Chapter I

16 0 0
                                        

Nikki Jorgens here. 16 years of age. Freshman in college. Hindi na ako mag-eenglish at baka kailanganin niyo ng isang box ng tissues at mag-ala waterfall ang ilong niyo sa dugong tutulo.

Eto lang ako. Super bored sa klase habang nagdi-discuss and teacher tungkol sa poem na pag-aaralan namin over the weekend.

"Psst! Nikki.." may sumitsit sa likod ko. Nilingon ko. Sus.. Si Julius lang pala.

"Anong kailangan mo?" bulong ko sa kanya.

"May ballpen ka?" tanong niya naman.

"Tss.. estudyante ka ba talaga? Wala ka na ngang libro at kinuha mo na ang akin, pati ballpen ko papakyawin mo pa?" inis kong sagot sa kanya.

"Dali na. Di mo naman ginagamit ee.." sagot niya. Sa bagay. Di ko nga naman ginagamit.

"Tch.. Ibalik mo ah.. Gisingin mo na lang ako kung tapos na yung discussion." inabot ko yung ballpen ko at sumalampak sa desk ko.

Si Julius Scott nga pala ay bestfriend ko simula pa nung grade 6, so.. Two years ago? Burara sa gamit kaya laging naghihiram sa akin. Subukan niya lang iwala ang gamit ko. Magkakasalubong ang mukha niya at ang semento.

Zzz..

*Whack!*

Ouch! Ano ba naman yun?!

Nagising ako at inangat ang ulo ko at hinimas ito.. Paluin ba naman ng ruler?

"Ms. Jorgens. What did you think about the poem?" sinabi sa akin ng teacher kong tinulugan ko lang habang nagle-lesson siya. Hmm.. Tumayo ako at nag-explain sa kung ano lang ang naintindihan ko.

"Hmm.. Very good, Ms. Jorgens. But next time, please pay more attention." sabay naglakbay na ulit ang teacher habang dinedescribe kung ano ang kulay ng kurtina dun sa poem. Kulay blue lang naman. Ang dami pang sinasabing tungkol sa kapayapaan..

"Psst." may sumitsit sa likod ko at bumato ng papel na naka tupi. Sinilip ko kung sino yung bumato. Wala namang dumungaw at nagsinabi sa akin na buksan iyon.

Binuksan ko na lang. 

"Engot mo.." bulong ko habang binabasa yung nasa papel. Tinignan ko sa likod kung may nakasulat. May nakalagay sa bandang baba: "Burara naman ako. Sori, nawala yung ballpen mo."

Tinignan ko si Julius kasi siya lang naman ang pinahihiram ko ng ballpen. Nakatago siya sa likod nung nasa harapan niya. Hayy. Mamaya to sakin.

*RIIIINNNNGGG!!*

"Ano ka ba?! Nakakailang bili na ako ng ballpen ha?!" sigaw ko kay Julius habang palabas kami ng classroom.

"Eh, kasi naman gumulong siya tapos nalaglag mula sa desk ko. Nung yumuko ako para pulutin bigla nalang nawala." paliwanag niya naman sa akin.

"Che.. Bilan mo ako ng bagong ballpen!" sabay hampas sa braso niya.

"Oo na. Parang ballpen lang eh, sasaktan mo na ako? msmhlgpbuskn?" 

"Ano sabi mo?" di ko kasi narinig yung huling sinabi niya kasi binulong niya lang sa sarili niya.

"Wala. Tara na nga." sabay akbay sa akin papalabas ng school gate.

(Julius' POV)

"Eh, kasi naman gumulong siya tapos nalaglag mula sa desk ko. Nung yumuko ako para pulutin bigla nalang nawala." paliwanag ko sa kanya.

"Che.. Bilan mo ako ng bagong ballpen!" sabay hampas niya sa braso ko.

"Oo na. Parang ballpen lang eh, sasaktan mo na ako? Mas mahalaga ba sa akin yun?" binulong ko yung huling sinabi ko sa sarili ko. 

"Ano sabi mo?" tanong niya sa akin habang nilapit ang mukha niya sa mukha ko. Shet.

"Wala. Tara na nga." sabay akbay sa kanya papalabas ng school gate. Sana naman di niya halata yung pamumula ng mukha ko.

