Chapter 26- The accident part1

26 1 0
                                    

Ron's POV

Epic day is Epic. Di ko aakalain na sasagutin talaga ako ng Yes ni Angel. Iniwan na kami ng barkada at nandito kami ngayon sa dining table. Infront of me is my Ex Girlfriend. Infront of me is my Fiancee'

Ron: I can't believe that na naabot ko na ang pangarap ko ang makasama ka habang buhay.

Angel: Ikaw lang ba ang gulat na gulat pa rin ngayon? Eh ako kanina akala ko nabudol budol na ako. Then I realize na i'm on my way to Romance

Ron: I love you baby!

Angel: I love you too.

Yung feeling na parang kakasagot lang ulit sa akin. Parang dalawang taon ko siya niligawan tapos ngayon lang niya ako sinagot. Bumabalik pa rin sa alaala ko yung nililigawan ko pa lang siya.

Kumain na kami ng pinaset ko na food. After nun ay may fireworks display. Mahal kaya bayad ko dyan -.- pero syempre gagastos ako ng malaki para sa taong mahal ko.

11pm na pala. Hahaid ko na siya sa kanila.

Kahit labag sa loob ko na malayo sa kanay kahit saglit, Kailangan ko pa rin iuwi to baka may mangyari pag di ko mauwi to eh.

ANGEL's POV

Wait sasampalin ko na sarili ko kasi baka all this time nanaginip lang ako

*pak*

ARAY!!! oo na gising na nga ako. Kasalukuyan kong tinitignan ang sinsing na binigay niya saken SHET ENGAGED NA NGA KAMI!

Sammy: Baka gusto mong magpatulog?

Hay eto nanaman ang masungit ni Sammy

Ara: hayaan mo na kinikilig eh parang di ka kinilig kanina sam sa kanilang dalawa ha

Joyce: Halos maihi ka pa nga eh

Nakakatawa naman tong mga to teka parang kulang.

Angel: Asan si Yani at Janine?

Joyce: Kasama nila Kc malamang

Tanga ka talaga Angel syempre magkasama yung dalawang yun.

*BUZZ*

*BUZZ*

Text from Kc

Gising pa kayo?

Ano nanaman problema neto?

*Oo bakit*

Punta kayo sa park ngayon na. Mamaya na lang namin ieexplain. Paki sabi na rin sa mga boys

Hala. Bigla akong nakaramdam ng kaba

Angel: Guys punta daw tayo ng park sabi ni Kc mukhang importante ata

Sammy: Ano ba yan sa kalagitnaan ng gabi?

Joyce: Hay nako sige na tara na!

Agad naman kaming naghilamos at nagbihis.

--

Nandito na kami sa park ngayon. nakita ko yung Apat nasa may swing

Kc: O bat nandito kayo?

Angel: HOY KC ANO BANG PROBLEMA MO BAKIT MO KAMI PINAPUNTA!

Chevin: Kalagitnaan na kaya ng gabi tapos bigla kayong nagtetext

Kc: What? Di ko kaya kayo tinext.

Sammy: Hoy wag kang magbiro ng ganyan ha. Inaantok na kaya ako!

Kc: Wait di ko kayo tinext. Nawala yung phone ko kanina sa proposal neto ni Ron

Alvin: Oo nga kanina pa walang hawak na phone yan eh

Life's RoadtripTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon