Chapter 3

1 0 0
                                    

Chapter 3: Mean Girls

Liza's Point of View

Ine-explain ko kay mommy yung lahat nang nangyari kagabi pero hindi ko sinabi yung kay gaga! tss! Paano kami nakalabas? Well hindi naka-lock ang pinto at bakit hindi ako agad umalis? Kasi tatawagan ko pa sana si mommy kung nandun pa ba siya sa sinasabi niyang restaurant para sana sa dinner date namin. Pero hindi ko natawagan kasi nagising nga siya—si Gaga.

Naglalakad kaming tatlo papuntang grandstand sa oval,  nai-imagine niyo ba? yung may malalaking hagdan at sa ibaba nun ay oval na ginagamit pag may nagma-marathon! o di kaya yung mga nagba basketball at doon umuupo ang mga manunuod.

“Bakit bigla kang nawala kahapon friend?” tanong ni Katty. Parehong nagtataka yung mukha nilang dalawa habang naghihintay ng aking isasagot.

“K-kasi ahhmmm” ano bang sasabihin ko? Goshh! “Tinawagan ako ni mommy k-kasi umuwi na si dad” patay!

“Pupunta kami sa bahay niyo mamayang hapon!” masayang sabi ni Perry. Aangal na sana ako kaso nagsalita pa si Katty.

“Period”

Sabay na silang naglakad at iniwan akong nag-iisa, char! OA. Tumakbo ako papunta sakanila at pumagitna.

“Alam niyo guys! Nagpapahinga pa si daddy tapos guguluhin niyo? Ang kapal naman ng face niyo” palusot ko.

“Aray nasaktan kami ah” sabi ni Perry at hinawakan ang dibdib niya na parang nasasaktan.

“Sige na nga! Basta magdala ka ng chocolates bukas ah!” parang nagtatampong sabi ni Katty at nag pout pa,cute.

Napatigil kami sa paglalakad nang hinarangan kami ng tatlong babae!

Venice Vergara in the center, leading the group. The most meanest and bully person in this entire school. And also, daughter of the owner of this school. Next to her right is Cassandra Tan, her alipores, tss. And to her left is Kate Sanchez, also her alipores, eww!

“Where are you going?” taas kilay na tanong ng bruhang 'to, che!

“Bakit? Ihahatid mo ba kami?” sarkastikong sabi at sinabayan yung pagkamaldita niya, che! Akala mo ikaw lang magaling!

“And what do you think about Lino?” tanong na naman niya, tss. May interview ba kami dito?

“Why would I think of him?”

“You are together with Lino Acosta yesterday at Storage Room, what are you two doing?”

Naramdaman kong nabigla sina Katty at Perry dahil sa rinig kong pag singhap nila. Hindi nila alam na magkasama kami ni gaga kahapon.

“Cleaning the room, maybe?” Nanlilisik na yung mga mata niya at akmang susugudin na ako nang hinarangan siya ni Superwoman, joke!

“Sinong nagsabi sayong may karapatan kang awayin ang kaibigan ko?” sambit ni Katty habang hinawakan pa rin ang kamay niya. Susugod na din sana yung mga alipores niya nang hinarangan ulit sila ni Perry.

“Get lost bitches” diing sabi ni Perry at tumakbo yung mga babae. Alam ko kung anong itsura ni Perry ngayon, nakakatakot talaga na kahit ako hindi ko kayang makipagsabayan sa kanyang mga tingin.

“Bye! We're going” nakangiti kung sabi kay Venice at iniwan na namin siya. Hindi pa man kami nakakalayo ay tiningnan ko ulit yung pagmumukha niyang hindi maipinta dahil sa inis.

“Have a nice day!” nakangiti ko pa ring sabi at nag salute pa. Yung kaninang mukhang hindi maipinta? ngayon blurd na, hindi na ma klaro! Sabayan pa ng pag sigaw nya dahil sa galit at inis. Tss, Makikipag-away duwag naman.

