyon kaya napilitan akong palitan ang pangalan ko bilang si Jason at para itago ang tunay na anyo ni Aiden pinagkatiwala ko ang hunted kong pagkatao sa pinakamatalik kong kaibigan--na si Rex.
YOU ARE READING
LITTLE DID SHE KNOW | FIST CLUB
Novela JuvenilHey, wanna know something? Yes? Well, you know it hurts when you lose someone you love than a fist fight. But it more hurts when you lose in a fist fight. And it even hurts more when she's about to dump you and you're about to lose the kid's fight...