Preface

2.6K 57 37
                                    

 

Bakit ba ang hirap mag-move on?

 

Bakit ba ang hirap makalimot?

 

Bakit ba ang hirap magbitaw?

 

Kahit anong pilit mo,

 

Kahit anong pagkukunwari mo,

 

At kahit anong proseso pa man ang maisipan mong gawin para ma-distract ang sarili mo,

 

Hindi pa rin natatanggal sa isipan mo ang mga ala-alang tungkol sa mga pinagsamahan niyo.

 

Hindi pa rin nawawala ang pagsisising naramdaman mo nang hindi mo naipaglaban ang pagmamahal mo para sa kanya.

 

At hindi pa rin naglalaho ang sakit na nararamdaman mo tuwing natatandaan mong hindi ikaw ang pinili niya.

 

Pero alam mo ba kung ano pang mas masakit kesa dun?

 

Yun ay ang katotohanang kahit mas ginusto pa niyang makasama ang iba,

 

Sa kalaliman ng puso mo,

 

Hindi mo pa rin magawang tuluyang magalit sa kanya.

 

Kahit iniwan ka niya.

 

Kahit hindi ikaw ang minahal niya.

 

At kahit ang puso mo’y biniyak niya.

 

Kasi kahit anong pwersa mo sa sarili mong kumimkim ng sama ng loob,

 

Hinding-hindi mo pa rin yun magagawa.

 

Dahil mananatili pa ring nakatatak sa puso’t isipan mo ang pagmamahal mong hindi agad-agad maglalaho.

 

Kaya sa huli,

 

Ikaw pa rin ang paulit-ulit na masasaktan.

 

Kasi ikaw ang hindi pa rin makalimot ng mga tunay mong nararamdaman.

 

Kaya nga sabi nila diba,

 

Love is sweet at first,

 

But becomes so bitter when it ends.

 

 

 

The Day I Forget All about You ~ Cedric and Amethyst's Story ~ [ HIATUS ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon