Chapter 2: Tarzan, girl Version

6 0 0
                                    


Pangalawang araw ko palang ditto sa campus na ito pero feeling ko di na ako tatagal ditto.

Pero, nakapagtataka kase wala yung asungot na Carla na ang hilig mang asar. Di ko akalain na nilalagnat pala eh ang kapal ng balat ng babaeng yun. Lunchbreak na, at kase ayoko ng kumain sa loob ng cr, nagbaon na ako at sa classroom kumain. Sana ganito lage, walang Carlang kupal at peaceful pero alam kong bukas mang-aasar na naman yun. And speaking of the monster, dumating siyang humihingal at napa nganga ako at naluwa ko kinain ko. Nakakatawa kasi yung mukha niya. Namumula at basang basa sa pawis na may halong egg yolk yung damit at buhok nya. May egg shell pang nakakabit sa buhok nya. At ang bantot nya, nagtaka ako. Basang basa talaga siya. Nanlilisik yung mata niya ng makita niya ako.

Reiyan- aah Carla? Naka ihi ka ba?

Napatayo ako ng humakbang sya ng mabilis papalapit sa akin. Sinecure ko muna yung baon ko sa bag at sinout yung bag tsaka dahan dahang paatras. Sasampalin na sana niya ako kaso umilag ako at tumakbo papalayo. Haler ang baho niya no ayaw kong mahawa.

Reiyan- ano na naman bang kasalanan ko?!

Carla-Di mo ba nakikita anong nangyari sa akin? Dahil sa kakulangan mo ng respeto kay Prince Rein James Sandoval!?

Patay, buti nalang talaga at naging matalino ako nung oras na yun

Reiyan- Huh? Sino ba yan?

Carla- wag ka na ngang mag maang maangan! Hayop ka at ginamit mo pa ang pangalan ko!

Lagut at parang rambulan na. Papatulan ko talaga to kasi matagal ko ng gustong gulpihin tong ungas na to kaso pass muna ngayun. Ang Baho nya! Sigaw ko sa sarili ko. Run for the sake of your youth Reiyan!

Reiyan- Maligo ka muna!

Then poof tumakbo ako ng napaka bilis at bahala na. Tumago ako sa mga halaman. Grabe talaga parang Carla the monster na talaga. Natatawa ako pero pinigilan ko kase baka makita ako ng amoy basuraa na ambisyosa hahahah

Tapos non ay pumunta ako sa rooftop ng building namin. At lumanghap ng sariwang hangin. Salamat naman at di na ako nakaka amoy ng bantot. HAHAHA Tapos naalala ko yung muka nya grabe. Galing pa yata sa basura at ihi ng aso. Tumawa ako ng malakas. Binuhos ko na lahat ng kinimkim kong tuwa AHAHHAHAH Buti nga sayo bruha ka HAHAHA

Yun ang isang magandang halimbawa ng 'two birds with one stone' LOOOL Talaga. Naisip ko ulit yung tawag nya sa kupal na 'Prince Rein'. Napahinto ako kasi ngayun ko lang napansin na pare-pareho yung pangalan namin. Duuh whatever wala akong pake sa pagkatao niya. Ganon siguro talaga siya ka sikat? At halatang may inutos lang ang engkanto kaya ang tunay na Carla ang napagbuntungan niya ng galit. Napatingin ako sa oras at malapit na mag 5pm. Malapit na magsilabasan kaya napagdesisyon kong mga 5:30 pm na umalis para di ako makita ng kupal na carla na yun. Tapos may biglang nagbukas sa pintuan. Nataranta ako kasi baka faculty kaya dali dali akong nagtago. Nang sinilip ko ay nagulat ako. Anong ginagawa ng Pekeng Prince Rein na yan dito?! Akala ko ako lang ang nagpupunta dito.

Rein- Hay nako at naisahan mo ako

Hala? Engkanto nga siguro talaga to parang may kausap na ibang engkanto

Rein- wag ka na ngang Mag tago Miss na Mister

Lagut nakita niya pala ako kaya lumabas na lang ako at tinaasan ko siya ng kilay

Reiyan- sinundan mo ba ako dito?

Rein- oo, kanina pa habang hinahabol ka ng totoong Carla. Oh? Namutla ka yata bigla?

Reiyan- huh?

