*Incessantly pining for the love of the wrong person can inflict pain not only to yourself, but also to the one who’s constantly fighting for yours.
Cedric’s POV
I’ll always look back,
As I walk away.
This memory will last,
For eternity.
And all of our tears,
Will be lost in the rain,
When I’ve found my way back,
Back to your arms again.
But until that day,
You know you are,
The queen of my heart.
“CUT!”
Agad kaming napatigil sa pagkanta nina Carter at Chris nang marinig namin ang boses ni Mr. Lucas Gutierrez, isa sa mga executive ng MVS Musix na nagpoproseso ng aming panibagong album, mula sa mikropono ng control panel.
Napatingin kaming tatlo sa kanyang gawi, at nakitang pawang napakalalim ng simangot na namuo sa kanyang mukha. Pinatigil niya ang tugtog at pinatay ang recorder.
“Mukhang kailangan nating ipagpaliban sa ngayon ang paglabas ng panibago ninyong album,” saad niya, tila problemado.
Nagkatinginan naman kami nang panandalian ng aking mga kasamahan, lubos na naguguluhan sa kanyang sinabi.
“Bakit naman po, Sir?” Tanong ni Carter.
Bumuntong-hininga ang executive at tinanggal ang suot-suot na headphones.
“Because not all of you are feeling any of the songs that you are singing,” tugon niya. “How can we release an album that comprises mostly of love songs if the ones who are singing it aren’t even in love themselves? The songs will lose their essence if we try to push through with the release.”
Dagli akong naudlot nang mapagtanto ko ang kanyang ipinapahiwatig. Hindi na rin naman kailangang pag-isipan pa kung ano ang sanhi ng aming problema.
“I’m really sorry, Sir,” pahayag ko, sabay balik ng aking gamit na headphones sa lalagyanan nito.
Umiling naman si Sir Gutierrez.
“It’s okay, Cedric. Kung tutuusin nga’y dapat hindi namin ipinagpumilit ang paglabas ng ganitong klase ng album lalo na ngayon. We should’ve considered all of your situations.”
Tumango na lang ako at pagkaraan ay nagsilabasan na kami sa recording room.
Higit sa tatlong buwan na ang dumaan mula noong namalagi muli kami nina Carter at Chris sa Pilipinas. Dulot ng pagpapakasal ng dalawa ay napagpasyahan naming dito na lamang ipagpatuloy ang aming mga trabaho; kung kaya’t noong Abril, mahigit isang buwan pagkatapos ng double wedding nina Chris at ng kasintahan niyang si Blair, pati na rin ng kakambal nitong si Bliss at ang kabarkada nilang si Drake, ay naisaayos na namin ang mga kakailanganin naming papeles, lumisan sa Washington at bumalik sa ilalim ng management ni Sir Lance Santiago.
Sa ngayon ay ang panibago naming album ang aming pinagkakaabalahan, pati na rin ang mga music video na sisimulan na naming isagawa sa susunod na linggo kung sakaling matapos na namin ang mga recording session.
Dahil wala na kaming mga kailangang asikauhin ay napagpasyahan namin nina Carter at Chris na pansamantalang magtagal sa maliit na cafeteria sa recording studio.
“Pasenya na talaga sa inyo a,” saad ko, sabay sandig sa likod ng upuang aking pinuwestuhan.
Inilapag ni Chris sa mesa ang kanyang dala-dalang karton ng doughnuts, na binili niya pagkapasok namin sa silid. Kumuha siya ng isang piraso at pumuwesto sa upuan na nasa tapat ko.
“Sus, pabayaan mo na ‘yon,” ang mawalang-bahalang tugon niya.
“Kaya nga, Pare. Tutal, alam na rin naman namin ang sitwasyon mo e,” dagdag ni Carter, na nakaupo naman sa tabi ko, sabay kuha ng Bavarian cream doughnut mula sa kahon. “As much as we want you to move on from Lyka, we really can’t force you to do it just like that. Most especially since she only got married two weeks ago.”
