Chapter 1: Kamalasan

4 0 0
                                    

Reiyan's POV

Mataas at matuwid na nakalugay ang buhok ko, maputi, matangos ang ilong at may bilog na kulay asul ang mata ko. Lage akong nakalong pants o jeans kapag may lakad. Plain lang naman ako manamit as in plain talaga na lahat tshirt ko puro plain black, plain white, plain blue, plain yellow at halos lahat na siguro na plain tshirts. Ang disenyo lang nito ay kundi v-neck o di kaya ay round neck . Kaya nga panay kanchaw sila sakin na miss plain. Oh wala na akong pake nun. Ou naniniwala kasi ako sa simplicity is beauty eh pero wala akong pake kung beauty ba talaga. Maganda nga ako kung iimagine nyu yong description ng mukha ko pero wala akong arte as in wala talaga. Ni di nga ako namumulbos eh lipstick pa kaya? Suklay lang alam ko talaga at tska tali sa buhok. Madalas akong nakaponytail kasi istorbo yung buhok ko lalo na pagnaglalaro na ako ng video game. Ou nga yan ang libangan ko tuwing walang pasok o di kaya wala akong ginagawa. Kaya pati galaw ko panlalaki at pananlita ko na rin. Kulang nlang magpaboy cut ako eh kung di lang tutol mga utol ko. Ganito na ako mula grade school pero nung pagpasok ko sa hayskul medyo iniba ko yung galaw at pananamit ko kase nga ganito yun eh.

Flashback ...

First day of class during meet and greet

Teacher: Mr. Soledad, Reiyan

Reiyan- maam, babae po ako maam

Nagtawanan ang mga kupal kong classmates

Teacher: oh sorry yung pangalan mo kasi akala ko

Ou bukod sa galaw at itsura ko pati pangalan ko lalaki eh. Yung private part nalang siguro yung kulang para lalaki na.

Reiyan- sanay na ako mapagkamalan maam . 12 years old, babae pero parang lalaki. I lived in alhpa homes Matina aplaya Davao city . Birthday ko po July 19, 1996

Nagtawanan ulit ang mga ungas kong classmates, ang sarap batukan

Tapos sinabihan pa naman ako sa fc kong best enemy na si Carla

Carla- magpulbo ka naman girl ay tama parang boy hahahahah

Nagatawanan ulit ang mga ipokrito

Teacher- class? Ganyan ba bumati? Sige na miss Reiyan, umupo ka na

Di na ako umimik at umupo nalang. Inimagine ko nalang na binatukan ko silang lahat isa-isa na parang ninja dahil di nila nakita yung galaw ko at tsaka napa smirk sa kina uupoan ko. Weird no? Ganyan ako kapag gusto ko ng sakalin sila pero sa imaginations ko nalang ginagawa. Kung di lang kasalanan pumatay eh ang dami ko na sigurong tagumpay. At kung may nakilala lang ako na pwede akong itrain maging ninja, nag ninja na talaga ako. Pero ganon eh napakasimple at boring talaga ng buhay ko eh. At di lang yun ang dahilan kung bakit ginusto kong baguhin sarili ko.

During Lunch Break

Naghahanap ako ng maupuan sa canteen pero sadyang walang vacant. Meron man eh may naka upo na, tig iisa kaso lang parang iniiwasan ako ng tingin eh parang ayaw pa upuin ako. Akala ko sa mga pelikula lang nangyayari yang sa cr kumakain kasi parang cast away ka eh. Grabe talaga at worst pa, habang nilalasap ko yung fried chicken ko ay may nag call of nature sa katabi ng cubicle na kina uupuan ko. My goodness! May na rinig pa akong *prooot prooooot. Jusme di nagtagal bumaho na. Hindi ko masikmura at sinuka ko yung kinain ko. Bumalik ako sa classroom na gutom at nandidiri pa.

At kung akala mo yun lang ang mga nakakabwiset na nangyari sa buhay ko ay nagkakamali ka.

Sa loob ng jeep

Reiyan- paki abot daw ng bayad

Walang umabot at deadma silang lahat. Akala ko nabingi lang sila kaya nilakasan ko yung boses ko "Paki abot nga po ng bayad!". Pero wala pa ring kumuha. Ang layo ko sa driver at puno pa masyado sobrang sikip. Iniabot ko hanggat sa kaya abutin ng kamay ko pero di talaga. Sa inis ko ay huminga ako ng malalim at sinigaw ko nalang kung anong unang masigaw ko.