Aakyat na sana kami sa hagdanan papuntang grand staircase nang harangin ako nilang dalawa.

“Kaya pala nawala ka kahapon kasi tinawagan ka ng mommy mo no?” sarkastik na sabi ni Perry na nakangisi pa.

“Ano bang ginagawa niyo kahapon sa Storage Room ha?” tanong naman ni Katty na parang inis na inis. Patay! Bruha talaga yung Venice na yun.
“Bakit kailangan mo 'tong itago sa'min?” dagdag pa niya.

Itinaas ko ang dalawa kung kamay na parang susuko na ako sa dalawang pulis sa harapan ko.

“Guys, huminahon kayo” pagpapakalma ko sakanila “Alam niyo, kung aakyat tayo at makaupo na sa grand staircase baka maiwasan natin ang varicose disease”

Nagkatinginan sila at bigla nalang humagalpak ng tawa at nagsimula nang umakyat. Sumabay na rin ako sa tawanan nila, dun ko lang na realize yung pinagsasabi ko.

Dito lang kami sa pumwesto sa ibaba ng grandstand kasi nakakapagod nang umakyat sa taas. Nang prenteng maka upo na kami kinuha na namin yung baon at nag pray ng Bless us, O Lord.

“So ano nga nangyari kahapon?” hindi pareho kanina na parang kinontrol ni Perry yung galit niya, ngayon kumalma na ito at pati na din si Katty. Buti nga at ipinanganak akung joker! joke hahaha

“Ano kasi guys, kahapon sa CR napamura ako ng wala sa tamang oras at lugar” simula ko.

“Hindi na naman iba yung pagmura mo” sambit ni Perry habang ngumunguya.

“Ang tanong sino ba kasi yung minura mo?” curious na tanong ni Katty.

“Sam Villamor” sabi ko. Nagtinginan na naman sila at humagalpak ng tawa. Sige tawa lang kayo! Baka mamaya makalimutan niyo nang huminga.

“G-grabe” sambit ni Perry at nag apir pa silang dalawa ni Katty habang tawa pa rin ng tawa at isa pang HABANG hawak nila yung tiyan nila.

Sa aming tatlo lagi nalang ako ang pinagtatawanan, bakit? kasi nakakatawa naman talaga daw ako eh. Yung mga kilos ko daw, yung pinagsasabi ko, tss ewan ko sa dalawang to. Kundi ko lang sila kaibigan baka tinulak ko na to at nang mahulog sa inuupuan nila.

Habang pinagmasdan ko silang nagtatawanan, natawa nalang din ako sa mga tawa at inasta nila. What a perfect friendship for me, walang araw na hindi kami nagtatawanan.

“Tumigil na nga kayo” natatawa kung sabi. Nang maka recover sila nagsalita na si Perry.

“Hindi ko ma-imagine yung mukha ni maam eh”

“Ako rin” sambit naman ni Katty at nag-apir ulit sila.

“Kung bakit kasi hindi pa nag-asawa, ayan tuloy lumaking matandang dalaga at naging bitter pa.” wika ni Perry.

“Kung hindi kasi siya pangit baka nagka boyfriend na siya” natatawang sabi ni Katty

“Oo nga naman tapos pinag-iinitan pa niya yung mga babae, tapos yung mga lalake? lalo na kung gwapo? aba! Asan ang hustisya?” wika ko at nagtawanan nalang kami dahil sa mga aming naiisip at nag apir kaming tatlo.

“Ha-Ha-Ha” rinig naming pekeng tawa ng isang lalaki at pumalakpak pa. Gaga.

Nasa harap na namin si gaga at tiningnan yung dalawa. Tiningnan ko rin ang dalawa–nagugulat ang mga mukha nito na animoy nakakita nang multo. Binaling ko ang tingin sakanya na nakatingin na pala sakin.

Undeniable LoveWhere stories live. Discover now