Chapter II

18 0 0
                                        

(Julius' POV)

"Pre, ano na kasi number niya?" tanong sa akin nug tropa ko na si Alfred.

"Bakit? Para ligawan mo at pag sinagot ka iiwan mo tulad ng mga babaeng pinagtripan mo? Wag na uy." hinihingi niya kasi number ni Nikki. Tss.. naghahanap ba tong lalaking to ng sakit sa katawan?

"Oy! Kelan ko ginawa yun? Stick to one to noh!" sabay batok sa akin. Sakit ah.

"Julius!" lumingon ako at nakita si Nikki sa labas ng club room namin. Pinuntahan ko, nang aakbayan ko na sana biglang may humarang sa akin.

"Hi." sabi ni Alfred kay Nikki habang naka-extend yung right hand niya,

"You must be Ms. Nikki Right?"

Tinaasan ko siya ng kilay at tinignan si Nikki.

"My last name's not Right. It's Nikki Jorgens." tinaasan niya rin ng kilay si Alfred.

"Really? I really thought that you were Ms. Right." sabay ngiti kay Nikki. Anakngpalakangtadpole. Akin yan pre. Baka gusto mong mabasagan ng bungo!

Tinignan ko si Nikki at nakita siyang nag-blush ng konti at naka-smile. Ouch!

Nangawit na ata si Alfred at binaba na yung kamay niya.

"Anong pangalan mo?" Oh God. Tinanong pa ni Nikki pangalan niya.

Nginitian siya ni Alfred, "Alfred Drenal."

"Ah. Sige, una na kami ah." singit ko nalang sa kanila at hinigit na palayo si Nikki.

"Ano problema mo?" tanong ni Nikki sa akin. Nandito na kami sa bahay ko. Dito sa living room laro muna ng Smackdown sa Ps3 ko.

"Ha?" tanong ko sa kanya.

"Kanina kasi. Bigla mo akong nilayo kay Alfred. Nalimutan mo na ba yung sinabi ko sayo dati?" sabi niya sa akin. Anong sinabi niya sa akin?

"Anong sinabi mo?" pinause ko yung game at tinignan siya. Kumuha siya ng unan at hinampas sa akin.

"Anong klaseng bestfriend ka? Badtrip to ah.." sabay resume niya sa game.

"Ano nga yun?" pinause ko ulit yung game.

"Ano ba? Wag ka magulo! Natatalo ko na si Triple H eh!" sabay resume ulit sa game. 

"Sabihin mo muna kasi. Makakapaghintay naman si Triple H eh.." sabay pause ko ulit sa game.

"Fine! Naalala mo ba nung JS prom two years ago? Yung nagsayaw sa akin?" tanong niya sa akin.

"Ang naaalala ko lang kasi ako yung sinayaw mo eh.. Tapos--" napaisip ako bigla.

Alfred two years ago...

Alfred two years ago?

Yung Alfred na sinabi niya sa akin na sumayaw sa kanya at kinantahan nung prom two years ago. Ang Alfred na halos bingihin niya na sa pagsasabi sa akin na... Mahal niya...?

"You mean.. Hanggang ngayon gusto mo pa siya?" tanong ko sa kanya.

"Oo naman. After two years di pa rin nagbago yun! Ang gwapo niya! San kaya siya nag-aral ng first year? Secong year nalang siya nag-enroll dito. Maalam nga kung anong section niya." sabay play niya ulit sa game.

Tinitigan ko nalang siya.

Kailangan kong gumawa ng paraan para di makapaglapit ng landas tong dalawang to. Alam kong sasaktan lang siya ni Alfred. Ngayong buwan lang eh nakaka-limang babae na yan, dalawa dun ang pinagsabay niya. 

(Nikki's POV)

Hmm...

Ang tahimik. Ang boring...

"Huy!" pinoke ko si Julius. Nilingon niya ako.

"Bakit?" parang babaeng may period naman to kung makasagot.

"Di mo ko pinapansin eh. Lonely na ako dito." sabay puppydog face sa kanya.

"Mukhang di mo naman kailangan ng pansin eh. Wag ka nga magulo. Kita mong nakakadugo na nga ng ilong para sa akin nitong question na toh eh. Palibhasa tapos ka na"

Nga pala. Nag-quiz kami ngayon sa Math. Di niya ma gets >:) 

Kanina pa ako natapos eh. Yung teacher naman di kinokolekta ang papel ng mga tapos at busy sa pagchismisan sa ibang teacher sa labas ng room.

"Eeeekk!!" napasigaw ako at inangat ang paa ko sa chair ko. May ipis kasi sa lapag eh. I know. Ang arte ko naman right? In my defense, it's legs shouldn't really look like that.

"Wag ka nga maingay! Parang ipis lang eh." sabi sa akin ni Julius nung tinapakan niya yung ipis at sinipa papalabas ng room. Pwede naman walisin diba?

"Ms. Jorgens. What with all the ruckus?" pumasok si Ma'am nang marinig ang OA na sigaw ko. Whoa, lalim ah.. 'Ruckus'?

"Nothing ma'am. I was just--umm-- scared. There was a cockroach on the floor." nag-isip pa ako ng mas magandang term para sa 'Takot" eh.. Yung kayang tapatan ang 'Ruckus'.

"Have you finished your quiz?" tanong naman niya sa akin.

"Yes, Ma'am" inabot ko sa kanya yung quiz ko, pinalabas niya na ako ng classroom. Last subject namin ang math kaya pwede nang umuwi kapag malapit nang matapos ang time at natapos ka sa pinapagawa ng teacher. 

Bumalik na ako sa upuan ko para kunin ang gamit ko. Tinignan ko si Julius.

"Psst. Hintayin na lang kita sa labas ah." tawag ko sa kanya.

"Una ka na. May pupuntahan pa ako ee." what? 

"Sama na lang pala ako sa'yo. Ayoko umuwi mag-isa." sabi ko sa kanya.

"Umuwi ka na, Nikki." pinapaalis niya ako. Fine.

"Tutal ayaw mo naman sabihin sa akin kung anong nangyayari sa'yo. Fine. Pakasaya ka sa pupuntahan mo." kanina pa yang lalaking yan ah. Kanina pa ako inii-snob. Nakakabanas ah..

Pumunta nalang ako sa locker ko. Nung binuksan ko to, may nalaglag na papel. Pinulot ko at binasa:

'Hi, Nikki.  I'll keep sending you letters for this month and some containing clues on who I am.. In the meantime,  just refer to me as a secret admirer.  If you figure out my identity by the end of the month. Will you go out with me?'

Say what?

The NoteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon