{The PAST Story of Eunji and Paul}p2.

34 3 1
                                    

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~AUTHOR’S POV~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~ 

 Kinabukasan maagang pumasok si Paul.. bakit?? Trip niya lang…. dahil maaga dumadating si Eunji nabigla siya nang Makita niya si Paul…

 

“ Ang aga ko noh..” sabi ni Paul kay Eunji… tumango tango lang si Eunji at umupo na sa upuan niya…

Pag kaupo ni Eunji tinanong na niya yung sagot ni Paul..

“uhhmm.. Paul ano na???” mahinang sabi ni Eunji kay Paul….

“ Anong ano na???” sabi namn ni Paul kay Eunji…

“ ano nang sagot mo sa tanong ko????” mahina paring sabi ni Eunji kay Paul…

“Ahh yun!! Hindi, Ayaw ko…” matigas namng sabi ni Paul kay Eunji…

“bakit???” malungkot  na sabi ni Eunji…

“ bakit??? Hindi mo ba alam…. Masakit din yung mga sinulat mo dun sa booklet ahh…. Sige nga ikaw matapos kang sabihan nang sobrang ingay mo.. , para kang babae kung kumatak.., sobrang landi mo..,grabeh ka kung mangbulabog nang buhay.., ang liit mo namn..,sobrang tamad mong magaral…anong klaseng tao ka… sa tingin mo gusto ko pang makipag kaibigan sayo??? Tandaan mo toh.. lahat nang pagiingay at pagkakatak ko dito ay para sayo…. Sadyang bulag ka lang talaga kaya di mo nakikita…” sabi ni Paul kay Eunji at tumayo na sa pagkakaupo….

 

Akma na sanang umalis si Paul kaso pinigilan siya nang mga kamay ni Eunji….

 

“ alam mo bang sa lahat nang estudyante dito ikaw lang ang kinakausap ko…. Alam mo bang ikaw lang ang may gustong tumabi sakin… alam mo bang ikaw lang ang kumakausap sakin nang ganito… alam mo bang sayo ko lang naramdaman yung magalit nang todo, yung mainis, yung maubusan nang pasensya… dahil sayo kaya naranasan ko yun… may gusto lang namn kase akong sabihin kapag naging magkaibigan na tayo ehhh… gusto ko lang sanang magpasalamat… kahit na kung ano anong panglalait yung sinabi ko sayo dun, sa huli gusto parin kitang pasalamatan sa pagiging sobrang ingay mo, sa pagiging sobrang makatak mo, sa pagiging sobrang landi at sa lahat….” Unti unting tumulo ang mga luha nang dalaga habang nakakapit parin ang kamay sa binata…. Humarap namn ang binata sa dalaga at niyakap ito nang mahigpit….

 

“sa totoo lang ayaw ko kaseng maging kaibigan ka ehhh…. Gusto kong maging akin ka…. Gusto kong maging Masaya kasama mo…. Gusto kong ipakita sayo ang totoong mundo..” sabi nang binata sa dalaga habang hinigpitan pa ang yakap nito….

Kumalas namn sa pagkakayakap ang dalaga at tinulak ang binata….

“ang bata bata mo pa…. “ sabi nang dalaga sa binata na napaupo sa sahig…

“pero….. kaya mo ba akong hintayin???” tuloy na sabi nang dalaga….. tumayo namn sa pagkakaupo ang binata at niyakap ulit ang dalaga….

“oo namn…kahit gano pa katagal yan… kahit na pumuti na yung buhok ko hihintayin parin kita…at hinding hindi kita iiwan” sabi nang binata habang nakangisi…..

“promise???” sabi nang dalaga…

“promise….” Sagot namn pabalik nang binata….

 

Simula nun nagkaroon na nang pakielam sa sarili si Eunji…. Nagaayos na siya ngayon nang sarili niya… hindi narin siya ganon kababad sa pagaaral… alam na niyang ienjoy ang buhay simula nung nakasama niya si Paul…

DON'T JUST SAY "GOODBYE"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon