Chapter 2

4 0 0
                                    

Liza's Point of View

“Maglinis ka nga!” Pasigaw kung sabi sa gagang parang feel at home kung makahiga eh kung tutuusin maalikabok nga dito eh lalo na sa kesame. Sa dami ba namang pwedeng paglinisan dito pa talaga sa Storage Room pinili. Okay na sana yung maalilabok eh pero yung feeling na ang layo sa Storage Room galing sa 4th Main Building, tangina talaga yung Bilyamor na yun. Kung ako matapos dito ililibing ko talaga siya nang buhay!

“Ikaw na maglinis diyan kasalanan mo naman kung bakit ako nandito” kalma niyang sabi at nakapikit pa.

“At bakit ko naman kasalan Miss—este Mister Acosta?” nakataas kilay kung tanong. Iniinis talaga ako ng gagang 'to! Kung isasama ko kaya siya sa hukay ng adviser ko? Gwapo sana eh kaso dinaig pa yung kabayo! char! ano konek?

“None of your business”

“Anong none of your business?” at ngayon sinigawan ko na nga siya at hinagisan ng tambo. Bigla siyang napaayos ng upo at napaungol sa sakit. Buti lang sakanya!

“Gwapo nga tamad naman” pabulong kung sabi at nagsimula nang mag linis. Sus! May pangiti ngiti ka pang nalalaman nung nagkasalubong tayo tapos ganito pala yung trato mo sakin. Akala ko talaga stalker ka, sa ganda kong 'to? Sus.
Napatigil ako sa pag punas ng bintana ng na-realize ko na “Assuming pala ako, tss. gaga talaga”

Narinig kung umuungol pa rin si gaga kaya lumapit na ako sakanya.

“Bakit ba ang ingay ingay mo ha?” inis kung wika. Tinuro niya yung noo niya kung saan ipinatong niya ang kanyang isang palad. “Bakit? masakit ba? Ha? Bagay lang yan sayo eh”

Winakli ko yung kamay niya at hinawakan ang ulo niya. Nilapat ko yung labi sa bukol niya at binugahan ng hangin, yung parang pinapaborot mo yung ballon.

Hindi naman siya malikot kaya mas napadali ang ginagawa ko.

“Ayan, magiging okay na rin yan” Tiningnan ko yung bukol niya bago hinawakan ang magkabila niyang pisngi saka tumingin sa mga mata niya “Kung ayaw mong mahagisan uli ng gusto kung ihagis sayo, maglinis ka na ha?” Tinabig ko na yung ulo niya at nagsimula nang maglinis.

Naramdaman ko ding kumilos na siya at napangiti nalang ako. Salamat naman at kumilos na yung pagong!

Nagdaan ang oras at natapos na rin ako. Phew! Hinagis ko yung sarili sa couch, idinupa ang mga kamay at ipinikit ko na rin ang aking mga mata. And yes, may couch nga dito sa storage room, malinis na malinis, ewan ko kung bakit may couch at parang hindi ata dinapuan ng mga alikabok, dito rin umupo kanina si gaga nung hindi pa siya naglilinis. tss.

May naramdaman akung umupo sa tabi ko pero hindi ko pinansin.

“Malapit ng mag alas 6” huling kataga kung narinig bago ako dinala ng antok sa kawalan.

Azor's Point of View

I'm just done arranging all the boxes and decided to rest a bit.

“Malapit ng mag alas 6, tsk.” wika ko pagkatapos tumingin sa relo.

I look at the girl beside me and disturb her for me to confirm that she's really asleep.
“Huy” sabi ko at yinugyug siya ng mahina “Huy” hindi pa rin siya gumalaw at humilik pa. “Noisy” sinandal ko yung ulo at tumingin sa kesame.

“Alam mo bang first time akong pinalinis dahil sa mga pesteng kaibigan mong babae ka! Umiiyak pero peke naman, akala mo maloloko mo kong akung babae ka!” bigla akung napabaliktawas at tiningnan siya. Umaksyon akung suntukin siya pero aksyon nga pare eh! A-K-S-Y-O-N!
Tinitigan ko yung mukha niya, akala niyo anghel no? pero parang demonyo, che!