Alam kong wala sa intensyon ng best friend ko na ipamukha sa akin ang napakapait na katotohanang iyon, ngunit hindi ko pa rin mapigilang sumimangot. Hindi naman kasi nila kailangang ipaalala pa sa akin ang tungkol sa pangyayaring iyon.
“Nga pala, nandito sa Pilipinas sina Sapphire at Amethyst?” Kaswal na tanong ni Chris.
Dagli naman akong nakaramdam ng hindi pagkapalagay nang marinig ko ang sinabi niya. Pinagtitripan ba ako ng dalawang mokong na ‘to? Kung hindi si Lyka ang kanilang maisipang pag-usapan, bigla naman nilang itutuon ang paksa kay Amethyst.
Sumandig si Carter sa likod ng kanyang upuan at tumango.
“Nakasama ko nga si Sapphire sa isa sa mga workshop sa studio noong Sabado. Higit sa dalawang linggo na raw ang lumipas mula nu’ng nakarating sila, at sa residence hotel sila pansamantalang tumitira. Balak nilang magtagal dito hanggang sa susunod na linggo.”
“A, ganoon ba? Nabanggit lang kasi sa akin ni Manager Marvin ang tungkol doon bago magsimula ang recording session natin kanina,” saad ng pinsan ko. Mamaya-maya’y napunta naman sa akin ang titig niya. “E ‘di nagkita na kayo ni Amethyst, Cedric? Tutal, maliban sa mga kagrupo niya sa ‘Gems’ ay ikaw ang kadalasang kasama niya.”
Buti naman at hindi na niya idinagdag na nakakasama ko lang naman si Amethyst sa tuwing may ibang mga pinagkakaabalahan si Lyka.
Bumuntong-hininga ako at inilayo sa kanila ang aking tingin.
Ang huling beses na nagkita’t nagkausap kaming dalawa ay nu’ng nagkaroon kami ng komprontasyon sa condominium ko, at magmula noon ay hindi na siya nagparamdam sa akin. Hindi na rin siya sumasagot sa mga tawag ko, maging sa mga e-mail at text message na ipinapadala ko sa kanya. At sa tuwing sinusubukan kong bisitahin siya sa residence hotel ay nagkakataon namang wala siya roon.
Dalawang linggo ko na siyang walang-tigil na sinusuyo, ngunit wari’y wala namang pinatutunguhan ang mga ginagawa ko. At kung magpatuloy pa sa pagiging ganito ang aming sitwasyon ay siguradong hindi talaga kami magkakaliwanagan bago dumating ang araw ng pagbalik nila sa Washington.
“Cedric, may problema ba?” Tanong ni Carter sa akin nu’ng lumipas na ang halos isang minuto at hindi pa rin ako nagsasalita.
Umiling ako at dagling tumayo mula sa aking kinauupuan.
“Kailangan ko na palang mauna,” saad ko at pakunwaring sumulyap sa aking relo. “Muntikan ko nang makalimutan na magkikita kami ni Amy ngayon.”
Pawang nabigla ang dalawa sa aking mga ikinikilos, ngunit hindi na sila nagtanong pa at tumango na lamang. Madali naman akong lumabas sa silid at dumiretso sa aking kotse na nakaparada sa parking lot sa tabi ng gusali.
Agad kong pinatungo ang sasakyan sa direksyon ng residence hotel, hinihiling na sana’y sa pagkakataong iyon ay nandoon si Amethyst.
BINABASA MO ANG
The Day I Forget All about You ~ Cedric and Amethyst's Story ~ [ HIATUS ]
Teen Fiction[Married by ACCIDENT Side Story] [Summary] "Don't you know? I'm the king of wishful thinking. I thought that after all these years, you've finally moved on. That the past was all behind us. That I actually stood a chance. And once again I'm foolishl...