Reiyan's POV
Hay nako, hindi ko alam kung safe pa ba yung paaralan nayun. Magtransfer kaya ako? Pero ayaw ni mama. Tinawagan ko na siya kagabi pero ang tigas. Ano bang meron sa campus na yun. Puro mayayamang o.a lang naman nandoon. Duuuh. Mag actingan nalang ako pero magaling si kuya eh. Kilala na niya talaga ako. Pero makiki-usaap nalang ako.
Breakfast with Kuya
Reiyan- Kuya, aabsent muna ako
Reinold- masakit pa ulo mo?
Reiyan- alam mo?
Reinold- tinawagan ako ng adviser mo
Reiyan- aaah opo
Reinold- ano ba? Napa away kana naman?
Reiyan- haa?
Reinold- hoy alam kong palusot lang yang pasakit sakit sa ulo mo no! Batukan kaya kita?
Reiyan- eh kasi naman kuya
Reinold- sino ba yang lalaki na yan?
Reiyan- di naimportante kuya. Basta aabsent muna ako ngayun. Please????
Reinold- sige sa isang kondisyon
Reiyan- Kahit ano pa yan, deal na!
Reinold- oh sige saka ko nalang din sasabihin. Tatawagan ko nalang yung adviser mo
Reiyan- thanks kuya! The Best ka talaga!
Sabay tayo at kiss sa noo niya!
Yohooo. Tumakbo na ako papunta sa itaas. "Hoy yung almusal mo!" "Mamaya nalang kuyaaa!" At pumasok na ako agad sa kwarto ko. HAHA! Makapagpapahinga narin sa wakas! Ngayon si mama na naman ang kukulitin ko. Pipilitin ko siya na payagan akong magtransfer sa ibang school. Hehehhe
Carla's POV
Nakaka-inis talaga! Yung mga bruhang yun ay niloko ako! Wala naman si Prince Rein sa room 001 eh! Naghintay ako ng limang oras! Lagut ka talaga sa akin Reiyan. Nakakainis talaga yung pangit na yun! Pagpasok ko sa room ay himalang wala si Reiyan. Aba ay nag absent! Napakagaling niya talagang umarte. Grrrrr.
Lunch Break
Hindi pa talaga pumapasok yung babaeng yun lagut talaga siya sa akin. Tumayo na ako at niligpit ang mga gamit ko nang biglang nagsitilian ang mga babae sa labas. Oh Angel! Si Prince Rein! Ang kumikinang niyang mga mata, bouncy blonde hair, ang malalalim niyang dimples at flawless niyang skin! Hindi ako nagkakamali! Siya nga! Papalapit siya sa akin at natulala na lang ako. Oh noooo Mahihimatay na yata ako. Ang lapit niya na, nananaginip ba ako?
Rein- hello? Ikaw ba si Carla?
Natauhan ako bigla. Huwaaw kilala niya na ako!
Carla- uhmm uhmmm Yes Sir. Este Yes My Prince *Dazzling eyes
Rein- aah pwede ba kitang maka-usap?
Carla- huh ? Ahh oh sure!
Rein- dun tayo sa room 001. Sumunod ka
Carla- haaah. Yes!
Grabe? Panaginip ba to? Nagkagusto na ba sa akin si Prince Rein ko?!!! ETO NA GIRL!!
Pumasok na si Rein sa room 001 at naghihintay na siya sa akin. Pumasok na ako. Tapos biglang may nagsira ng pinto. Nakabahan ako.
Rein- Don't worry, kasama ko yun. Halika let's have a chitchat.
Rein's POV
Susugal na talaga ako dahil matalino at wais tong kalaban ko. Gagamitin ko tong Carla na to dahil halatang patay na patay sa akin. At Bukod sa obsess to sa akin ay mayaman din at sikat sa mga lalaki dito sa campus. Hahahhaha
YOU ARE READING
One of the Boys
HumorBoyish ako pati pangalan ko panlalaki na rin. Malas na kung malas, kasi kahit saan ginagawa akong clown ng mga tao. Maliban sa palagi akong napagkakamalang lalaki, lagi akong sinusundan ng malas. HIndi ko alam, simpleng highschool student lang ako...