Bumalik na ako sa pwesto at tinignan ang kesame.
“And the award of being the best actress goes to you”

Makatulog na nga lang! Akala mo ikaw lang pwedeng matulog!
Humanda ka saking babae ka, after 5 minutes ilo-lock talaga kita dito. Hindi pa tayo tapos!

Liza's Point of View

Nagising ako at tiningnan ang kabilang couch. Nandun si gaga natutulog ng mahimbing, sinandal ang ulo at niyakap ang sarili. Tumingin ako sa bintana at gayun na din ang gulat ko na madilim na. Bigla akung napatayo at tumingin sa relo.

7:00 pm

Hindi na ako nag panic dahil naranasan ko na naman 'to, first time with my bestfriends and second time with him. And also kakagising ko lang kaya pahinga muna. Makakalabas din ako dito, may load ako no, in case naka lock ang pinto. 

Binagsak ko nalang ulit yung sarili ko sa couch at bigla na namang napatayo nang may naalala ako. Goshhh!!

Tinawagan ko si Mommy pero anong sinabi?

‘Please load immediately to make your account active’

“Tangina, patay ako kay mommy nito eh! huhuh” napa-upo nalang ulit ako sa couch at tiningnan yung phone ko may mga messages at tiningnan ko yung 7210, na-expire na raw kanina yung load ko alas 6:30, galing naman mang timing nito!

Yung dinner namin eh! Magdi-dinner date kami ni mommy sa bonggang bonggang restaurant, huhuhuh.
Opppss! may idea ako! Hindi naman siguro ako na under ng isang dragon na guro para lang sa wala.

Hinanap ko yung cellphone ni gaga at nasa bulsa lang pala niya. Dahan dahan ko 'tong kinuha habang tinitignan siya, baka magising noh! Makakita pa ako ng multo first time.

“Ay! tangina!” biglang sambit ko nang hinawakan niya ang kamay ko

“What are you doing?” tanong nito sa malamlam na boses at tiningnan ako ng mga mapupungay niyang mata. Halata naman sigurong nagising ko siya noh? Lakas din ng instinct nitong gagang 'to.

“A-Ahhh a-ano k-kasi m-may p-pumasok na ipis sa—”

“Whaaaat?” mabilis pa sa alas 4 siyang tumayo at nagtatalon talon.

Bigla ko nalang tinakpan ang mukha ko gamit ang palad nang tinanggal niya yung belt ng pantalon.
“Huy! Ano bang ginagawa mo?” nagpa panic kung tanong. Hindi pa rin niya ako pinakinggan at ipinatuloy pa rin ang pagtatalon talon habang dahan dahang tinanggal yung pang-ibabang suot. Bakit alam ko? Sumilip ako, hehe.

Goshh! Baka makakita pa ako nang isang milagro dito!

“Raaappiisssssstttttttt” sigaw ko at tumalikod na. Wala pa lang makaka rinig samin dito. Goshh! Ramdam kung hindi pa rin siya tumitigil dahil sa mga ginagawa niyang ingay.

“Gaga—este Lino kalma” wika ko at itinaas ang palad patalikod, syempre nakatalikod pa rin kaya ako sakanya. Gooosshh! Pano ko ba to sasabihin? Wala naman talagang ipis eh! huhuh, hindi ko naman alam na bakla pala ito eh!

“A-ayun oh!” turo ko sa ibang bahagi dito sa storage room “Lumabas na ang ipis, lumayo na” at nag-acting pa ako na tinira ko yung ipis nang aking sapatos.

Narinig ko ang pag buntong hininga niya at pagsira ng pantalon. Goshh! Tinanggal niya talaga yung pantalon dahil lang sa isang ipis sa bulsa na hindi niya naman alam na wala pala.

Undeniable LoveWhere stories live. Discover now