Chapter III

17 0 0
                                    

(Nikki's POV)

Dafuq?

Loveletter ba to? *Smack* sinampal ko sarili ko. Chineck ko lang at baka nananaginip ako. I'm not...

Binasa ko ulit, 'Will you go out with me?'

Sabay tingin ng deretso. Tingin ulit sa letter, 'Will you go out with me?'

Mother of God...

Two possibilities: (One) May nagtitrip sa akin. (Two) May taong nage-expect na sagutin ko siya by the end of the Month. At kung meron man, sino namang tanga ang liligawan ako?

Ano ka ba naman Nikki? Wala namang magkakagusto sayo eh. Wala namang baliw na lalakeng magpapakatanga para sa akin... right?

Oh, Gosh!!! Sino ba siya?!

Sinarado ko ang locker ko at inumpog ang ulo ko dun.. ng tatlong beses.. ng malakas..

Joke lang! Ano ako? Baliw?

Naglakad ako papuntang school gate nang may humarang sa akin. Nakatingin ako sa lapag kaya di ko siya nakita at nabunggo ko siya. Napaupo ako dun sa semento ng school ground at nalaglag yung mga books na hawak ko. 

"Sorry.." sabi ko dun sa lalake na parang wala ako sa sarili ko. Pinulot ko na lang yung mga libro ko.

Tumawa siya.. yung chuckle ba? "No worries.." tapos lumuhod siya at pinulot yung libro na nasa may paanan niya. Inabot niya yung kamay niya sa akin.

"Need help?" si Alfred pala to..

"Sure." inabot ko yung kamay niya at tinayo niya ako. Pinagpag ko yung skirt ko at kinuha yung libro ko sa kanya.

 "Thanks."

"I don't accept the word 'Thanks' as a sign of gratitude." sabi niya. Anu daw?

"Ano pala gusto mo?" tanong ko sa kanya at tinaasan siya ng kilay.

"Date." sabi niya. Date lang pala hinihingi nit-- ANO?!

"What?!" sabi ko sa kanya. Siya kaya yung nag-send sa akin nung letter na yun. Hmm... posible.

"I said, gusto ko ng date." sabi niya.

"Ah. May kakilala ako, baka type ka."

Tumawa siya. Chuckle ulit, "Ang ibig kong sabihin is date kasama ka." 

"Why me?" tinaasan ko siya ng kilay.

"Parang di mo pa nakuha yung message na gusto kong ipahatid nung kinantahan kita nung prom ah. Gusto mo ulitin ko yun this year?" Oh, God no. Naaalala niya pa yun?

"Pano mo naman uulitin, ha? College na tayo, bro. Walan-- Oh, God.." naalala ko bigla. May dance kami this year, by the end of the month. Posible nga kayang siya yung naglagay ng letter sa locker ko?

"Oo na. Date na. Wag mo lang ulitin yung ginawa mong yun!" sabi ko sa kanya.

"Okay. I'll pick you up tomorrow. 8 am. Dun pa rin kayo nakatira, right?" di ko namalayan na tumango ako dun sa sagot niya.

Loading...

Loading...

Loading...

Loading Complete.

May date ako bukas?! Wait. Ano bang araw ngayon. Tinignan ko yung watch ko. 'Fri'.

Nagmadali akong umuwi, pagkapasok ko ng front door namin tumakbo ako papunta ng kwarto ko.

"Anak, di ka ba kakai--" naputol yung sinasabi ng nanay ko nang sinabi kong, "MAMAYA NA MA!"

Sinarado ko yung pinto ko at tumakbo papunta sa closet ko.

"Ano naman kaya susuotin ko?" sabi ko habang nagtitingin ng magandang damit habang nakatingin sa salamin.

Bukas na nga lang! Bumaba na ako para kumain. Pagkatapos, umakyat ulit ako at sumalampak sa kama ko. Di ko namalayan nakatulog na pala ako.

(6am)

Sa sobrang excitement ko, nagising ako nang gantong oras. Bumaba ako at kumain ng cereal, tulog pa sila mama ee.. wala pang breakfast.

Tumingin ako sa relo. '7:00 AM' Makaligo na nga.

After maligo nag-sort out pa rin ako so closet ko kung anong susuotin ko.. bahala na nga si Batman.

Nag settle ako sa swag look. Involving: Jean shorts, converse shoes na white and low cut, top na color maroon na may nakasulat na, "Everyone is entitled to be 'Stupid' But your abusing the privelege", cardigan na white at Hipster glasses na kulay black.

Style for my hair:(Hindi yan mawawala siyempre) since mahaba yung buhok ko, konting kulot ko lang sa dulo cute nang tingnan(ako na nagbuhat ng sariling bangko xD) Inayos ko nalang yung full cut bangs ko. Nagpulbo at nag lipbalm(I have chappy lips!)

Tinignan ko yung oras, '7:20 AM' What the? ganun ba ako kabilis kumilos? Oh well.. nuod nalang ako ng spongebob.

*DingDong*

May tao? Natural... -__-

Pinuntahan ko yung pinto. Sure naman akong hindi si Alfred yun. 7:30 palang e.

Binuksan ko at nakita si Julius. Tinignan niya ako from head to toe.

"May gala ka?" tanong niya sa akin.

"Ba't ka nandito?" tanong ko sa kanya nang hindi ko pinansin yung tanong niya.

"Usapan to diba? Every saturday pupunta ako sa inyo." Crap! Nga pala!

"Ah, eh. Pwede next saturday nalang? May pupuntahan pa kasi ako ee.." sagot ko nalang sa kanya.

"Bakit may date ka? Sus.. Sino naman kayang lalake ang aayain kang mag-date?" pumasok siya ng parang pagmamayari niya tong bahay namin.

Tinitigan ko lang siya. Tinignan niya ako.

"Di nga?" tinignan niya ako with a confused look.

"Oo, Julius. May date ako ngayon. Kaya next week ka nalang pumunta dito."

(Julius' POV)

May date siya?...

The NoteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon