Label

206 1 0
                                    

Simulan nating isipin, ang taong nakatakda satin
Ngunit, teka nga pala, wala nga palang 'natin'
Sapagkat sa mundong ito, ako at ikaw lang ang meron

Walang tayo,
Dalawang salita, ngunit malaki ang epekto
Merong ikaw at ako,
Ngunit wala pa ring tayo,

Hindi maipagkakaila,
Nasasaktan ka diba?
Sa bawat pag asa mo,
Umiiral ang katangahan mo.

Masakit mang isipin,
Iba man sa kanilang pagtingin
Ngunit kailangang tanggapin
Na walang anumang namamagitan satin

Sa bawat 'mahal kita'
Kilig ang nagagawa,
Pero andyan pa rin si sakit,
Na patuloy lumalapit.

Hindi ako isang makata,
Pero nais kong gumawa ng katha
Dito mailalabas ang nararamdaman,
Ng walang pakielamanan.

Una sa lahat, walang kasiguraduhan
At kung dapat ka nga bang pagbawalan?
Nakakailang na ikay diktahan,
Sapagkat sa paningin ng tao, ako ay walang karapatan.

Tatapusin ko ang tulang ito,
Kung saan mo tinapos ang lahat,
Teka wala nga palang 'lahat'
Kase una pa lang wala na talaga,
Walang namamagitan sating dalawa,
Walang label ang relasyon nating dalawa,
Wala akong dapat maramdamang sakit,
Sapagkat kahit alam ko na ang mangyayari,
Patuloy pa rin akong kumapit.

Eto na lang huling taludtod,
Sapagkat ang puso ko ay durog na durog,
Ito na ang huling sampung pantig,
Salamat sa lahat ng pagpapakilig.

Spoken Word PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon