Chapter IV

7 0 0
                                    

(Julius' POV)

May date siya?

No.. Hindi to pwede.. 

Sino ka-date niya??

"Sino namang lalaki na nasa matinong pag-iisip na aayain kang magdate? Aray! Ano ba? Makapambatok lang?" sakit nun ah.

"Makapanglait naman kasi! At oo may lalaking nag-ayang makipag-date sa akin. Tanungin mo sakin kung sino. Dali! Dali!" sus.. tatanungin ko pa e, alam ko na sasabihin niya rin naman sa akin yan.

"Sino?"

"Si Alfred!!" patili niyang sigaw sa akin.

"Ano ba?! Konti nalang mabasag ang eardrums ko sa'yo eh!" 

*Dingdong

 Pinuntahan ni Nikki yung pinto at pagkabukas niya... si Alfred na yun.

"Wao. Reading ready ka na ah." sabi ni Alfred habang tinitignan niya mula ulo hanggang paa si Nikki. Dukutin ko mata niyan eh.

"Sige, tara na Alfred. Next week nalang Julius ah. Babye!" ayun. Umalis na nga sila. 

Hmm...

Masundan nga >:)

Sumakay sila sa  kotse nung Alfred. Ayos! May driver pa nga siya! Psh... Rich kid.

Sumakay ako sa bike ko.. Mahirap lang kame eh >:D

Pumarada yung kotse sa parking lot ng EK.. Lumabas si Al-- Teka!! Sino yan?? Potek! Maling kotse pa ang nasundan ko!! Asan-- Ayun!!

Nakita ko sila na papasok na sa loob ng EK. Bumili nalang rin ako ng ticket at pumasok.. Huhu.. Goodbye allowance!

(Alfred's POV)

Yes! May date kami ngayon ni Nikki!! Haay.. Sarap na koleksiyon nito sa-- Oops.. hehe.. Almost slipped >:P

Anyway, nakasakay kami ngayon sa Space Shuttle. And-- OH MY GOD!! Ang taas!! Shet! And bakla ko!! Pero kailangan kong maging matibay, ginusto kong idagdag si Nikki sa-- Oopss! Muntik nanamaAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAANNNN!!! Waah!! Ang taas!! NAHIHILO AKO!!

Pagkababa namin mula sa ride, hinanap ko yung pinakamalapit na upuan at umupo na ako..

"Huy, Alfred. Ayos kalang??" umupo sa tabi ko si Nikki. Sinandal ko yung ulo ko sa balikat niya.

"Gusto mo ng tubig?" tanong sa akin ni Nikki, wala akong energy.. Tumango nalang ako at pumunta na nga siya sa store at bumili ng tubig.

(Julius' POV)

Bwahahahahaha!! Ibang klase lang makasigaw tong si Alfred ah!! Ang bakla naman nun! Parang Space Shuttle lang eh! Bwahahahaha!!

Nandito ako ngayon sa loob ng Ice Monster at lumalantak ng fruit salad. Sulitin ko na yung baon ko! Kitang kita ko mula dito yung dalawa, well, isa. Umalis si Nikki eh. May bibilin siguro. Nilabas ko yung si Alfred pero sa malayo lang, nilabas niya kasi yung cellphone niya eh. May tatawagan, makichismis nga.

"Oh, ano na?-- Sabi mo pag inayako siyang mag-date ibibigay mo na sakin yun-- Ha?!-- Bakit naman may ganun pa?-- Gusto-- Di ko magagawa yan Mika!-- Alam mo namang hindi ko kaya yun! Di ako katulad ng mga ex mo!-- Hello?. Putcha binabaan pa ako!" Napatalon ako nang ibato niya sa lapag yung iPhone4s niya.. Waah! Sana binigay mo nalang sakin! Tropa tayo diba? 

Bumalik na si Nikki na may dalang tubig, naririnig ko parin yung conversation nila,

"Oh, Ba't may basag na cellphone dito?" tanong ni Nikki kay Alfred.

"Nalaglag nung bata kanina. Di nga alam nung nanay na nalaglag niya eh, ewan ko nalang pag-uwi nila. Haha." laking sinungaling ng asugot na to ah.

"Oh--kay. Tara! Dun naman tayo sa roller coaster!" hinila siya ni Nikki. Bwahaha, biglang namutla yung Alfred! Sinundan ko nalang sila.

Pagkababa nila mula sa rollercoaster natawa ako sa mukha ni Alfred. Mukhang nasusuka na e--

Ayun! Sumuka na nga!

Sa sapatos pa ni Nikki!

"Sh*t! Una sasabihin mo sa akin na pumunta tayo ng motel tapos ito?!" sigaw ni Nikki. Nanlaki mata ko nung bigla niyang sampalin si Alfred at nilayasan. Woo!! Go Nikki! Teka motel?? Anakngpalakangtadpole!

Umalis si Nikki mula sa Enchanted at sinundan ko siya. Syempre kasama ang pinakamamahal kong bike!

Sinabayan ko nang bilis ng takbo nung bike yung sa lakad niya. Tinignan niya ako, umiiyak siya?

"Anong problema?" tanong ko sa kanya at bumaba ako sa bike ko.

"Julius..." humihikbi niya tawag sakin. Niyakap ko siya.

"Wag mo nang pansinin yun.. Kung ano mang ginawa sa'yo nung Alfred na yun. Gusto mo upakan ko yun dahil sinukahan ka?" sabi ko habang hinihimas yung likod niya.

"Ha?! Nakita mo yun?! Teka, bakit ka nga pala nandito? Sinundan mo kami noh?! Walanghiya ka talaga!" kumalas siya sa pagkakayakap sa akin at pinaghahampas ako. Pero-- mukhang di naman yun yung pagsunod ko sakanila yung dahilan kung bakit niya ako hinahampas eh. 

Hinawakan ko yung magkabilang wrist niya para tumigil siya sa kahahampas sa akin at hinarap ko siya sa akin. Umiwas siya habang pinipigilan yung paghagulgol niya.

"Ano bang problema?"

"Uwi mo na ako Julius..." umiling ako.

"Hindi. Hangga't di mo sinasabi sa akin kung bakit ka umiiyak, hindi tayo uuwi."

Kinagat niya yung labi niya, naghahanap siguro ng words na masasabi niya sa akin. 

Antagal ah...

"Huy--"

"Bago yung sapatos ko at sinukahan niya!!" 

o_o? wat? dahil lang dun? Eh, narinig ko may motel na involved ah.

"Eh, ano yung sinasabi mong motel?" tanong ko sakanya.

"Aha! So sinusundan mo nga kami! Ikaw nga yung kumakain nung fruit salad sa ice monster!" tinuro niya ako.

Kahit nakakatawa yung pinagsasabi niya, ibang-iba naman yung expression ng mukha niya. 

"Nikki. Bestfriend mo ako. You have to do better than that." Ayun, niyakap niya ako at humagulgol siya ng iyak. Hinimas ko yung ulo niya.

"Tara uwi na kita"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 04, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The NoteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon