Chapter 3

2.3K 47 1
                                    

"Ay oo, kasi may interview-- nga pala, baka pwede ako magpatulong ng job interview sa'yo...? Since--- for sure mas may experience ka kaysa sa akin." tugon ko naman.


"Well, hindi ka naman nagkakamali dun pero, sige."


Nagsimula na muna kaming kumain at habang siya ang nanguna, tiningnan niya ang aming binili ni Travis at sinabi, "Hmm... meron naman akong pwedeng ipahiram sa'yo ba't bumili ka pa?"


Nang kanyang tinanong ito, binigyan ko siya ng mapanglaw na tingin.


Ilang segundo nagtagpo ang aming mga mata hanggang sa, "Ah-- oo nga no." napagtanto niya ang dahilan mula lamang sa tingin.


Matapos kong makapaglinis ay, "Sige nga try, ligo ka tas suot mo tingnan natin kung paano natin maaayos yung buhok mo."


Sumunod naman ako sa kanya't naligo na, dalian na nagpalit ng damit sinabi, "Okay na ba?"


"Hmm... siguro yung simple nalang. Kung papaano mo inaayos yung buhok mo okay na yun." komento niya.


Nagtungo kami sa kanyang opisina't sinabi, "May resume ka na no?"


"Mhm, nagbigay na rin ako ng kopya dun sa lalakeng nagtatrabaho dun."


"Sige. Start na ba tayo?"


"T-teka... paano ba?"


"Roleplay. Punta ako sa upuan ko ah tas upo ka nalang dito sa couch." tugon niya't lumabas ako ng kwarto para uminom at bumalik pagkatapos.


Nagsimula ang maliit naming roleplay-interview...


"Hi, you are?"


"Vincent Oliver R. Oscala." tugon ko sabay na nakipagkamayan.


"Please have a seat."


Sunod naman akong umupo sa couch.


"I am Eldrion A. Zarate. Nice to meet you."


"Nice to meet you, sir."


"So you are applying for...?"


"A writer, sir."


"A writer... yes. We do need columnists. Tell me, what kind of articles do you usually write?"


"I usually write trends and present issues upon the media world. May it be from newly released music videos, movie trailers, and even culinary arts."


"Keeping the classic is also important, so why do you stick to the trend?"


Teacher's Unexpected Move: Married Life (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon