Ang aking hiling

109 0 0
                                    

Isang gabing madilim, nakakalat ang mga bituin,
Kung saan ako ay nagsisisi,
Nagsisisi ako, nakakapagsisi
Nang dahil sa bituin, ako' natutong humiling,
Humiling na sana dumating at maiparamdam sakin,
Ang wagas at tunay na pagibig na hinahangad ng nakararami.

Isang gabing madilim, nagkalat ang mga bituin,
Ako'y humiling,
“Bituin, bituin, halika sa akin tuparin mo ang natatangi kong hiling”
Sa pagpikit ng mata,
Nagsimula akong umasa,
Dahil alam kong darating ka.

Sinisimulan ko ang tulang ito,
Sa kung kailan ako natuto,
Natutong maghintay na matupad ang hiling ko,
At hindi sa pagkakamali,
Ang hiling ko ay nagkatotoo,
At yun ay yung pagkakataon na dumating ka sa buhay ko.

Dumating ang isang ikaw,
Isang ikaw na nagpaibig sa puso kong ligaw,
Isang ikaw na nakapagpatibok sa puso ko,
Isang ikaw na nagparamdan sakin ng kaligayang aking gustong maasam.

Isang gabing madilim, nakakalat ang mga bituin
Ang ating usapan ay umabot na ng hating gabi,
Di namalayan ang mabilis na pagtakbo ng orasan,
Dahil sa pareho nating nararamdaman.
Masaya, masayang masaya
Parang ayaw ko ng sayo ay lumaya
Parang sa tagutaguan na ang puso ko ang taya,
Kailangan mong mawala,
Pero, mahahanap parin kita.
Babalik at babalik kung saan ang lugar ang nakatakda.

Wala tayong pakielam sa iba,
Tanging tayo lang talaga,
Wala tayong pakielam sa pinagsasasabi nila,
Kase mas mahalaga ang dikta ng puso nating dalawa.

Ngunit, gaya ng iba.
Tayo'y naging katulad nila.
Biglang nagbago ang lahat,
Ang kasiyahan ay napalitan ng kalungkutan,
Ang pagmamahalan ay napalitan na ng alitan.
Wala tayong magagawa,
Sapagkat si tadhana ay ayaw makisama,
Ano ba ang gagawin nating dalawa?
Kung lahat sila ay hadlang sa ating pagiibigang dalawa?

Isang gabing madilim, nagkalat ang mga bituin.
Na kung saan binuhos lahat ng luha,
Tahimik, walang nakakarinig
Bawat hikbi, na dahilan ng sakit.
Nang dahil sa isang walang kwentang dahilan,
Ako ay iyong iniwan.
Iyak dito, iyak doon.
Ang puso kong durog na durog.

Isang gabing madilim, nagkalat ang mga bituin
Na kung saan mo sinira ang aking hiling,
Hiling na pagibig na wagas at totoo,
Na puno pala ng panloloko mo,
At ako naman tong nauto,
Nagsisisi sapagkat nawasak ang puso ko.

Isang gabing madilim, nagkalat ang mga bituin,
Tiningnan ko ang kalangitang puno ng bituin,
At sa isa pang pagkakataon, ako'y humiling pa rin.
Humiling na sana, wala ng masasaktan dahil sa pagibig at wala ng pusong muling aasa pa.

At sa huli, isang gabing madilim,
Kasabay ng pagsikat ng araw,
Kasabay ng pag kawala ng mga bituin
Ay ang paglaho ng nararamdaman ko para sayo.

Spoken Word PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon