"Nandito na tayo," tugon niya pagkalipas ng halos tatlumpung minuto ng pagmamaneho, sabay parada ng kanyang kotse sa tapat ng NAIA Terminal 2.
Lumabas ako mula sa passenger side ng sasakyan at tumungo sa backseat upang kunin ang mga bagahe ko, ngunit inunahan na niya ako at siya na ang nagdala ng mga iyon patungo sa pasukan.
"Cedric, ako na," tawag ko sa kanya noong papasok na siya, at doon na lang siya tumigil sa paglalakad at lumingon sa aking gawi.
"Ako na ang bahala. Sasamahan na kitang maghintay sa loob," mungkahi niya.
Nang 'di inaasaha'y napatigil ako sa aking mga yabag.
Maghintay.
Agad na may namuong mapait na ngiti sa aking mukha nang marinig ko ang salitang iyon, at dagli akong lumapit sa kanya at kinuha mula sa kanyang mga kamay ang mga dala ko.
"Wag na," tanggi ko. "Sanay na rin naman akong maghintay nang mag-isa."
Alam kong masyado kong pinapalaki ang aming sitwasyon, pero kung tutuusi'y totoo naman talaga ang mga sinabi ko. There was no point in holding out my emotions anymore since they were already out in the open.
Maglalakad na sana ako papalagpas sa kanya nang bigla niyang hinablot ang aking pulsuhan, mahigpit ang kanyang kapit.
"I'm sorry," saad niya, bakas ang panghihinayang sa tono ng kanyang boses.
Tumawa ako nang pilit at kumawala sa kanyang hawak.
"It's okay, Cedric. After all, waiting is practically my life," sambit ko, nanatiling nakatalikod sa kanya. "Ever since the day that I've become conscious of my feelings for you, I've been constantly waiting for the day that you'll finally take notice of me. The day that you'll finally let Lyka go and realize that I've been here all along. And the day that you'll finally learn to love me the same way that I love you."
Naramdaman ko ang unti-unting pamumuo ng mga luha sa aking mga mata, ngunit pinigilan ko ito sa pag-agos. Ayokong makita na naman niya akong nagkakaganito nang dahil sa kanya. Tama na, Amethyst. Tama na.
Huminga ako nang malalim at pilit na pinakalma ang aking sarili, at pagkatapos ay humarap na rin ako sa kanya.
"But the thing is, that day never came," pwersahan kong tawa. "So now, I'm waiting for an entirely different day to come.
"THE DAY I FORGET ALL ABOUT YOU."
____________________________________________________________
The Day I Forget All about You - Married by Accident Side Story
Alternative Title: Istorya ng Dalawang Tanga
BINABASA MO ANG
The Day I Forget All about You ~ Cedric and Amethyst's Story ~ [ HIATUS ]
Teen Fiction[Married by ACCIDENT Side Story] [Summary] "Don't you know? I'm the king of wishful thinking. I thought that after all these years, you've finally moved on. That the past was all behind us. That I actually stood a chance. And once again I'm foolishl...