"Darna!"

Napatigil at namula ako. Jusme bakit yun ang sinigaw ko? Tumingin sila lahat sakin at natatawa. Sino ba namang hindi tatawa eh para akong baliw na naka taas pa yung isang kamay ko na may hawak barya. Dahan-dahan kong ibinaba yung kamay ko at hinugot ko lahat ng natitirang lakas ko para magsalita ulit na pinataray pa. "Ale paki abot po ng bayad !". Ayun at inabot na nga!. Dapat ko pa palang ipahiya yung sarili ko para lang mapansin nila ! Nakaka irita talagaa!. Hindi ko alam kung bakit di nila ako napansin o baka ayaw lang nilang mahawakan yung kamay ko. Nakaka insulto talaga. Nadagdagan pa ng biglang lumaki yung tenga ko sa binulong nong lalaki sa harap ko. "Babae pala sya, parang lalaki na log hair lang". Nanlaki na rin pati mga mata ko. Aba aba! Hoy hindi ako mukhang lalaki! Damit at kilos lang mga atrabida! Sigaw ko sa isip ko. Jusko inis na talaga ako. Hindi pa kasi ako naka uniporme eh kasi pangalawang araw pa lang ng pasukan at di pa natatapos tahiin yung uniporme ko. Pumara nalang ako dahil baka mabatukan ko na talaga tong mga pasahero dito kahit hindi pa ako naka-abot sa destinasyon ko. Naglakad nalang ako papunta sa school. Mabuti nalang at isang kanto nalang bago ako makarating sa paaralan.

Oh diba? Hindi ako mapansin at parang hindi ako nag iexist sa lugar na ito pati ba naman sa loob ng jeep. May isa pang pangyayari kung bakit nakakainis na talaga.

Sa hallway

Habang nakatayo ako sa may gilid ng hallway at tinatawagan yung kuya ko, may lalaking bumangga sa akin at nahulog yung pinaka inalagaan kong cellphone.

Reiyan- aba sir? Cellphone ko po hinulog nyo?

Huminto at lumingon sa akin

Boy- di ko kasalanan yan no, di mo hinawakan ng maigi cellphone mo at tsaka kilala mo ba kinakausap mo?

Reiyan- wala akong panahon para kilalanin lahat ng tao sa campus na to ang inaalala ko ay yung cellphone ko!

Boy- alam mo ba? Nagmamadali ako !

Reiyan- wala akong pake! Gamitin mo yang mata mo para tumingin sa paligid! Para di ka makabangga ng kung ano! Kung di naman eh ibenta mo nalang yang mga mata mo! May kabuluhan pa yan !

Boy- hoy mag ingat ka sa pananalita mo ma'am na parang sir !

Reiyan- nagsalita ang maingat ! Pwe !

Humakbang ako ng mabilis papalapit sa kanya at kinuha yung cellphone niya tsaka inihulog ng malakas. Speechless ang tanga

Reiyan- Yan ! Pantay na! Sge tumakbo kanang kumag ka baka mahuli ka sa pinagmamadalian mo !

Tumalikod na ako at may malaking ngiti dahil sa wakas ! May nagawa na rin akong revenge! Tatawa na sana ako ng biglang may humila sa kamay ko.

Boy- Miss na Mister, alam mo bang mamahalin ang cellphone ko? Di na ma on!

Pinakita at di na nga mag-on

Reiyan- pake ko? Malas ka lng kase peke yang phone mo at madaling masira

Tinaboy yung pagkakahawak niya sa braso ko

Boy- ano bang pangalan mo?

Syempre di ako bobo para aminin ang pangalan ko, baka ipakulam ako eh

Reiyan- Carla! Carla Loraine Ezperanza!

Natawa ako kunti kasi pangalan yun ng best enemy kong kaklase hahahahahahh . Siya ang makukulam

Boy- miss Carla! Ako pala si Rein James Sandoval. Mayaman, matalino at sikat sa cmpus na to. Kaya magdasal ka na

Reiyan- nananakot ka ba? Shame on you kase di ako takot no pwe !

Rein- hahahah

Tumawa at umalis ang walang hiyang engkanto . Che! Akala niya maiisahan nya ako? Pwes lagut si Carla HAHAHAHA bagay naman sila eh mga hampas lupa hahahahah

One of the BoysWhere stories live. Discover now