"Hoy. Ano ba?" bumibitiw siya sa pagka-akbay ko sa kanya. Di naman siya makatakas.

"Tch.. Parang aakbayan lang eh.. Para namang pagkakamalan tayo.." sabi ko sa kanya. Pero sana nga. Shet ang bading.

"Ewan ko sa'yo. Bitiwan mo nga ako." sabi niya sa akin habang nakapila sa Mcdo. Haha. Bilis no?

"Bigyan mo muna ako ng dahilan para bitiwan kita." sabi ko sa kanya habang hinihigpitan ang pagkaka-akbay sa kanya.

"Iihi ako! Sige. Gusto mo ata sumama sa ladies room ee.. Tara. Game!" sabay nitaw ko sa kanya nung hinatak niya ako papuntang Cr ng mga babae.

"Oh? Ano ka ngayon?" binelatan pa ako at pumasok na sa cr. Tch.. No fun..

Inorderan ko nalang siya ng favorite niyang chicken burger w/ Mcfloat may kasama pang sundae. Glutton yun ee.. Umorder na lang ako ng Mc float para sa sarili ko. 

Binayaran ko na at humanap ng upuan. Iisa na lang yung vacant. Yung sa may bandang window na pag-dalawahan lang? Tch.. No choice

Lumabas si Nikki sa may cr at pumunta na sa table namin. Kinuha niya yung burger at nilantakan na lang basta.

"Makasagpang naman to ng burger kala mo di kumain ng ilang araw. Oh, mabilaukan ka naman." sabay tapat sa kanya nung Mcfloat niya.

"Wala ka na dun. Eh sa gutom ako ee.. Umm.. Bakit yan lang inorder mo?" tinignan niya yung iniinom kong mcfloat.

"Tagtipid ako ngayon ee.." sagot ko nalang sa kanya habang ginamit yung straw na pangutsara nung ice cream.

"Tch.. Tapos may pambili ka ng burger para sa akin?" tinaasan niya ako ng kilay, "Oh" sabay tutok niya nung burger sa bibig ko.

"Bakit?" tanong ko sa kanya habang tinititigan lang yung burger na nasa harap ko.

"Share na lang tayo. Nakakahiya naman ako lang yung kumakain ee. Pera mo naman to." nginitian ko nalang siya. Hinawakan ko yung kamay niya na may hawak nung burger at kinagat.

"Haha.. May mayo ka sa labi mo." tinuro niya yung labi niya. Pinunasan ko yung akin.

"Hindi.. Umm.. Yan" kumuha siya ng tissue at pinunasan yung labi ko.

"Tignan mo yun oh! Ang sweet nila!" sigaw nung mga babae na nasa kabilang table.

"Ang gwapo nung guy! Sila kaya?" tapik naman nung kasama niya sa kanya.

Napansin kong biglang yumuko si Nikki at nilantakan naman yung sundae niya. Naubos niya na pala yung burger. Tss... glutton talaga.

"Oy.. Penge rin niyan." sabi ko sa kanya.

"Oh." inabot niya yung buong baso ng sundae.

"Ayoko. Gusto ko subuan mo ako." sabi ko sa kanya. Bigla niya naman inangat yung ulo niya at tinignan ako ng masama.

"Nakakarami ka na ah. Last na to." sabay kuha niya dun sa baso at nag-scoop nung ice cream at sinubo sa akin. Yun naman oh! :D

"Tara na nga. Ang daming nakatingin sa atin ee.." pag-aaya ni Nikki sa akin.

"Sige na nga. Hatid na kita." tumayo na ako. Tumayo na rin naman siya.

Nang makarating kami sa gate nila bigla siyang nagsalita.

"Yung ballpen ko ah?" biglang niyakap ako, "Sige. Ingat sa pag-uwi" sabay ngiti sa akin. Yung smile niya na nakapaghulog ng loob ko sa kanya.

"Sige. Pasok ka na." pumasok na nga siya. Tss.. Ballpen niya pa rin.. Pwede bang ako naman ang isipin niya?

Ano nga naman ang ineexpect ko? Isa lang naman akong hamak na best friend..

The NoteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon