"He's the savior!" sigaw ni Jona.
"Oh god Vincent you are so lucky..."
"Um- that just means he read the notification..." komento ko.
"Either way, let's grill!"
Nagsimula kaming maghanda at sina El at Renz ang nag-iihaw at kami ang naghahanda ng mga pagkain.
| El's POV |
"El, right?" tanong ni Renz.
"Yeah. Oh and um, you might want to know, I'm actually Vincent's teacher from college."
Ilang segundo akong tinitigan ni Renz na halatang may gulat sa mga mata, "Seriously, dude?"
"Yeah. Well, long story short, I became his tutor and things started on from there."
"Wow man, well, with good looks like that I'd pretty much agree to that one without a doubt."
"I was never really interested but... I guess that's how life goes huh?"
"But hey, what about your parents?"
"They're... good."
Nagsimula kaming mag-ihaw matapos ihanda ang mga karne at gulay.
"Pass me the oil?" abot ko kay Renz at sunod naman na kanyang inabot sa akin ito.
| Vin's POV |
Ilang mga minuto ang lumipas at, "Food's ready!" sigaw ni Renz at kami'y naghanda na para sa pelikula.
Umupo na ang lahat matapos ma-iayos ang mga pagkain bago kami nagsimulang manood.
Habang nanonood ay patuloy kaming kumakain at nasa tabi ko lamang si El.
"Napanood mo na 'to?" tanong na bulong ni El.
"Hindi pa pero... nakakatawa sa totoo lang."
Malambing kaming dalawa habang nanonood kahit halata sa aming mga kasama ay may ilang mga titig na halatang gusto kaming tuksohin.
Nang matapos ang pelikula, napunta ang usapan ukol sa reception kasama ang aming mga kaibigan.
"Wait, so you don't really have a wedding planner?" tanong ni Renz.
"Well, would you recommend us to one?" tanong ko naman.
"Oh! Good call! I know someone who can help. We can talk about it tomorrow."
Habang kami'y nagpapahinga sa rooftop ay itinungo ko ang aking sarili sa dulo at tsaka tiningnan ang magandang tanawin sa aking harapan.
"Kailan nga pala first day mo?" tanong ko nang maramdaman ko ang presensya ni Vin mula sa likod.
"Malapit-lapit na rin. At tsaka sa totoo lang hindi ko pa alam schedule ko, pero ang natatandaan ko eh baka whole day." sagot niya.
"Ganun ba? Madalas hanggang hapon lang ako kaya kung pwede baka mabisita kita. Okay lang ba?"
"Oo naman. Para makilala mo rin yung mga ka-trabaho ko."
Matapos ang aming maliit na usapan ay, "Hey, you guys tried the Japanese Bath House yet?" tanong ni Travis habang may lata ng soft drinks sa kanyang kamay.
"What are they?" tanong ko.
"Apparently they are recommended for people who are stressed out, or just lovers of hot baths. It's an open area, though it doesn't seem as big as the ones in Japan but it can suffice, I guess."
"Where is it?" tanong naman ni El.
"5th floor. There's also the gym, even a dance studio; some people from outside rent the place sometimes."
"We'll keep that in mind for next time."
"One last thing."
"What is it?"
"Thanks for tonight."
Matapos tumango at magpasalamat ni Travis ay umalis na siya at nagkabalikan kami ni El ng ngiti mula sa isa't isa, "Tara? Pasok na tayo?" at sumang-ayon ako sa kanya.
Nakarating na kami sa aming kwarto ay agad kaming napahiga sa kama dahil sa pagod.
"Buti nalang talaga nakapunta ka ng mga mga pagkain na sakto para sa ganun." komento ko.
"Oo nga eh... nga pala, hindi ba tayo maliligo...?"
"... Kailangan pa ba?"
"Sa bagay... pero... kahit sipilyo nalang...?"
"... Tara ligo tayo."
Napunta kami sa banyo at sabay na naligo sa shower; ang bawat patak ay dumadapo sa aming balat habang ako'y nasa kanyang harapan at ako'y nakasandal sa kanyang dibdib ng bahagya.
Ramdam ko ang kanyang matigas na dibdib sa aking likod pati na rin ang basa naming katawan sa isa't isa.
Ilang mga minuto ang lumipas at natapos na rin kaming maligo at nagpatuyo muna bago magbihis para sa aming pantulog.
Natulog na kami matapos naming maghanda at, "Goodnight..."
Lumipas ang ilang araw...
"First day... okay, game ako." bigkas ko kay El nang ako'y kanynag binibihisan ng maayos.
"First impression, mas okay na yung casual na pero naka-tie ka pa rin." komento niya habang inaayos ang aking buhok.
"Okay, game ka na. Alam mo na ba route mo? Yung saan ka dadaan?" tanong niya.
Tumango ako bilang sagot at nagbigay ng halik bago ako umalis, "Una na ako ah."
"Sige, mag-iingat ka. Text mo ko kapag naka-rating ka na sa mismong building."
Nang ako'y makarating sa lobby ay nakasalubong ko si Renz at tiningnan ang aking porma bago sabihin, "You look great. Ready for your first day?"
"Yeah."
"You'll do great. Good luck out there."
Nakarating ako sa bus stop paglabas ng condo, deretso pamasahe at ilang mga lakad pa pagbaba ko bago makarating sa mismong building.
Pagpasok ko rito ay, "Sir Oscala, we've been waiting for your arrival. Please go to the 4th floor in section 4. Sir Kanlen will be your guide at the time being." sabi sa akin ng babae sa reception at ako'y tumango.
Sinakyan ko ang elevator at nakasalubong ang isang lalake na ubod ng tangkad, halos kasing-tangkad ni El at magkasing-laki sila ng katawan, pero ang pinagkaiba nila ay mayroon siyang balbas at nakasalamin.
"I haven't seen you here before. Are you new?" tanong ng lalake.
"Y-yes, I am."
"What department are you?"
"Um- copy editing, I'm starting as an assisstant."
"Wait--- you don't happen to be the new guy um---" bago niya ipagpatuloy ay kumuha siya ng isang papel mula sa bag na kanyang dala at, "Vincent Oliver Oscala, right?"
Tumango ako bilang pagsang-ayon at, "Yes, that's me."
Nakatanggap ako ng ngiti mula sa kanya at, "Ah- good! I'm Sir Kanlen, I'll be your copy editing adviser from now on. Well- until you graduate from being a trainer under my care at least."
Medyo hindi ako makapaniwala na dito ko pa makikilala kaagad ang mas makakasama ko sa trabaho.
Tinanggap ko ang kanyang kamay bilang pagsang-ayon at, "Oh- and don't call me Sir Kanlen, I'm still young alright? You can just respect me by doing what I tell you to do in line of work, don't worry. Just call me Hyde." at tumango muli ako.
Tumunog ang elevator at nasa fourth floor na kami, sabay kaming nakapunta sa section at nakasalubong si, "Good morning Rodriguez." bati ni sir Hyde.
"Ah- yes, good morning." bati pabalik ni Qal at nagbigay ng ngiti sa akin bilang bati.
please vote and comment~!
BINABASA MO ANG
Teacher's Unexpected Move: Married Life (boyxboy)
RomanceSa nalalapit nilang kasal, isang magandang lakbay nga ba ito tungo sa buhay na may magandang samahan? O merong hahadlang sa kanilang pagmamahalan? Darating na ba ang panahon na kanilang hinihintay? Maraming tanong, ngunit kaonti lamang ang mga makas...