Pagka impake ni Chevin ng gamit ay dumeretso na siya agad sa Airport. Habang ang buong barkada ay napaghdesisyunan na rin na umuwi at nag isip isip.
Nico: Siguro Ok na rin na kinuha siya ng mommy niya kasi atleast dun magagamot siya.
Angel: Oo nga para naman mapabilis ang paggaling ni Yani dun.
Kc: Kakabalik lang niya diba tapos kukunin naman siya agad saken.
Raz: Chong intindihin muna natin ang kalagayan niya dba ikaw din naman gusto mo siya gumaling.
Kc: Pero gusto ko kasama niya ako sa bawat yugto ng buhay niya. Kaialngan lagi niya akong kasama.
Janine: Alam mo nagiging selfish ka na. Sa tingin mo ba sinadya niya lahat ng to? Kc, habang nasa new york kami, iniisip namin na wag ng bumalik kaso pinilit kami ni Yani dahil inisip ka niya inisip niya ang barkada inisip niya rin si Alvin kahit na wala na kaming balikan at least sinubukan namin bumalik sa barkada. Gusto niya makumpleto tayo. Nung nasa new york kami halos hindi na siya atakahin sa puso nun. Wala kaming problema kahit na ang bibigat ng mga trabaho namin mas pinili pa rin namin na bumalik dahil inaalala niya kayo, tayo. Tapos ngayon ayaw mo pa rin siya bitawan, i mean ayaw mo muna siya hayaan na kunin ng mga magulang niya. Para din naman sa kapakanan niya yun eh. Kahit minsan lang naman Kc isipin mo naman si Yani yung ikabubuti niya.
Lumabas si Janine at nabalot ng katahimikan ang buong bahay. Naisipan naman ni Yom na sundan si janine sa labas.
Yom: Masyadong ka namang galit.
Janine: nakakainis kasi eh. Biruin mo yun nagiging selfish na siya. Oo alam ko na ayaw na niya ulit mawala si yani sa tabi niya pero kahit ngayon lang sana intindihin naman niya. piro pasakit na lang ang binibigay ni Kc kay yani eh.
Yom; Napansin ko rin yun. Naawa na nga rin ako kay yani eh kasi kahit dati, nung hindi pa sila lahat ginagawa ni Yani opara kay Kc. Hanggang sa naging sila. Oo may effort naman si kc. Sa pagaalaga sa pagmamahal. Lahat naman tayo nakikita yun. Pero mas higit pa rin ang pagmamahal ni Yani kay kc. Biruin mo, para dun sa bata, kaya niyang isakripisyo si Kc magkaroon lang ng Ama yung bata.
Janine: Kahit naman nung mga bata pa kami, ganyan na tlaga yan si yani pagdating sa mga bata. Sobrang maalaga. kaya siguro yan si Kc nasanay na may nag ba-baby sa kanya.
Yom: Wag ka na nga dyan mastress. Nasisira yung beauty mo.
Janine: hahahaha ikaw talaga Yom. Maiba nga pala, nasaan si Chevin.
Yom: sinundan si yani.
Janine: Alam mo kung nasaan sila?
Yom: Aa......ee............ano.......
Janine: Hoy asan nga sila.
Yom; wag ka ngang maingay pwede!
janine: Ay sorry. O asan ba kasi sila.
Yom: Tinawagan daw siya ng kapatid ni yani eh. Pupunta daw ng canada. Gusto mo sundan natin?
Janine: Reka may kapatid si yani?
Yom: Stepbrother daw. nagulat nga rin ako eh.
Janine: Osige mamaya pag tulog na lahat dun tayo aalis. Ayoko ng maraming tanong galing sa kanila.
Yom: Yes aalis na rin ako kasama kayo!
Janine: hoy ano ba baka marinig ka.
Yom: Ay sorry. nadala lang kasi naman eh nung umalis kayo, kayong tatlo lang rin.
Janine: Sorry naman ha biglaan lang din kasi yun ngayon makakasama ka na kasi ikaw lang naman may alam ng sikreto naming tatlo. So ngayon apat na tayo. hahaah
BINABASA MO ANG
Life's Roadtrip
RomanceBarkadang walang iwanan at kayang gawin ang lahat para lang sa lahat at para sa taong minamahal. Barkadang sinusubok ng panahon sa pagagos ng kwento ng kanilang buhay