Lagut na, alam na nya. Dapat mag isip na naman ako ng pekeng pangalan

Rein- wag mo na akong bigyan ng ibang pangalan ulit, mas darami lang problema at gulo na papasukan mo. Alam mo bang mayaman pala yung ginamit mo na pangalan? Pero mas mayaman at sikat parin ako sa kanya hohohoh

Reiyan- hoy engkanto, di ako natatakot sa mga hampas lupang mayamang kagaya niyo!

Rein- talaga? Tignan nalang natin?

Reiyan- maka alis na nga!

Papunta na sana ako sa pintuan pero hinarangan niya ang pinto. Umatras ako at tumalikod

Rein- Halika na. Walang ibang pintuan dito kaya harapin mo na ako kase may nakahanda pa akong pabuya sa iyo.

Reiyan- Sabi ko sayo, wala akong pake at mas wala akong oras para sayo! BYE!

Tumakbo ako at tumalon dun malapit sa may puno. Nagalusan yung kamay ko pero naka kalabit ako sa branch ng puno. Naririnig ko pa sigaw ng halimaw "hoy wag kang magpakamatay!". Dumungaw ako sa baba at nakita kong kaya ko ng talunin kaya nagpahulog na ako ng lumanding ng safe. Tapos sinigawan sya, "Hindi ako kasing bobo mo!"

Tapos dali daling tumakbo papalabas ng gate.

Sa Bahay

Reizz- Ano ka si Tarzan? Hoy babae ka parin!

Reiyan- aray naman kuya! Dahan dahan oh

Reizz- sino ba yang kumag na lalaki na yan ha? At gugulpihin ko yang hinayupak na yan pati na yang babaeng yan!

Reiyan- hahahah hayaan mo na kuya! Kaya ko to ! Ako pa! Pinalaki mo tong malakas

Tumindig ako at pinakita yung muscle ko sa braso

Reizz- babae ka parin. Mag ingat ka pa rin lalo na sa mga mayayabang na gwapo at mayamang mga lalaki na yan! Baka mainlove ka nyan!

Reiyan- kuya! Hindi ganun kasama ang taste ko sa mga lalaki no?

Reizz- ases. Matulog ka na nga lang!

Reiyan- Goodnight :D

Niligpit na ni kuya ang mga ginamit niya sa pag gamot ng sugat ko at ako naman pumasok na sa kwarto ko. Hindi kami pobre ano. Dalawa lang kami ni kuya ngayun sa two storey house ng pamilya Soledad kasi nasa Hawaii si Papa at nasa U.S naman si mama. Oh diba? Yung isang kuya Reinold ko, ang panganay sa aming apat ay nasa korea dahil isa siya sa mga magagaling na artist dun. May malaking sweldo din sya at wala pang asawa. Ang pangalawa kay Kuya Reinold na si Ate Reizza ay nasa England. Single pa rin pero big time na. Ako ang bunso at pinaka maswerte kase tuwing may pasalubong sila ay meron talaga ako. May sari-sarili kaming personal computer, laptop, ipad, iphone, ipod, playstation simula 1 hanggang 4, Xbox, at kahit anong mga makikita mo sa timezone na mga machine? Meron kami. May sariling timezone na kami kung baga. Sa groundfloor ng bahay namin ay nandun ang sala, kusina, banyo at ang maliit namin na timezone. Sa itaas ay 5 bedrooms with single bed and 1 bedroom with masterbed, dun si mama at papa natutulog. Yung isang room ay guest room. Kasi nasa labas ng Pinas sila halos lahat, dalawang kwarto lang ang natutulugan. May tatlong katulong kami sa paglilinis ng bahay, isang labandera, dalawang hardinero at isang driver. May driver kami pero minsan tinatakasan ko kasi nakaka-umay yang hinahatid sundo ka eh.

Tinignan ko yung oras at mag aalasdyes na. Kailangan ko ng matulog para magipon ng lakas para bukas kasi sigurado mag fafun run na naman ako.

Rein's POV

Nagulat ako sa ginawa ng babaeng yun. Di ko alam na may lahing unggoy pala? Nasayang na naman yung inihanda kong back up para bigyan siya ng leksyon. Hindi ko pa talaga nalalaman ang pangalan niya kaya mapapasubo ako harapin si Carla para siya na mismo ang tatanungin ko. Bumaba na ako at pina-uwi ko na yung mga alagad ko. Syempre ayaw kong harapin si Carla kasi ang baho niya pa at alam kong didikitan ako nun eww. Kaya bukas nalang ako hihingi ng tawad at favor sa kanya hahahhaha. Lagut ka sa akin gorilya ka. 

One of the BoysWhere stories live. Discover now