"Shut up Jasper, I'm not into him--it's just--he's that kind of guy na tahimik at pa-misteryoso!" Pangangatuwiran ni Francine sa asar ni Jasper na crush daw ni Francine si Jason.
Nilabas ko ang aking baon at nagsimulang kumain habang pinapanood ko silang nagtataltalan.
"OKAY, OKAY! Hindi ko lang kasi ma-gets; kung bakit interesado ka kay Jason--at lalong-lalo na kay Aiden." Pa-kalmadong sabi ni Jasper.
"Not just them, it's the whole team!" Koreksyon ni Francine.
Patuloy parin silang nag-uusap na parang hindi nila ako nakikita. Si Francine--inalok niya akong sabay kaming kumain. Akala ko pa naman magiging puno ng friendly-chat ang lunch na'to. Pero nung dumating sa table namin si Jasper at inasar niya ulit si Francine kay Jason ay napunta na agad ang lahat ng atensyon ni Francine kay Jasper. Hays, dapat hindi nalang ako sumabay mag lunch.
"Ang Devils ng Morfield!? Interesado ka sa grupong 'to?!" Napasigaw si Jasper dahil sa hindi kapani-paniwalang sinabi ni Francine.
Ang grupong pinag-usapan nila--ito ba ang sinabi saakin ni Jason kahapon? Teka.. may naalala akong nabanggit ni Jason kahapon tungkol sa grupong sinasabi niya..
"Si Aiden ang lider ng kinikilalang grupo dito sa school."
Makikita namang napaka-delikadong tao si Aiden; pero totoo ba talagang interesado si Francine kay Aiden? Hmph, kung totoo ay labas na ako d'yan.
"Sshh! Tumahimik ka. Wag mong banggitin ulit ang pangalan ng mga 'yan kung ayaw mong umuwing basag ang mukha."
"Bakit ganon Francine. Ano ba ang nagbigay motibo sayo para pakialaman ang buhay ng mga 'yan... alam mo namang napaka-delikadong nilang tao diba?"
Wala akong alam kung ano ang balak ni Francine pero mukhang napaka-delikado ang mga plano niya para mag-alala nang husto si Jasper sakanya. Ang pang-aasar ni Jasper kay Francine ay napalitan ng pag-alala at kaba.
Matatapos ko na ang aking kinakain pero kakasimula palang nila. "So Hayley, ako nga pala si Francine." Mula sa nakayuko at kumakain ay napa-angat ko ang aking ulo nang nagpakilala si Francine. "At ito naman si Jasper, kilala mo naman siguro siya. Kayo ang yesterday's victims ni Aiden." Pagpatuloy niya.
Hindi ako nagsalita at yumuko lang ako. Medyo nahihiya parin ako sa nangyari kahapon na may halong takot. "Kayong dalawa ay parehong biktima ng demonyong Aiden. Palalampasin niyo nalang ba ang ginawa niya sainyo katulad ng iba? Hahayaan niyo nalang ba na patuloy paring mangingibabaw ang kasamaan ni Aiden dito sa Morfield Academy?"
Mahina at seryosong nagsalita si Francine saamin na para bang may mga kahulugan ang bawat katagan sinabi niya. Sa halip na magpaalam na ako at iiwan ko sila ditong kumakain ng lunch nila ay bigla kong naramdaman ang ipinahiwatig ni Francine saamin ni Jasper.
"Hindi Francine!" Tugon ni Jasper kay Francine habang itinataas niya ang kanyang kaliwang kamay na may hawak na tinidor. Para ring baliw tong si Jasper.
Narinig kong napatawa ng mahina si Francine sa ginawa ni Jasper. Mapapatawa na rin sana ako nang biglang lumipat saakin ng tingin si Francine.
"Alam kong naiilang kapang gumalaw dahil bagohan kapa dito. Pero lakasan mo ang iyong loob. Katulad ng lakas ng sampal na binigay mo kay Aiden kahapon." Sabi ni Francine na may ngiti sa kanyang mukha na para bang meron talaga siyang binabalak.
Hinawakan niya ang aking kamay na para bang nangingiusap siya saakin. "With you, me, and Jasper. Babagohin natin ang pananaw ng mga estudyane ng Morfield High School. We're going to give them courage at hope. Papalayain natin sila sa pang-aapi ni Aiden, at ibalik ang maayos na pag-aaral dito sa Morfield High School!"
YOU ARE READING
LITTLE DID SHE KNOW | FIST CLUB
Novela JuvenilHey, wanna know something? Yes? Well, you know it hurts when you lose someone you love than a fist fight. But it more hurts when you lose in a fist fight. And it even hurts more when she's about to dump you and you're about to lose the kid's fight...